Kabanata 5: The Contract

729 94 5
                                    

ANGEL

MALAKAS na kabog ng aking dibdib ang tanging narinig ko habang paakyat kami dito sa ikalawang palapag na kung saan ang opisina ng tinatawag nilang Master.


Nanlamig din ang katawan ko lalo na ang aking mga kamay. Hindi ko maintindihan habang papalapit kami sa Isang silid ay bumibigat ang pakiramdam ko, para akong hihimatayin na ewan.


Umiikot sa isipan ko Kung anong dahilan kung bakit ako nandito at kung ano ang naging kasalanan ko sa taong iyon para dukutin ako.


Napabalingin ang tingin ko sa tatlo, "A-are you sure na kakausapin lang ako ng Master niyo? O ba-ka naman ay papatayin ako dito?," Kinakabahang tanong ko sa kanila. Bigla ay naging seryoso ang mukha nilang tatlo na nagpadagdag ng kaba sakin.


"Huwag po kayong mag alala Lady Angel, hindi po mangyayari iyang iniisip niyo," pag aasure nito sakin ngunit seryoso parin ang mga mukha nila at naging tahimik ang mga ito pagkatapos.


"Hanggang dito na lang po kami Lady Angel, buksan mo na lang ang pinto at pumasok sa loob naghihintay na si Master sayo," lintaya ni Jane. Bagsak balikat akong napalingon sa kanila, hindi ko yata kayang pumasok mag-isa. Bigla ay nag sign of the cross ako saking isipan...lord kayo napo ang bahala sakin, hindi talaga maganda ang kutob ko dito.


Pagkatapos kung sambitin ang lahat ng Santos ay naglakas loob akong ilapat ang kamay sa doorknob pero bago ko iyong buksan ay muli akong napalingon saking likuran. Nadismaya ako ng wala na doon ang tatlo, Ang bilis naman nilang nakaalis? Hindi ko man lang natinig ang mga yabag nila.

Muli ay napa baling ako sa itim na pinto saking harapan. Bumuntong hininga ako bago dahang-dahang ikitutin ang siradura upang mabuksan iyon. Bahagya bumukas ng konte ang pinto mula doon ay nasilip ko ang walang ilaw na silid. Napakunot ang noo ko...may tao ba talaga dito? Ipinilig ko ang aking ulo at tinuloy ang pagbukas ng pinto.


Maingat akong pumasok sa loob, walang ilaw pero nakikita ko ng bahagya ang mga bagay sa paligid, malaki ang espasyo dito sa loob. Marahan Kong tinapak ang aking paa at nagsimulang maglakad. Napatingin tingin ako sa paligid. Mukhang Wala namang tao dito, tanging nakikita ko lang ay ang Isang mesa na may black office chair. Sa bandang gilid malapit sa bintanang natatabunan ng malalaking kurtina nakapwesto ang dalawang kulay pulang chase long chaire pinapagitnaan nito ang di kaliitang glass table.


May mga bookshelves din akong nakikita sa bawat sulok at may mga wine ding naka display.


"H-hello? May tao ba dito?," hindi ko mapigilang ang magsalita, nagsimula na akong mairita dahil parang pinaglalaruan lang ako. Madilim din dito kaya naman hindi ako komportable. Naglakad ako sa kabilang bahagi, inabot ko ang kurtina at bahagya itong binuksan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang malalaking kahoy sa labas.

Nasan ako? Nasa kagubatan ba ang lugar na ito? Hihilain ko pa sana ang kurtina pagilid upang mabuksan ito ng tuluyan ng bigla akong mapahinto ng maramdaman kong may kung anong papalapit sa kinaroroonan ko.


"What are you doing, Woman!," Napaigtad ako dahilan para mabitawan ko ang kurtina. Sing lamig ng yelo ang boses na nagmumula sa likuran ko. Wala sa sariling napatingin ako dito... sumalubong sakin ang isang mataas at matipunong pigura. Dahan dahan akong napatingin sa hitsura nito at nanlamig ako nang masilayan iyon. Tila ay para akong binuhusan ng malamig na tubig, muling bumalik saking isipan ang pangyayari kagabi. Siya...Siya iyon!

Ilang minuto akong nakatitig dito, walang lumalabas sa bibig ko at ganun din ito, seryoso at matigas ang mukha nitong tila ay parang sinusuri nito ang buong pagkatao ko. Ang mga mata nito ay walang bahid na anumang ekspresyon.


THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon