Kabanata 8: First Day

709 86 4
                                    



ANGEL


MAAGA akong nagising kahit na walang pasok dahil sabado ngayon. At hindi ko pa nakakausap si West pero nag text na ako sa kanya kaso wala pang reply baka busy ang isang iyon.


Mabigat ang pakiramdam ko ngayon sa kadahilanang babalik na naman ako sa malaking lunga ng demonyo mamaya. Ngayon ang simula ko...Oo nga't magtatrabaho ako bilang  Isang personal na katulong.


Bumuntong hininga ako bago ginawa ang morning routine ko. Nang matapos na ako sa paghahanda ng sarili at kagamitan ko ay siya ring pagbusina ng Isang sasakyan sa labas at alam kong si Butler Bernard na iyon.

Mag iisang oras na kaming nasa byahe at hindi ko alam kung saang parte ng Manila ang nilusutan namin. Nalawa ako sa ruta at hindi ko naman kabisado ang mga lugar dito. Mayamaya lang ay puro malalaking kahoy na ang nadadaanan namin. Siguro ay malapit na kami sa mansyon dahil sa gubat ito nakatirik na ipinagtataka ko. Sinong matinong tao ang matatayo ng ganun lalaking bahay sa gitna ng gubat? Pero sa hitsura naman ng lalaking iyon ay hindi talaga mahilig makipaghalubilo kaya siguro pinili niyang tumira sa kalikasan.

Pagkarating namin ay agad na bumukas ang malaking gate. May mga bantay na nakapalibot sa bawat sulok ng lugar. Napakatahimik dito Ang mga tao dito ay masyadong seryoso at hindi kumikibo nakapukos lamang sila sa kani-kanilang lugar.


" Magandang umaga, Lady Angel!," Salubong na bati sakin ng tatlo. Agad na kinuha nito ang gamit na dala ko.


"Hali na po kayo lady Angel, kanina papi naghihintay si Master," sumunod ako Kay Joy habang ang dalawa naman ay dumiretso sa itaas.


"Anong una kung gagawin? May listahan ba para sa mga gawain ko?," napakamot ako saking noo, sa totoo lang ako lang ata ang naging PA na walang alam. Kasalanan ko bang hindi ako kinausap ng maayos ng Master na'yon.


" Sa ngayon ay kailangan mo lang na ipag timpla ng kape si Master, iyong black coffee na walang asukal," bahagya akong napatango sa sinabe nito, kape lang? Hindi ba siya mahilig mag agahan?,


"Iyon lang ba?,"


"Yes, Lady Angel," hindi po kasi siya mahilig mag agahan.



Kinuha ko ang golden kettle, nilagyan ng tubig at uni adjust ko ito bago isaksak ang wire nito, kumbaga mala modern kettle ito na kadalasang ginagamit ng mga mayayaman.



Dumaan ang ilang minuto ay kumulo na ito, pagkatapos ay nagsimula na akong magtimpla ng kape nito.


Nasa opisina niya ito kaya naman ay kinakailangan ko pang umakyat sa itaas pero may elevator naman kaya hindi ako gaanong mahihirapan. Hindi ko na lamang pinasama si Joy dahil alam kung may gagawin pa ang mga ito.


Kakatok na sana ako ng bigla ay matigas itong nag salita sa loob. "Come in!," napatuwid ako ng tayo at parang robot na naglakad papasok.



"Look at me!," napakurap ako ng muli itong magsalita ng mailapag ko na ang tasa ng kape sa kanyang mesa. "Ho?," wala sa sariling bigkas ko habang nakayuko parin.



"I said look at me Woman! Stop acting dumb!," napakislot ako at napaangat ng tingin dahil sa Galit nitong boses. His jaw clenched and his eyes darkened. Wala sa sariling napalunok ako ng laway sa malamig nitong titig na ipinupukol sakin.



"Did you already read the rules of the contact?," bigla ay napakagat ako saking labi. Ang tanga ko diko pa pala nababasa iyon, anong e rarason ko ngayon!



Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita. "A-ah ano po—" napatol ang pagsasalita ko ng ibagsak nito ang kamay sa mesa, bahagya pa akong napaigtad. Buti na lamang ay hindi tumilapon ang tasa ng kape.



"I guess you did not!," nakakatakot nitong bigkas. Napalunok ako at napaiwas ng tingin dito. Sa totoo lang gusto ng kumawala ng kaluluwa ko, ang lamig niyang tumitig tagos sa buong pagkatao ko para atang pinapatay ako sa maitim nitong mata.



"I-m sorry po, ba-basahin—," muli ay napatol na naman ang pagsasalita ko ng sumenyas itong tumahimik ako,ikinumpas niya ang kamay sa harap ko. Bahagya akong napanguso, narinig kong dumaing ito at nagmura ngunit hindi ko na iyon nabigyan pa ng pansin ng biglang bumukas ang pinto at mula doon ay iniluwa ang bulto ni Kuya Bernard hawak nito ang isang kulay pulang folder na sa pagkakaalam ko ay laman iyon ng kasunduan. Nadala ko pala ito kanina.



"Master," aniya nito ng makalapit sa amin. Tumango naman ang isa sumenyas na ilahad nito ito sakin. Pagkatapos nun ay lumabas na si Kuya Bernard.


"Take it and stay here, sit right there and read that thing. Do not go out in this room until I say so!," napalabi ako at wala sa sariling napatango dito.


Umupo ako sa pulang sofa na itinuro nito kanina. Binuklat ko ang laman ng folder na ito, kagat labi akong napalingon sa pwesto nito ngunit seryoso lamang ito sa kanyang ginagawa. Maraming papeles ang nakalatag sa mesa nito. Napalunok ako ng sakupin ng kamay nito ang tasa na may kape at unti itong nilagok.



" Stop staring, do what I've tell you to do!," napatuwid ako ng upo at. Putregas! Bakit ba napaka lutang ko! Baka aakalain niyang pinagnanasaan ko siya! Napatampal ako saking noo pagkatapos ay binalingan ang hawak na folder.


Napangiwi ako at kumunot ang aking noo sa nabasa. Anong klaseng rules ito? I mean bakit may iba?


Personal Assistant Rules;

• Be presentable and responsible

• Be kind and respect the Master

• Always prepared Food and clean the Master's Bedroom

• Do not mixed sexual attraction in work.

• Do not go near with any man, only with the Master.

• Do not take a leave unless he say so.

• Respect the Master's Personal things.

• Do not disturb him in times of work.

• Do whatever he says.

• Blood

• Follow the rules ( punishment will be your death)



Death and Blood? Anong blood ang pinagsasabe nito. Mukha ba akong bank blood? Wala man lang explanationg nakalagay.



Gusto ko sana itong tanungin pero naalala kong nasa rules iyon na wag ko siyang gambalain sa oras ng trabaho. Napakamot na lang ako saking noo at bagot na naghintay sa iuutos nito.



Napahikab ako ng ng dumaan ang ilang minuto ngunit wala parin. Napaka workaholic naman nito, nakakatakot pang lapitan nagmumukha tuloy siyang demonyo.



Dala ng pagkabagot ay inantok ako, total ay mukhang busy pa ito pipikit Muna ako saglit. Saglit lang naman e napaka comfy kasi nitong inuupuan ko nag babounce pa ako. Inayos ko ang aking katawan at humiga dito. Mayamaya pa ay hinihili na ako nito at sinakop ng dilim ang paningin ko.








To be continued...

THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon