"Kuya sama ka?" ang sabi ng lasing at mukhang adik na lalaki.
"Saan ba yan?" ang sagot ni Totoy.
"Ah doon lang sa bahay ni Boss malapit lang yun siya siyudad." wika ng lalaki
"Totoy ano yang sinasabi ng lalaking yan?" pasigaw na tanong ng tatlo niyang kasama dahil napalayo na ang mga ito sa kanya.
"Halika kayo rito ng marinig ninyo." tugon niya sa mga kaibigan
At dali daling nagtakbuhan pabalik ang tatlo papunta sa kanya.
"Alam niyo mayaman ang boss ko. Siya lang naman pinakamayaman na negosyante rito sa ating nayon at sa katotohanan nga niyan e naghahanap siya ng mga tauhan na magbebenta ng kaniyang mga produkto sa mga dayuhan dito sa ating lugar. Ano payag kayo na sumama sa akin?" pang-hihikayat sa kanila ng lalaking lasing.
"Ano ba ang binebenta ng boss mo?" mapang usisang tanong ng tatlong bagong dating
"Mga gamot lang naman pero malaki ang magiging sahod mo kay Boss kapag madami kang nabentang gramo ng gamot na iyon." tugon ng lalaki
Biglang nagliwanag ang mukha ng apat sa kanilang narinig mula sa lalaking hindi naman nila gaano kilala.
YOU ARE READING
Totoy's Birthday (On Going)
Kısa HikayeAng maligayang kaarawan sana na idaraos ng pamilya Magpantay ay nauwi sa isang pagluluksa dahil sa pagkawala ng kanilang pinakamamahal na si Totoy. Si Anthony "Totoy" Magpantay ay isang mahirap na binata na napagbintangan sa isang kasalanan sa batas...