SIMULA

1.7K 120 22
                                    

Dedicated to : imyourslayerxx
Thank you for your support!


☩☩☩☩☩☩

Alas utso na ng gabi ngunit panay hikab lang ang kanyang apo. Napakamot na lamang siya sa kanyang ulo.

Ilang story book na ba ang binasa niya dito?

Isa. Dalawa. Tatlo.

Gusto na sana niyang magpahinga ngunit makulit ito kaya't pagbibigyan niya dahil ito lamang ang kanyang kaisa-isang apo.

" Papu plsss...pretty plss read me more stories, I don't wanna sleep yet," naka-pout na aniya habang nakalapat ang dalawang balad nito.

"My pretty apo gabi na, oras na para matulog ang kagaya mong bata," marahan siyang tumabi dito at hinimas ang buhok nito. Kunot naman ang noo nito.

"No papu, I'm not bata anymore. Look oh I'm 7," pinakita pa nito ang daliri sa kanya.

"Still bata ka parin," biglang lumungkot ang mukha nito.


"You don't love me anymore papu? Hin-hindi mo na ako gustong — "No princess is not like that— okay I will tell you something pero pagkatapos nito matulog kana hah?" mabilis naman itong tumango sa kanya. Pinahid muna niya ang konting luhang tumulo sa mata nito. Ito ang pinaka ayaw niya ang umiiyak ang munting prinsesa nila.

" Princess do you believe in myths, like fantasies," simulang tanong niya dito. Ngumiti ito ng malapad.

"I do love fantasy papu, but I don't really believe that they existed kasi imagination lang sila at isang kwento lang," parang matandang lintaya nito. Napatawa Siya sa sinabe nito. Napaka mature talaga nitong mag isip.

"Why laughing Papu? Diba totoo naman they didn't exist in real life," nakangusong ito sa kanya.

"Yes princess— I believe that they didn't exist at first," bumuntong hininga siya. Nakakunot noo namang nakatitig sa kanya ang apong babae. Mukhang naguluhan ito. " But then, suddenly I met one kind of them," pagpatuloy niya.

"What do you mean Papu? I don't understand," aniya.

"I met one of them apo, noong hindi pa nabubuhay ang mama mo at Hindi ko pa natagpuan ang Lola mo. Aksidente kong nakasalamuha sila," kunot noo parin ito sa kanya.


" For real Lolo? Then what kind of creature did you met?," Kuryos nitong tanong. " I met vampires, princess," lintaya niya. Namilog naman ang dalawang mata nito at napatakip pa sa bibig mayamaya pa ay bigla itong humagikhik. Napa-iling na lamang Siya, he knows his little princess wouldn't believe him.

"Are you joking Papu? Vampire's didn't exist po, sabi ng teacher namin kwento lang daw iyan ng mga matatanda panakot sa mga bata, Your old Lolo, kaya ba tinatakot mo ako for me to get sleep?," mahabang lintaya nito.

" Apo, Hindi Kita tinatakot. Diba naikwento ko sayo noon na nagtatrabaho ako biglang Isang katulong,"

"Opo, then you said it was a huge mansion and—" naputol ang pagsasalita nito ng makuha nito ang Punto niya. "Do you mean that mansion is,"

"Yes, that huge mansion is owned by the Vampire family, nung una Hindi ko alam. Pero may kakaiba na akong nakikita sa bawat kilos nila,"

" Ah like the way they acted po, tulog sila sa umaga din sa gabi na sila lumalabas ganun po ba?,"

" Yes how did you know that, apo?"


" I just read it, papu," she proudly said. " Pero pano po kayo nakatas sa huge mansion na iyon? Buhay ka e it means di ka nila sinaktan or kinain," Nakanigiwing tanong nito.


" Hindi apo, nakatakas ako sa tamang oras nang hindi nila nalalaman," pagpaliwang niya at tuloy tuloy niyang ibinahagi dito kung paano Siya naka labas sa mansion ng bampira.

" Ayy bakit mo naman po binuksan yong door e doon pala sila natutlog buti nalang Papu Hindi sila nagising, kung nagising iyon baka kinain kana nila," humikab ito pagkatapos. Napahaba ang kwento Niya at ramdam niyang dinadalaw na ito Ng antok.

" You didn't believe me apo, don't you?" tanong Niya dito. Gusto lamang niyang maging aware ito dahil matalino itong bata.

"No, I believe on you Papu, but I think they didn't exist now a days," saad nito at unti-unting humiga ito pumipikit pikit na rin ang mata nito.

" Seems like nagustuhan mo ang kwento ko apo, inaantok kana,"

"Yes, Lolo antok ako sa kwento mo," humikab ito at pumikit.

"Okay sleep tight princess," tumayo Siya Ng bumigat na Ang paghinga nito. Napangiti siya sa wakas ay napahimbing narin ito.

But all of those ay totoo, a long time ago noong kabataan pa niya nangyari ang bagay na iyon. Dahil sa curiosity niya ay binuksan niya Ang pinababawal na silid at doon laking gulat niya dahil may mga mga ataol doon at kitang kita niya Ang kanyang among natutulog sa Isa roo at doon alam niya kung anong klaseng nilalang ang mga Ito.  Naalala niya pa kung paano niya tinalun ang bintana sa second floor at mabuti na lamang ay nakakapit siya sa sanga ng malaking puno sa gilid nito.

Ang puno ang ginamit niyang tulay upang makalabas sa malaking sementadong haligi nakapalibot sa mansion. Hindi rin naman siya makadaan sa harap ng mansion dahil may malaking gate iyon at may nakabantay at Isa pa pinagbawalan siyang lumabas kaya hindi na Siya nag dalawang isip na tumakas.

Dahil sa takot niyang habulin Siya Ng mga Ito ay nagpakalayo layo Siya. Lumpat siya sa Davao City at doon nanirahan, ilang taon din siyang nanirahan doon hanggang naisipan niyang bumalik sa kanilang probinsya sa Cebu at doon nakilala at minahal niya ang pumanaw na asawa. Hanggang sa dalhin siya ng kanyang anak sa Manila para sa kasal nito at naisip niya ring dito na rin mamuhay.

Hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang tagpong iyon. Siguro tama ang kanyang apo, hindi na siguro namumuhay pa ang ganung nilalang dito sa mundo kay tagal na rin ang pangyayaring iyon at nagpapasalamat siya dahil hindi siya ginambala nito.

At sana nga ay matiwasay ang pamumuhay nila dito. Pero Hindi Niya alam kung bakat may kaba parin siyang nararamdaman, ang naisip lang niya ay protektahan ang kanyang apo kahit anong mangyari.

Hindi siya papayag na may mananakit dito.

Dahan dahang siyang humakbang palabas ng silid nito nang mai-ayos na Niya ito sa pagkakahiga. Muli niya itong tinapunan ng tingin pagkatapos ay sinarado ang pinto.

Bigla ay parang may malakas na hangin ang dumaan. Napalingon siya sa pinto ng balkonahe, napakunot noo Siya Ng naka bukas iyon dahil sa pagkakaalam niya ay ini-lock niya ito kanina.

Muli ay sinara niya ito at nagtungo sa ibaba dahil nandon Ang kanyang silid. Hindi naman siya nangangambang iwang mag-isa ang apo sa silid nito dahil katabi lamang ito ng silid ng kanyang anak at asawa nito.

Marahas na nagsigalawan ang kurtina sa loob ng silid at naging mas malamig ang temperature sa loob ngunit Hindi nagising ang batang mahimbing na natutulog. Mula sa kung saan ay lumitaw ang isang bulto ng lalaki. Dahan dahang itong naglakad patungo sa higaan.

Mariing nakatitig ang maitim nitong mata sa batang natutulog, pinipigilang niyang ang sariling lapitan ito dahil alam niyang hindi pa ito ang oras.

"tu amor tan hermoso..."

"pero no es el momento adecuado"

"Te esperaré mi amor, te marcaré como mía"

"Tu eres mia"


Puno Ng kasiguraduhan ang bawat pag bitaw nito Ng mga salita Hindi ito nilulubayan ng tingin ang bata. Sinisigurado niyang mapapasa kanya ito. At naghihintay Siya kahit ilang taon pa man.



Naging dugong Rosas Ang mata nito at kumislap sa dilim. Mabilis siyang tumalikod at nilisan ang silid nito. Walang anu- ano ay tumalon ito sa balkonahe at parang walang nangyari at nakapamulsa itong naglakad palayo.




"Te veré pronto, mi amor," Isang ngisi ang namumuo sa labi nito.





© Binibining Araw

THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon