Kabanata 3: Abduct

808 100 11
                                    

ANGEL

"West, ako na may kamay naman ako e," agad kong reklamo nito nang sumandok ito ng pagkain at akmang isusubo sakin.

"Tss, fine but you need to eat it all," kinuha ko ang kutsara mula dito, ano bang nakain nito? Kanina ko pa pansin ito e, ang pag e-english niya na walang halong Tagalog. Naninibago talaga ako sa isang toh.

Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang pagkain habang si Charia naman ay busy sa chocolate niya.

Napaubo naman ako nang bahagya akong mabilaukan. Agad naman akong binigyan ni West ng mineral water nagmura pa ito kaya tinapunan ko ito ng masamang tingin pero nagsalubong lang ang kilay nito sakin. Napairap na lang ako at hindi ito pinansin.

"Baby, are you full?," napatango lang ako dito at napahimas saking tiyan. May saltik din itong si West kanina galit na galit ngayon parang tuta kung mag salita.

"Baby-" magsasalita pa sana nito nang inilagay ko ang hintuturo sa labi nito. Kanina pa ito baby ng baby, pinagtitignan na kami dito.


"Ahh quite ka okay, babay ka ng-Aray!," mabilis binawi ang hintuturo kong kinagat nito at bahagya iyong pinahid sa dala Kong panyo. "Bakit ka ba nangangagat hah?" Asik ko dito. Ngumisi lang ito at biglang tumalikod, nakapamulsa pa itong naglakad paalis pero bago pa man siya makalabas ay pahabol pa itong nag salita. "I'll see you later, Love," napanganga ako dito. Sheyt ang lakas pa naman ng boses niya. Rinig Kong napasinghap ang iilang estudyante nandito. Western!


Napabaling naman ako Kay Charia nang humagalpak ito ng tawa. Baliw.



Matapos ang klase ay agad na akong dumiretso sa Restaurant upang magtrabaho isinabay pa ako ni Charia sa sasakyan nila kahit ayoko ay wala na akong nagawa dahil doon rin naman ang punta niya. Hindi ko na rin nahagilip pa si West matapos ng eksena sa cafeteria ay bigla nalang itong nawala at hindi ko alam kung saan iyon nasusuot.


Alam ko namang problemado ang Isang iyon dahil pa iba iba ang timpla niya, may alitan Kasi ang pamilya niya at ang kapatid niya na hindi ko nakilala dahil hindi naman ito nakatira sa kanila. Masyado daw itong seryoso at hindi humaharap sa maraming tao.

"Angel table for 6 daw," nabalik lang ako sa mula sa malalim na pag-iisip sa pagtawag nito sakin. Mabilis akong lumapit dito at kinuha ang tray na puno ng mamahaling pagkain. Ngumiti ako nang marating ang table ng costumer at ini-isa isang inilapag ang mga pagkain. "Enjoy your meal, Ma'am and Sir," I smiled. Ngumiti naman pabalik sakin ang mag-asawang matanda.


"Angel paki asses plss yung table 10," I smiled and nodded at her. Kinuha ko ang note pad sa counter table at tik tak pen.


"Good Evening, What's your order Ma'am, Sir?," I politely ask. Mabilis ko namang inilista ang orders nito at muling ibingkas iyon para masigurado or kung may idadagdag paba sila. Nang masigurado ay tumango na ito. " Okay, thank you," muli akong naglakad patungo sa kitchen ay ibigay ang listahan sa Isang chef dito.


"Psstt," napabaling ang atensyon ko dito. "Besheyy Mauna na ako hah," tumango ako dito. "Sige bye, mag ingat ka pauwi mamaya, I'll text you," dagdag pa nito. " Ok, bye na din, mag ingat ka rin," I tiredly smile. Bumalik ako sa pagsusulat. "Wag kang magpapagod masyado besheyy," I glared at her. Hindi parin ito umalis sa harapan ko. Nakangisi pa itong nakatingin sakin.


" Awhhss pawisan na Ang baby namin," napaiwas ako nang bahagya nitong pahiran ng panyo ang noo ko. Sisitahin ko na sana ito nang bigla itong nawala sa harapan ko. Nag flying kiss pa ito bago lumabas. Kalog talaga.

____

GABI na ng matapos ako saking trabaho. At pagod akong naglalakad sa madilim na kalye. Sa ganitong oras ay wala na talagang sasakyan na dumadaan dito. No choice ako kundi ang maglakad hanggang sa makauwi ako. Medyo malayo layo pa naman ang uuwian ko buti nalang ay may tsinelas akong dala kundi mamaga talaga itong paa ko sa may heels na sapatos na iyon. Pinaglatuloy ko ang paglalakad nagbabaka sakaling may mapadaan na tricycle.


Ilang hakbang ko ay may nararamdaman akong kakaiba. Ito yung pakiramdam kanina na para bang may nagmamasid sakin. Mabilis akong naglakad nagsimulang pumintig ng mabilis ang dibdib ko.

Napayakap ako sa sarili ng humampas saking katawan ang malamig na hangin.


Mas binilisan ko pa ang aking paglakad ng maramdaman Kong may sumusunod sakin. Nakaramdam ako ng takot dahil hindi ko alam kung sino at anong kailangan nila sakin at kung bakit nila ako sinusundan.


Liliko na sana ako sa kabilang skeneta ng may humintong itim na van sa harap ko. Bago paman ako maka react at tumakbo ay agad na bumukas ang ang pinto nito at mabilis akong nahila ng kung sino papasok sa loob ng Van.


Napasigaw at nagpupumiglas sa mga kamay nito ngunit malakas ang pwersa nito napsubsob ako sa upuan. Umikot ang paningin ko sa kaba at para nang lalabas ang puso. Iniangat ko ang aking paningin ngunit masyadong madilim dito sa loob. Hindi ko maaninag kung sinu-sino ang nandito sa loob. Are they go-ing to ra-rape me? And sell me or kukunin nila ang lamang loob ko? No! Hindi pwede!


"Ahhhhhhh!!!!! Tulong! Tulungan niyo ako! Ahh palabasin niyo ako nito!," malakas Kong sigaw at sinipa sipa ko ang pinto nito. Hinampas hampas ko ang tinted na salamin nito. Ramdam Kong naalarma sila pero Wala akong pake! Ayoko pang mamatay!


"F*ck! Lower down your f-cking voice! And stop it bangging that damn door, you can't f*cking open it and get away! Never!" Isang malalim at malamig na tinig ang nagpatigil sakin, natulos ako saking kinauupuan hindi ko alam kung lilingon ba ako bigla ay parang nanginig ang aking kalamnan.


Unti-unti ko itong nilingon, dumaloy ang lamig sa buong katawan ko nang  sumalubong sakin ang seryoso at malamig nitong mukha. Nakatiim bagang itong nakatitig sakin.


Parang Greek god ang mukha nito pero nakakatakot ang awra nito.



"Si-sino ka?
Anong kailan mo sakin?." nanginginig na tanong ko dito.


"Hmmm, you're an innocent angel," ngumisi ito at nagulat ako nang ilapat nito ang mukha nito sakin. Napakurap kurap ako, nag contact lense ba siya ng pula?


Bahagya akong napaatras dahil randam ko ang pagtama ng hininga nito sa mukha ko. Nanginginig na rin ang kalamnan ko sa nangyayari. Hindi ko siya kilala. Kahit gwapo siya hindi ako papayag na ibibenta nila ang kaluluwa ko!


"You're silly," napaigtad ako nang hawakan nito ang mukha ko. "Stop thinking silly things woman, " napakunot noo ako. Anong ibig niyang sabihin?



"Wh-ano bang kailangan mo?," mahina Kong bigkas. "Stop asking and keep quite," bumalik ito sa ayos ng kanyang pagkakaupo kanina at binitawan ang mukha ko. Naging malamig din ang hitsura nito. Patuloy parin ang pag andar ng sasakyan at hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon.


"Sa-saan niyo ako dadalhin-" napasinghap ako nang bigla akong higitin nito dahilan upang maumpog ako sa katawan nito.


"Did I f*cking tell you to stop asking! You're so harded," mariing bigkas nito. Napakislot ako nang dumiin ang hawak nito sa braso ko. Tumambol ang dibdib ko, nanlamig ako nang makitang galit sa mukha nito. Napayuko ako at hindi ko mapigilang mapaluha. Ano ba kasing nangyayari.



"Stop crying and look at me," nakayuko lang ako at hindi ito sinunod dahil nakakatakot siyang tignan. "Eyes up now woman if you don't want to die," napaangat ako nang tingin dito dahil sa sinabe niya. Seryoso itong nakatitig sa mukha ko. Pinahid ko ang luha sa mukha ko pero agad din akong napahinto ng hawakan nito ang pangga ko.

Napatitig ako sa pulang mata nito.

"Sleep now woman," malamig niyang lintaya. Hindi ko alam pero habang tumatagal ay para akong hinihili. Kumislap ang pulang mata nito kasabay noon ang pag pitik niya sa kanyang hintuturo sa harap ko.


Unti- unti ay parang nanghihina ang katawan ko, bumibigat ang talukap ng mata ko. Bago ako lamunin ng dilim ay kita ko pa ang pag anggat ng sulok ng labi nito. At ang pagbigas nito ng mga katagang hindi ko maintindihan.







"Duerme apretada mi angel,"














To be continued...

THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon