𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 5

93 68 7
                                    


ISABEL'S POV

"kuya Calvin, akala ko ba after 5 years pa Kayo uuwi dito sa pinas? eh bakit naging 2 years nalang?! "Inis na Sabi ko kay kuya sa call.

"Madami pa kasi akong aasikasuhin diyan sa company, and I know naman na hindi mo kayang I handle mag isa Yan."Sabi nito sa akin. Kahit kailan talaga walang tiwala sakin.

"Pano si Dalvina? alam mo bang five months na syang hinahanap ni Samuel? kahit anong gawin kong pag papapansin si Dalvina parin."malungkot na sabi ko dito. Dahil mga Bata palang kami may gusto na ako kay Samuel. Nag ka hiwalay lang kami nung sa America kami tumira.

"Ako na bahala doon kay Samuel at tsaka mag papakasal narin naman kami ni Dalvina kaya wag kanang mag alala." medyo nawala ang lungkot ko dahil sa sinabi ni kuya.

" But kuya, girlfriend nga naaagaw asawa pa kaya."mautoridad na Sabi ko dito.

"I don't care, bato nga nababasag mukha pa kaya nya." medyo natawa ako sa sinabi ni kuya hindi nga maipagkakaila na mag kapatid kami.

"You stupid brother! try to hurt Samuel, at ako ang makakalaban mo." Sabi ko dito.

"C'mon, don't defend him. he doesn't love you." Sabi nito na ikinalungkot ko dahil totoo naman kasi talaga. Pero maka ano sya sakin akala mo naman talaga Mahal sya ni Dalvina, napilitan lang naman dahil don sa kunwari niligtas nya pero ang totoo sya ang may pakana.

"Nako! kuya, tigilan mo ako. nahiya naman ako sa ginawa mo para lang mapilitang mag pakasal sayo si Dalvina, "Protestang sabi ko rito.

" Basta ang mahalaga ikakasal na kami, sige na next time na lang ulit may ginagawa pa ako."paalam nito sa akin at binaba na ang tawag.

Nako talaga to si kuya! napaka workaholic, kahit saan mag punta trabaho ang inaatupag.

Pumunta na ako sa kwarto ko para mag handa ng susuotin at ang napili ko ay ang off shoulder dress ko na hindi lalagpas sa tuhod at kulay black na may pag ka white at naka heels na 4inch ang taas.

Pag ka tapos kong makapili ng isusuot pumunta na akong banyo at naligo.

~2 hrs ago~

Paalis na ako ng biglang tumunog ang phone ko. Pag tingin ko dito si Scarlet lang pala.

"Bakit na naman? anong kailangan mo at napatawag ka." tanong ko dito.

"Eto naman ang init agad ng ulo! yayain lang naman kitang mag shopping." Sabi nito.

"I can't, I'm leaving." Sabi ko dito habang nag lalakad palabas ng bahay.

"Ok, pupuntahan mo lang naman si Samuel eh!" maarteng sabi nito.

"You don't care." Sabi ko dito at pinatay na ang tawag.

Ng makarating na ako sa kotse ko agad akong sumakay at pinaandar ito. Wala pang isang oras nakarating agad ako sa CEC company kaya agad akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob.

Agad akong pumunta sa third floor, pag karating ko doon agad akong pumunta sa office ni Samuel. Kumatok muna ako bago pumasok.

"Hello Samuel, nag launch kana ba? Tara sabay na tayo." Yaya ko sakanya.

"I'm busy." Sabi nito sa akin habang hindi binabaling Ang tingin sa akin.

"Pwede namang mamaya yan diba? Tara na." pag pupumilit ko dito.

"I said I don't want! don't you understand?!" halatang galit na sabi nya.


"Bakit ba ayaw mo! dati naman gustong gusto mo akong kasabay gustong gusto mo akong kasama bakit ngayon ayaw mo na? " sigaw na sabi ko dito. Naiiyak na ako dahil doon.

"Past is past Isabel, huwag mo nang balikan pa, at kung ano man yung dati. tapos na iyon mga bata pa tayo nun Isabel iba na yung noon sa ngayon." Sabi nito sakin na ikinaiyak at ikinadurog ng puso ko.

"Ok fine, I know naman na si Dalvina na ang mahal mo, pero Sana alam mo rin na mahal na mahal kita."naiyak na sabi ko dito.

"I can't accept your love Isabel, so stop that." Iritang sabi nito na mas lalong ikinadurog at ikinaiyak ko.

"Ok, but make sure, you never find Dalvina again." Sabi ko dito at tinalikuran sya. Mag lalakad na sana ako palabas ng bigla syang mag salita.

"When I find out that you are the reason why Dalvina is missing, I'll make sure that you'll pay for it." pag babanta nito sakin.

Hindi ko nalang ito pinansin at nag lakad nalang. Sobra akong nasaktan dahil sa mga sinabi nya.

Kinuha ko Ang phone ko at tinawagan si Scarlet.

"Scarlet let's have a drink, let's go to our favorite bar." Sabi ko dito at agad na binaba ang phone at sumakay na sa kotse ko.

Agad ko itong pinaandar ng mabilis, Kaya saglit lang akong nakarating sa bar, pinarada ko ito at mabilis na pumasok.

Pagpasok ko palang ingay at usok ng sigarilyo ang unang bumungad sakin. pumwesto ako sa may harap ng bartender.

"One glass of lager please." order ko. habang inaantay ko ang order ko sakto namang dating ni Scarlet.

"Ano nabigo ka na naman Kay Samuel? sabi ko naman kasi sayo tigilan mo na siya, maraming iba dyan." bungad na sabi sakin ni Scarlet.

"Um-order ka muna bago mo ako sermunan." Sabi ko dito. at sakto kakabigay lang sa akin ng order ko.

"Ok fine, Isa ngang white wine." Sabi nito sa bartender.


"Bakit white wine lang?" tanong ko dito.

"Aba! malamang sa alamang mag lalasing ka, kaya white wine lang sakin para makauwi tayo mamaya." Sabi nito sakin well totoo naman HAHAHA.

"Nakakainis talaga sya nakilala nya lang si Dalvina nagbago na siya." inis na sabi ko.

"Well literal na nag bago na talaga sya kasi ang pag kakaalam ko may gusto na si Samuel Kay Dalvina nung first year highschool pa sila." Sabi nito sakin.

"I know but, mas matagal ang pinag samahan namin kaysa kay Dalvina." matamlay na sabi ko.

"Oo alam ko yan. pero bel, mga bata pa kayo nun." sabi sakin ni Scarlet, yeah tama sya, mga bata pa kami nun but totoong gusto ko na sya mula pa noon.

"Haysss! Uminom nalang tayo, gusto kong malasing ng sobra." Sabi ko dito at uminom pa ng uminom.

"Isabel tama nayan lasing na lasing ka na." sabi nito sa akin at inalalayan akong mag lakad.

Ng makauwi kami sa bahay agad nya akong dinala sa kwarto sa sobrang kalasingan ko agad akong nakatulog.

REVENGEWhere stories live. Discover now