Kabanata 4: Mansyon

738 98 8
                                    

ANGEL

NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang isang bagay  na naka pulupot saking kanang kamay. Agad akong napabalikwas nang maalala nangyari kagabi. Sumalubong sakin ang madilim na silid...nasan ako? Hindi   ito ang kwarto ko. Hindi ba't panaginip lang iyo? Anong ginagawa ko dito. Nakaramdam ako ng kaba saking dibdib.

Isinuyod ko ang paningin sa buong paligid. Ang kulay pula at itim na kurtina ang nakaharang sa bintana dahilan upang hindi makapasok ang liwanag at tanging lampshade na kulay pula ang nagbibigay ng konting liwanag dito. Kulay pula at itim din ang malambot at malaking hinigaan ko.

Sumakit bigla ang ulo ko, para akong lasing tila ba himahinasyon ko lang ang lugar na ito. Napabaling ako saking kanang kamay nang hindi ko ito maigalaw. Napasinghap ako...paanong nakatali ito sa poste ng kama?!


Kailangan kong makaalis dito. Nagsimula akong hilain ang kamay ko mula sa pagkakagapos pero hindi ako makakawala, paano ba naman e handcuffs ang tinali dito.


Wala naman akong atraso sa kahit sino. Naalala ko ang mukha ng lalaki kagabi. Hindi ko siya kilala at hindi pamilyar ang kanyang mukha. Tinigil ko ang pagpupumiglas sa kamay ko, napahilamos ako saking mukha. 


Sigurado naman akong mayaman ang mayari nitong kinaroroonan ko. Kaya bakit pa nila ako dinukot? Hihingi ba sila ng ransom? Wala akong Pera! Mahirap pa ako sa daga.


Napaisip ako, sa eksenang ganito kapag nadukot ka kailangan mong humingi ng tulong. Kung sisigaw ako may makakarinig kaya sakin sa labas? Bahala na ang kailangan ko lang ay makalabas dito. Bumuntong hininga ako at handa na sanang sumigaw ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang pagpasok ng isang bulto. Hindi ko siya maaninag dahil madilim ang parteng iyon.


Nakatitig lang ako sa bawat hakbang nito. Ito na ba? Kakatayin na ba nila ako? Bahagya akong napaatras at napahinto ako ng tumikhim ito.

"Ahem, maganda umaga young lady, I am butler Bernard," matigas ang boses nito at doon ko nasilayan ako mukha nito ng tumama ang ilaw ng lampshade dito. Matangkad ito at at naka pormal na damit, iyong parang body guard na nakikita ko sa mga palabas. Hindi siya iyong lalaking nakita ko kagabi, mas lang siguro siya. Napalabi ako at nagbaba ng tingin dahil sa kaseryosohan ng mukha nito.

"A-anong gi-ginawa ko dito?," I nervously ask.

"The Master wants to talk to you young lady, You need to change and the maids will assist you. And for that question Master can only answer that," diretsang saad nito. Napakuyom ang kamay ko.


Ano ba itong nangyayari sa buhay ko. At sinong master ang sinasabe niya?

Natahimik ako at wala sa sariling tumango ako dito nang tanggalin nito ang handcuffs sa kamay ko gamit ang susing dala dala nito. Agad ko itong hinimas dahil medyo nangangalay ito at namumula. At tinanong ko Kung bakit nakatali ako ang sabi niya iyon daw ang utos ng Master.

Pagkatapos nun ay lumabas ito, mayamaya lang ay may tatlong babae ang pumasok nakasuot sila ng itim at may halong puting maid na kasuotan.


Bumaba ako sa higaan at humarap sa mga ito, nagtaka ako ng bigla ay yumukod silang tatlo.

"Magandang umaga, Lady Angel!," sabay nilang bigkas habang nakayukod ang ulo.

Napaatras naman ako nang lumapit sila sakin at marahan akong hinawakan.

"Wag po kayong matakot Lady Angel, kami ay nandito para paliguan ka," bigkas ng Isa na may maliit na buhok. Nakahawak ito sa braso ko at kinukumbinsi ako nitong tignan. May mga maamo silang mukha at napaka inosente nilang tignan. Bigla ay napalayo sila sakin at humingi ng dispensa dahil hindi daw sila nakapagpakilala. Sinabe Kong okay lang pero yumukod parin sila at nag sorry.


THE VAMPIRE'S CONTRACT [Under Major Revision]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon