CHRISTIAN'S POVNandito ako ngayon sa hospital, ilang minuto nalang mag sisimula na ang operasyon ni mama medyo kinakabahan ako pero alam kong kakayanin iyon ni mama.
Napatayo ako sa kinauupuan ko ng dumating ang doctor.
"sisimulan na po namin ang operasyon, kailangan nyo nalang po itong pirmahan." Sabi ni doc, kaya agad ko itong pinirmahan.
Maya-maya lang ay nilabas na si mama sa kwarto niya para dalhin sa ER pinuntahan ko ito at kinausap.
"Ma, tatagan mo ang loob mo ah?lumaban ka, pag katapos nitong operasyon nyo dadalawin natin si papa." sabi ko dito habang naiiyak.
Nang nag usap kasi kami ng doctor na mag papaopera kay mama 50/50 daw ang tsansang makaligtas si mama sa gagawing operasyon dahil narin sa katandaan nya.
Hindi ako mapakali habang inaantay matapos ang operasyon. Nahinto lang ako ng lumabas nurse na mukang nagmamadali.
"Nurse ano na pong nangyari?" Tanong ko rito habang kinakabahan.
"Madami pong nawalang dugo pasyente kailangan po agad masalinan, excuse me po." sabi nito at madaling tumakbo.
Lalo akong kinabahan dahil don, Ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. dalawang oras din akong nag antay matapos ang operasyon. Nang lumabas ang doctor agad ko itong pinuntahan at tinanong.
"Doc kamusta na si mama? naging successful po ba ang operasyon?" kinakabahan na tanong ko dito.
"I'm sorry Christian, ginawa na namin ang lahat pero hindi kinaya ng mama mo." malungkot na sabi ng doctor sakin.
Iyak ako ng Iyak nasuntok ko narin ang pader at napaupo nalang ako.
Ginawa ko na ang lahat pero hindi ko parin nailigtas si mama. iyak na sabi ko.
~FAST FORWARD~
five day ago and now Mama's funeral day.
"ma, I'm sorry kung nakagawa ako ng isang malaking pag kakamali at kay Vina pa, I know someday may karma din na babalik sakin dahil sa ginawa ko, pero ma, I'm sorry for all of my sins, Sana mapatawad mo ako ma." sabi ko dito bago tuluyang isara ang pinag lagyan sakanya.
Nang tuluyan nang nailibing si mama ay Isa Isa naring nag siaalisan ang mga tao.
"Ma, sana gabayan mo ako sa kung ano mang mangyayari sakin habang nabubuhay ako." Bulong ko sa hangin habang nakatingala at tuluyan naring umalis.
Tinawagan ko si carlo para yayain siyang uminom.
"Pre, tara inom tayo don sa fav bar." sabi ko dito .
"Sige pre, sunod ako." sabi nito at pinatay na ang tawag.
Sumakay na ako sa motor ko at pinaandar ito ng mabilis. buti nalang at walang trapic ngayon kaya mabilis lang akong nakarating sa bar.
Agad akong pumasok dito, kaunti palang ang tao dahil masyado pang maaga, Kaya agad akong nakahanap ng pwesto.
"Waiter." tawag ko dun sa lalaki.
"Sir, ano pong order nyo?" agad na tanong nito.
"Isang strong na alak." agad naman nyang nilista ito.
"Yon lang po sir?" tanong muli nito, tinanguan ko nalang ito kaya agad syang umalis.
Mabilis rin naman nyang naihatid sakin yung order ko kaya habang inaantay ko si Carlo nainom na ako. Ng nakakadalawang inom palang ako sya namang dating ni carlo.
YOU ARE READING
REVENGE
Action"The person who you trust is the one who will ruin your life... And the one you thought was really kind to you is the person who planned everything.... "