Chapter Two

436 22 1
                                    

"Sayo 'to?" Tanong ko habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng bahay niya.

Nakita ko naman sa gilid ng akint mga mata ang pagtango niya. "Yes. Do you like it?"

Tumango naman ako. "Oo naman. Sure ka talagang sayo 'to?"

Kinunutan niya ako ng noo at inilapag ang gamit na dala sa malaking sofa na naroon sa sala.

"Oo nga. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

Naupo ako sa sofa na sobrang lambot bago sumagot. "Para kasing hindi sayo. Parang ninakaw mo lang or whatever."

Sinamaan niya ako ng tingin at ngumuso. "Parang nagsisisi na ako na dinala kita dito."

Tumawa naman ako at kinuha ang remote na nasa glass table sa tapat ng sofa. Nang buksan ko ang tv niya ay napabuga ako ng tawa.

Dali-dali naman niyang inagaw sa akin ang remote. Agad niyang pinatay ang tv at namumulang tiningnan ako.

"Hindi ako ang nanood non!" Defensive na sabi nito.

Napahawak na ako sa tiyan ko dahil hindi ako matigil sa pagtawa.

Sino bang hindi matatawa kung ang isang mayaman, gwapo, muscular na CEO ay nanonood ng disney movie?

Rapunzel pa talaga!

"Y-yung anak kasi ng maid dito ay dumalaw tapos nakinood." Patuloy na paliwanag nito.

Napailing-iling na lang ako. "Ayos lang 'yan. Favorite ko din yan si Rapunzel."

Tumayo ako at hinawakan ang pisngi niya. "Haba kasi ng hair, bhie." Sabay tawa ko.

Inalis niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at inis na iniwan ako doon sa living room na tumatawa.

Hinintay ko siyang bumalik doon kasi ituturo niya pa ang kwarto na pagpapahingaan ko sa dalawang buwan na nandito ako.

Pumayag akong dito na muna mag-stay dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Binilin ko naman sa mga nurse at doctor na kapag namatay ako ay kilala na nila kung sino ang sisisihin.

Sabi ni Uno ay after two months ay dadalhin niya ako sa presinto at sasamahan akong hanapin ang bahay ko. Kailangan niya muna raw matiyak na wala ng side effect ang aksidente ko.

May kwarto siya rito na parang kwarto sa hospital at doon na muna raw ako. Lagi rin daw na may bibisitang doctor dito para i-check ang kalagayan ko.

Busy ako sa pag-iisip na hindi ko napansin na may pumasok na sa living room. Akala ko ay si Uno pero isang matandang babae ang pumasok doon.

"Hija, nandito na pala kayo. Pasensya na at busy ako sa pagluluto. Tara na, kumain ka na." Aya nito habang nakangiti sa akin.

Nginitian ko naman siya pabalik at sumama sa kaniya patungo sa dining room. Bababa naman si Uno mamaya.

Nang nakaupo ako sa upuan ay may nakahanda ng mga plato. May juice na rin at tubig. Inilagay niya ang bowl ng nilutong pagkain sa gitna ng mesa.

"Waaa. Mukhang masarap po ito ha? Ano pong tawag dito?" Tanong ko at humigop ng sabaw.

"Sinigang na Hipon." Sagot niya.

Napapikit naman ako dahil sobrang sarap ng pagkain na ito. Kumuha agad ako ng kanin at kumain na. Inaya ko siya pero tumanggi siya at sinabing tapos na raw siya.

"Napakaganda mo pala talaga. Kaya pala hindi matigil si Uno sa pag-kwento sayo." Anito habang kumakain ako.

Nginitian ko siya. "Kinukwento niya po ako sayo? Nako, baka sinisiraan na po ako non." Sabi ko sabay tawa.

Remember That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon