Kabanata 15: Acting Weird

502 64 5
                                    

ANGEL ROSE

Napaungol ako at mas humigpit ang pagyakap ko sa matigas kong unan-wait Matigas?

Bakit ang tigas tas parang may kung anong bagay ang nakadagan sa beywang ko. Pinisil pisil ko ang matigas na bagay na yakap-yakap ko. At hindi pa ako nakuntento pinalandas ko pa ang kamay pababa pero agad din akong napatigil nang may magsalita malapit sa tainga ko.

" Stop what you're doing Mi Angel, you might wake up someone down there." Nanlaki ang mata ko at napatili ako palayo dito.

Napatakip ako saking bibig nang makita ang hitsura nito. Wala itong suot na pang ibabaw na damit at lantad na lantad ang maskulado nitong dibdib.

Anong nangyayari? Bakit dito katabi ko siya at nakayakap pa ako sa hubad niyang katawan! Napadako ang tingin ko saking damit, ganun na lang ang panlaki ng mata ko nang makitang iba na ang suot ko.

" A-anong nangayari? At anong ginawa mo sakin? Bakit nandito ka?" sunod-sunod kong tanong dito. Kunot noo naman itong bumangon, nakita ko ang pag angat ng kamay nito para abutin ako pero mabilis akong lumayo. Mas lalong nangunot ang noo nito at nagkasalubong ang kilay. Ano bang ginagawa niya?

Ang huling naalala ko ay nawalan ako ng Malay dahil sa kanya. Kaya paanong magkasama kami ngayon sa iisang higaan? Nanaginip ba ako?

" I see, you can't remember anything," muli akong napabaling dito.

" W-what do you mean?" Litong tanong ko.

" You we're so sick yesterday, and I'm the one who took care of you." Nawalan ata ako ng pandinig dahil sa sinabe nito. Kita ko ang pagangat ng sulok ng labi nito. Namamangha itong nakatitig sakin. Habang ako naman ay laglag ang panga dito.

" A-anong s-sinabe mo?" sinasabe ba niyang nilagnat ako kahapon? Argh! Did I do something?

Pulang pula akong nagtakip ng mukha. Alam kong kapag nilalagnat ako ay kung anu-ano ang pinangagawa ko tapos hindi ko pa maalala.

" There's no need to be embrassed Mi Angel, come here let me check you if you still have a fever." mabilis akong umiling sa sinabe nito. Why do he have suddenly look concern? May nakain ba ang Isang to.

" N-no...I'm fine." Wala naman na akong naramdamang init. Kaunting sakit lang ng ulo.

Bago paman siya muling makapagsalita ay mabilis na akong kumaripas papasok sa banyo. Rinig ko pang napamura ito at ang pagtawag nito sa akin pero naisarado ko na ang pinto.

Habol hininga akong napasandal sa pinto pagkatapos ko itong maisarado. Parang biglang nawala ang sakit ng ulo ko.

He's acting weird.

At wala din akong mukhang maihaharap sa kanya. Sarap na sarap pa ako sa pagkakatulog sa dibdib nito. Gadness!

Bago pa man ako tuluyang mabaliw ay ibaling ko na lang ang pansin sa shower. Kinuha ko ito dahil natatangal naman ito, maghuhugas lang ako ng katawan, ayokong basin ang ulo ko ay baka bumalik ang lagnat ko.

Napisil ko sa inis ang ilong ko nang mapagtantong wala pala akong dalang damit. Buti na lang may bathrobe dito, iyon na lang ang ginamit ko.


Muntik nang malaglag ang mata ko nang makitang nandito parin ito sa silid. Nakasuot na ito ng itim na shirt at naka pants na itim din. Napahinto ito sa paglagay ng damit sa higaan at napabaling sa gawi ko. I saw his jaw clench as he gazed at me from head to toe. Pero hindi lang iyon ang napansin ko...literal na nanlaki naman ang mata ko nang mapadako ang tingin ko sa hawak nito. Gadness panty ko yan!

THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon