Kabanata 1: Weird

1.2K 119 16
                                    

Dedicated to: YcaLuna
______________________________________

ANGEL

Nagising ako dahil sa malamig na hangin na dumampi saking pisngi. Sandali pa akong napatulala at doon lang ako napabalikwas ng makitang hindi pamilyar ang lugar. Sa pagkakaalam ko ay nasa paaralan ako pero panong nandito ako. Maraming malalaking punong kahoy at ang mga dahon nito ay nagsilaglagan. Puno ng mala autumn na dahon ang kinalalagyan ko. Konting sinag lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid at hindi ko alam kong saan iyon nanggagaling. Pero ang ibang parte ng lugar ay nababalot ng kadiliman.

Nangilabot ako sa isipang ako lang ang mag-isa dito. Napansin Kong naka uniporme ako. Maigi akong tumayo at luminga sa paligid.

Hindi ko alam kong anong nangyari at napadpad ako dito.
Ihahakbang ko sana ang aking mga paa upang umalis sa lugar na ito ngunit napatigil ako ng may narinig akong kaluskos at tila bang may nagmamasid sa bawat galaw ko.

Inilibot ko ang paningin sa paligid pero wala naman akong nakita.
Kaya itinuloy ko ang paghakbang ng aking mga paa. Sa bawat hakbang ko ay naapakan ko ang mga tuyong dahon na nagbibigay ingay.

Tumindig ang balahibo saking katawan ng humaplos ang malamig na hangin sa akin.
Natatakot man ay ipinagsantabi ko muna ito dahil ang tanging gusto ko lamang ay ang makaalis sa madilim na lugar na ito.

Napatigil ako saking pag lalakad ng may maaninag akong taong nakahanduasay di kalayuan sakin.

Dahan dahan akong lumakad palapit doon ng makita ko ang kalagayan nito ay agad ko itong nilapitan at dinaluhan.

"Mister!
Mister okay kalang?
Anong nangyari sayo?"
sunod sunod na tanong ko dito habang inalalayan ko ito pa upo. Pero imbes na sumagot ito ay nakatitig lamang into sakin at nabigla ako ng unti-unting naging pula ang mga mata nitong matiitim kanina.

THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon