𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 2

122 77 27
                                    


CHRISTIAN'S POV

Naglalakad na ako palabas ng building ng makita ko si Samuel kaya agad ko itong pinuntahan.

"Pre!" tawag ko dito sabay tapik sa kanyang balikat.

"Oh pre, kamusta na? si Vina kamusta na?" pagkabanggit niya sa pangalan ni Vina ay agad akong kinabahan.

"Ah, si V-Vina ayos lang." Nauutal na sabi ko. Pero pinilit ko parin na huwag mautal.

"Mabuti naman kung ganon. Tara! sabay kana sa akin, kukunin ko lang yung kotse ko." yaya nito sa akin hindi narin ako nakatanggi sakaniya.

Ng nakuha na niya ang kotse niya ay agad akong sumakay.

"Nasaan pala si Vina ngayon?" tanong nito sa akin.

"Ahh, hindi kona alam eh, matagal na rin kaming hindi nag kikita." pag sisinungaling ko dito.

"Ganun ba? doon parin ba siya nakatira sa condo?" tanong muli nito sa akin.

"Siguro." maikling sagot ko dito.

"Sige pupuntahan ko nalang sya. " pagkasabi niya nun ay agad akong kinabahan.

"Sige, dito nalang ako salamat pre." Sabi ko sakanya at agad na bumaba.

Si Samuel ay matalik na kaibigan ni Vina pero ngayon ay hindi pa sila ulit nagkikita kasi kakauwi palang ni Samuel galing France. may business kasi siya doon. At kasali din sya sa isang napakalaking organisasyon sa bansa.

Kaya lahat ng gusto niya nagagawa niya. Kaya ang kinatatakutan ko kapag nalaman niya ang ginawa ko kay Vina. Siguradong kahit magkaibigan kami ay mapapatay niya ako. dahil hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Vina mahal niya ito. kaso nung umamin siya kay Vina ay hindi pa ito handa para sa isang relasyon.

Nandito na ako sa hospital pupuntahan ko si mama para sabihing makakapag pa opera na siya. ngunit hindi ko sasabihin kung saan ko nakuha itong napakaling pera dahil alam kong magagalit siya.

"Ma, gising kana pala." Sabi ko dito at nilapitan siya tsaka nagmano.

"Oo anak, kanina pa ako gising. ikaw na lang ang inaantay ko." sabi nito sa akin sabay sumandal sa unan.

"Ma, makakapag paopera kana may pera na tayo." Sabi ko dito.

"Saan mo naman nakuha ang perang iyan? nako! anak, kapag sa masama mo iyan nakuha mas gugustuhin ko pang mamatay kesa magamot gamit yang perang iyan." habang sinasabi ni mama ang mga katagang iyon saglit akong napayuko.

"Hindi ma, naipon ko ito." pag sisinungaling ko kay mama.


"Sige anak, basta ayaw ko na nagawa ka ng hindi mabuti para lang makakuha ng pera." pag papaalala ni mama sa akin.

Mabait si mama hindi siya nag kulang ng paalala sakin pero wala na akong ibang maisip na paraan para makahanap ng malaking pera Kaya kung babawian man ako ni Vina handa na ako.

"Sige ma, kakausapin ko lang ang doctor para maisaayos na ang operasyon nyo." paalam ko dito.

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa office ni Doc.

Pag pasok ko sa office ni doc, agad akong umupo.

"Doc, gusto ko na pong sumailalim si mama sa operasyon." medyo kinakabahang sabi ko kay doc.

"Sigurado ka naba sa desisyon mo?" paniniguradong tanong ni Doc sa akin.

"Opo doc, gusto ko nang maoperahan si mama." siguradong sabi ko.

REVENGEWhere stories live. Discover now