Kabanata 16: Fangs

656 59 4
                                    

ANGEL ROSE

Natapos ang araw na nakausap ko ng maayos si West. And he's back again with his clingy personality. Napansin ko lang ay medyo madaling magbago ang mood nito. Minsan ay nakikita ko ang kaseryosohan sa mukha nito at minsan naman ay nahuhuli ko itong nakatitig sakin ng mariin tila ba ay may malalim itong iniisip o kung ano man ang bumabagabag sa kanya. At sa tuwing tatanungin ko naman ito ay umiiwas ito at palagi niyang sinasabing wala lang at may naiisip lang siya.

" Magandang hapon Lady Angel!" sabay na bati nilang tatlo. Ngumiti ako at bumati pabalik. Minsan ay hindi ko talaga gusto ang pagka pormal nila naiilang akong tinatawag na Lady Angel. Feeling pang high class lang ang pagtawag ng Lady.

" Ahm, nasaan si Anika?" tanong ko sa kanila nang hindi ko makita ang presensya nito.

" Pinauwi po ni Butler Bernard." aniya naman ni Jane. Napatango naman ako. Baka ay nag away na naman ang dalawa. Para kasing ang tahimik ni Butler Bernard kanina. As usual ay ihahatid ako nito pauwi at aalis na naman ito para sunduin na naman ang demonyong bampira. Napailing na lang ako.

Dumiretso ako sa kwarto dahil naalala kong may dapat pa pala akong gagawin. Maraming School works. At next week na pala ang exam namin para sa midterm. Basag na naman ang utak ko nito. Wala na ngang laman ito mababasag pa.

Gusto ko sanang sa may harden gumawa ng mga assignment at iba bang projects na kailangan kong tapusin this week, kaso ay baka bigla nalamang magalit ang demonyong bampira na iyon. Kung bakit ba naman sabay-sabay silang nagsibigayan ng mga ito. Kainis!

Ilang oras ang ginugol ko at sa wakas ay may natapos na rin ako. Napagawi ang tingin ko sa pinto, himala ata at walang gumambala sa kanya at wala ring siyang narinig na ugong ng sasakyan. Siguro ay hindi pa nakauwi ang bampirang iyon.

Nagunat muna ako ng katawan bago tumayo at iligpit ang mga gamit ko. It's already seven in the evening kaya nakakapagtaka at hindi nila ako kinatok man lang. Mabilis akong bumaba at napakunot noo ako nang wala akong makitang bulto. Hindi ko mahagilip ang tatlo. Anong nangyayari? Nasaan ang mga bampirang iyon?

Naiinis na natatakot ako dahil madilim ang buong mansyon tila ba naging Isang haunted ito sa paningin ko. Nagpunta ako sa kusina, gamit ang flashlight ng selpon ko. Muntik pa akong mapasigaw ng may makita akong bultong nakaupo doon. Napahinga ako ng maluwag habang nakahawak saking dibdib nang makilala ko kung sino iyon.

"A—nasaan ang iba?" iyon ang tanging lumabas sa bibig ko. Nag-angat ito ng tingin sakin, kitang kita ko ang mukha nito dahil sa liwanag na nanggaling sa candle light na nasa ibabaw ng lamisa. Kita ko ang pagod sa mukha nito, he's eyes showing much emotion. Napakunot noo ako nang mapansin ang pamumutla ng labi nito. Anong nangyayari sa kanya?

" You're here mi angel, take a seat I know you're hungry, so I prepared food for you," he uttered. Napatingin naman ako sa mga pagkain. Madami iyon at hindi ako makapaniwala na hinanda niya ito. Ano bang meron? Hindi niya sinasagot ang tanong ko kanina. Pero sa halip na mag reklamo ay umupo na lang ako sa kabila.

"N-no, ako na lang," pigil ko sa kanya nang akmang tatayo ito at pagsasandukan sana ako ng pagkain. This is weird. Tinapunan ko muna ito ng tingin bago ako kumuha ng pagkain bahagya pa itong ngumingiti sakin na ikinalaglag ng panga ko. Gone his serious and cold face. Naging malumay iyon. I'm so confused right now.


Wala naman siguro itong masamang gagawin sakin? He didn't planned something to me right?

" I didn't put anything in the food that cam harm you, I may evil in your eyes but I cannot harm my love." Nabigla ako sa sinabe nito. Napalunok ako at napatango na lamang sa kanya at nag-iwas ng tingin.

THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon