Kabanata 13: Violated

436 60 3
                                    


ANGEL ROSE

Maaga akong pumasok ngayon sa Unibersidad dahil pilit kong iniiwasan ang pambirang iyon. Nakakatakot siya, minsan galit at madilim kong tumitig sakin. Kagabi naman ay nagiging mapaglaro ito. What he did that para mapaikot ako? I mean alam kong may bagay siyang gustong makuha sakin. Nasabi na niya iyan noong pilit niya akong pinaperma ng kontrata. At wala naman akong kaalam alam sa bagay na iyon.


Bigla akong napahinto sa paglalakad nang bumangga ako sa isang matigas na bagay. His familiar scent lingered in my nose. Aatras na sana ako nang yapusin nito ang katawan ko sa mahigpit na yakap.


West is always West.


" I miss you baby Angel," usal nito. Bahagya akong lumayo dito para mag angat ng tingin sa kanya. Malaki ang ngiti nito sakin. Ramdam ko naman ang mga nagbabagang tingin ng ibang estudyante sa amin. Well, sino bang hindi napapatingin sa amin, e kung makayakap ang isang to wagas sa gitna pa talaga ng hallway. Pero sanay naman ako dahil ganito ang palaging bungad nito sakin. Speaking of that, saan nga pala ito nagsusuot kahapon at hindi ko ito mahagilip.

" Hep.." I slightly pushed his chest and turned my gazed at his face. His smiling like an idiot. Kapag ganito ito umakto ay umiiwas talaga ito sa kong ano ang itatanong ko. " Nasaan ka kahapon at bakit hindi ka nagpakita sa amin?" I said raising my eyebrow. Instead of answering me, he just chuckled and pinch my cheeks.

" Your too cute when you're doing that," tinampal ko ang kamay nito kaya naman at napabitaw ito sa pisngi ko.



" Hindi mo sinasagot ang tanong ko.." kunot noong aniya ko. Napakamot ito sa kanyang ulo at tila nagiisip pa kung ano ang isasagot.


" Well that may ginawa lang akong importante, you know family matter," he simply said.


" Ayiee ang sweet nila nuh, bagay na bagay talaga silang dalawa!"


Napatingin sakin si West nang marinig ang bulungan ng estudyanteng dumaan sa gilid namin. Nagtaas baba pa ang kilay nito habang ako naman ay nag kibit balikat na lang. Kung mayroon mang inggit sa pagiging kaibigan namin may iba ring naka suporta ang kaso lang ay minsan iba ang iniisip nila.

Gaya kahapon ay puro discussion ang naganap sa klase. Pero sa last subject namin ngayong umaga ay may reporting. Inihanda ko talaga ang Visual aids ko kagabi dahil major subject pa naman ito at patungkol sa tourism ang e rereport ko ngayon.

Buti na lang tahimik lang ang mga classmates ko sa pag report ko sa harap habang ang guro naman namin na sobrang strikto kaya naging panot—este seryoso lang na nakikinig sa bawat explanation ko. May mga follow-up questions pa si Sir sakin. At talagang gusto niyang pahirapan ako dahil pinakot ikot niya yung mga tanong. Pero hindi ako papatalo, nakita ko pa si Charia na nag thumbs up sakin matapos mapagod si Sir sa kakatanong. Well, ganyan talaga siya, ang liit pa mamigay ng grades akala mo naman pasan niya ang buong problema sa mundo kaya gusto niya kaming hatian.


Malapit na pala ang OJT namin, sa 2nd sem na. Kailangan ko na rin palang mag handa.


" Good Job besheyy! Ang galing mong sumagot kung ako yun siguradong maiihi ako Hahaha!" tawa nito. Napailing na lang ako at hinila na ito palabas. Ako na naman ngayon.



" Teka, saan tayo pupunta diba wala na tayong klase mamayang hapon?" tanong nito habang papalabas na kami ng building.




" Nagkita kasi kami ni West kanina at nagaya siya ng lunch satin, siya na daw bahala," aniya ko. Bigla namang nag kuminang ang mata nito. Basta pagkain talaga.


THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon