Chapter Twenty

256 9 1
                                    

Akala ko ay sa labas lang ng bahay kami mag-uusap pero pinasakay niya ako sa kotse niya. Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya.

Nag-drive agad siya at tahimik lang kami sa byahe.

Huminto siya nang makarating kami sa isang park. Ito 'yung park na pinagdalhan niya sa akin nung nag-date kami.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at inakay patungo sa isang bench sa ilalim ng puno.

Wala masyadong tao ngayon marahil ay dahil weekdays at may pasok ang karamihan.

"D-do you remember this place?" Aniya at nakatingin lang sa malayo.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Yes. Dito mo ako dinala nung nag-date tayo, hindi ba?"

Tumango siya at napangiti. "I'm glad you still remembered it. Ako kasi hindi ko makalimutan lahat basta tungkol sayo."

Napalunok ako dahil may bumabara na sa lalamunan ko.

"Miss na miss kita. Ilang buwan... Ilang buwan na tinitingnan lang kita sa malayo. Na nakikita kitang masaya kasama ang mga anak mo, na hanggang ngayon ay pinapangarap ko pa rin na s-sana anak ko rin," nabasag ang kaniyang boses nang sabihin iyon.

Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Nakita rin kita na kahalikan si Dominic..."

Natigil ako dahil sa sinabi niya. "N-nakita mo?" Pero isang beses lamang iyon at sa Hong Kong pa.

Tumango siya. Ibig sabihin...

"Nagpunta rin ako sa Hong Kong. Nakita ko 'yon. Ilang gabi akong umiyak. Kasi... Kasi gusto ko ako 'yung nasa pwesto niya..." Lumalim na ang paghinga niya. Nahihirapan na siyang magsalita.

"B-bakit... Bakit sinusundan mo pa rin ako? Bakit hindi ka naman nagpapakita? Tinatawagan kita. Bakit hindi ko sinasagot pero sinusundan mo naman ako?"

"Masama bang magpa-miss sayo? Gusto kong ma-miss mo ako. Pero ayokong ma-miss kita kaya lagi akong nakasunod sayo," aniya.

Uno... Why are you making this harder?

"Bakit ngayon ka nagpakita? Bakit ngayon pa kung kailan napagdesisyunan kong hindi na talaga tayo pwede? Na hindi na kita hahanapin pa?"

Nilingon niya ako. "Dahil ayokong maging masama ang tingin mo sa akin dahil sa narinig mo sa ospital."

About it... His girlfriend's pregnant. Alangan namang iba ang nakabuntis kung siya ang boyfriend? Hindi naman ako iyon.

"Congrats nga pala. You'll be a dad soon. M-masaya ako p-para sayo..."

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Iniwas ko ang tingin sa kaniya para hindi niya iyon mapansin pero nakita niya pa rin.

He cupped my cheeks and made me look at him. "You're happy and yet you're crying?" Hinalikan niya ang noo ko.

I miss this. I miss him. So so much.

"Ganito pala kasakit iyong naramdaman mo nung nalaman mong nabuntis ako ng iba. Ito na ba ang karma ko?" Humikbi na ako.

Binaon niya ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap nang mahigpit.

"Alam kong alam mo na hinding-hindi kita sasaktan," aniya at hinalikan ang buhok ko.

"Pero nasasaktan na ako ngayon nang sobra, Uno. Mahal kita e. Natural lang naman siguro iyon."

"Nasasaktan ka sa bagay na wala namang katotohanan. Sa bagay na mali lang ang pagkakaintindi mo..." Makahulugang aniya.

Tiningala ko siya. "A-ano?"

"Tanya's not my girlfriend and her child's not mine. Ikaw lang, Clover."

Pero...

"Ang sabi niya ay girlfriend mo siya? Nung nasa Hong Kong kami?"

"She followed me. Nagalit ako sa kaniya nang malaman kong sinabi niya sayo na girlfriend ko na siya," sabi niya at bakas nga ang galit sa mga mata habang inaalala iyon.

"Pero 'yung bata?"

"She's desperate. Pilit niya akong pinapaniwala na may nangyari samin nung nalasing ako kakaisip sayo. Pero alam ko sa sarili ko na walang nangyari sa amin. Pina-dna ko ang bata. Negative."

Oh goodness...

All this time, he's really faithful.

Samantalang ako ay... Damn it.

"I'm sorry... I'm sorry..." Ani ko at niyakap na siya ulit.

"No problem, love. It's okay. Sige na, b-balik ka na sa p-pamilya mo... O kung gusto mo... Sumama na kayo sa akin?"

Umiling ako.

"Kung sasama naman pala ako sayo, sana sa una pa lang para hindi na kita nasaktan nang sobra..."

"It's fine. Lahat naman nagkakamali. Come on, love. I know you don't love Dominic and you won't love him because you love me. Sumama ka na sa akin. Kayo ng mga bata..." His eyes is full of hope.

Ano bang gagawin ko? Ano bang dapat kong gawin?

Kahit anong gawin ko ay may masasaktan. Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam.

"Gusto kong sumama sayo pero yung mga bata, syempre ay gusto rin nila sa daddy nila. Si Dominic? Mami-miss niya 'yung mga bata."

"Hindi naman natin ipagkakait sa kaniya. Makikita pa rin niya. Please, love? Choose me this time. Pero kung hindi pa rin, gagawin ko ang lahat para piliin mo ako. Kahit ilang beses. Kahit ilang subok. Basta sa akin ang bagsak mo."

Hinatid niya ako sa bahay matapos naming mag-usap. Sinabi ko sa kaniyang bigyan niya ako ng oras para makapag-isip. Pumayag naman siya.

"Uhm, tell the kids I said hi. I love you," aniya bago umalis.

Pumasok ako at naabutan silang nanonood na ng ibang movie. Tumakbo sila palapit sa akin nang makita ako.

"Mom, don't look at the tv! It's the part two na po. You'll be spoiled," ani Waves at inaabot ako para matakpan ang mga mata ko.

"Mom, where did you go po? Daddy won't tell us po kasi," ani naman ni Walter.

Naupo ako sa sofa at kinandong sila. "May kinausap lang si Mom niyo," sabi ko.

Tumango naman sila at sabay sinabing...

"Si Tito Uno?"

Nilingon ko si Dominic na walang emosyon ang mukha.

Tinanguan ko ang mga bata. Hindi na sila nagsalita pa at nagpatuloy na sa panonood. Sinabihan lang nila akong huwag tingnan dahil part two na raw iyon.

Habang busy ang mga bata ay nagsalita si Dominic.

"Nagkabalikan na kayo?"

Inilingan ko siya. "Hindi pa."

"Hindi pa... Talo na naman ako," anito at pinalis ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata.

"I'm sorry..."

He just nod. "It's fine. Alam ko naman. Just... Just make the kids happy. Make sure they're always happy with the decisions you're going to make."

Remember That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon