Chapter Nineteen

238 11 0
                                    

Nang makarating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Tulog pa yata ang mga bata dahil tahimik sa buong bahay. Si Dominic ay hindi ko alam kung nasaan.

Ibinaba ko ang dala kong bag at humiga sa kama. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay sunod-sunod na bumuhos.

It's really the end. Hindi na talaga pwede kahit gustuhin ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong umiiyak nang may kumatok sa kwarto at narinig ko ang boses ni Dominic doon.

"Celestine? Can we talk?"

Pinalis ko muna ang mga luha at binuksan na ang pinto.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala nang makita ang mukha kong namamaga dahil sa pag-iyak.

"What happened? Bakit ka umiiyak?"

Inilingan ko lang siya. "Ayos lang ako. Saan ka pala galing?"

Kahit gusto niyang magtanong ay pinigilan niya. "May kinausap lang ako."

Tumango ako. "Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?"

"Gusto ko lang humingi ng kopya ng mga bilin sayo ng doctor para ma-monitor din kita," anito kaya ibinigay ko sa kaniya ang papel.

Ayaw ko man dahil nakakabastos pero sinarado ko na ang pintuan dahil gusto ko munang mapag-isa. Kahit sandali lang.

"Kung sana ako na lang. Kaya naman kitang mahalin gaya ng pagmamahal ni Unter sayo," rinig kong sabi nito sa labas.

Kung sana nga lang. Pero wala e, hulog na hulog ako kay Uno.

Sa sobrang pag-iyak ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Uno naman, I just need a little bit of your time. Kahit konti lang. Birthday ko naman e," ani ko kay Uno na nakaharap sa laptop niya.

"Can't you see may ginagawa pa ako? Sandali lang," sabi nito na hindi man lang ako nililingon.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napagsalitaan na siya."Kung wala ka sa meeting mo o sa opisina ay nandito ka naman pero tutok na tutok sa laptop mo! Sawang-sawa na akong magmakaawa sa oras mo. Kung hindi mo naman pala paninidigan ang pagiging boyfriend mo sa akin, sana hindi ka na lang pumayag!"

Napalingon siya sa akin mula sa pagkakatingin sa ginagawang trabaho.

"Clover, magce-celebrate naman tayo. Sandali lang. Maghintay ka kahit sandali lang."

"Hindi lang naman sandali ang hinihintay ko e. Pagod na ako... Ang tagal ko ng naghihintay pero hindi pa rin nagbabago. Aalis na ako," sabi ko at iniwan siyang mag-isa roon.

Sumama ako sa mga kaibigan kong nag-aaya mag-bar at doon ko nakilala si Dominic, Uno's brother. Ngayon ko lang siya nakita nang harapan. Ang lalaking ibinigay ang oras na gustong-gusto kong makuha kay Uno.

Nagising ako na ramdam na ang gutom. Bumangon na ako at nilingon ang orasan sa bedside table. Tanghali na pala.

Bumaba ako at naabutan ko si Waves at Walter na kinukusot pa ang mga mata at pababa rin ng hagdan.

"Mom, good afternoon..." bati ni Walter habang humihikab pa.

Nagpabuhat naman sa akin si Waves at nahiga sa balikat ko. Pagod pa rin talaga ang dalawa mula sa paglalaro sa eroplano at van kanina.

Naabutan namin si Dominic na naghahain na ng pagkain. Binuhat niya si Walter nang makalapit sa kaniya at iniupo ito sa upuan katabi nito.

Si Waves ay inupo ko rin sa tabi ko.

Hinuli ko ang tingin ni Dominic at nginitian siya. "Thank you."

He smiled at me. "You're welcome."

Nang matapos kaming kumain ng tanghalian ay nag-volunteer ako na ako na ang magliligpit pero hindi naman ako pinayagan ni Dominic at siya pa rin ang nag-ayos non.

Hinila na lang ako ng mga bata papunta sa sala at pinalagay ang movie na gusto nilang panoorin.

Hinihintay namin ang daddy nila na matapos bago i-play ang palabas. Nagdala pa ito ng snacks para sa mga bata.

"Mom, can I sit on your lap?" Tanong ni Waves bago magsimula ang palabas.

Bago pa ako makasagot ay nagsalita na rin si Walter. "Mom, can I too?"

Napangiti ako. My babies are so clingy.

"Medyo mabigat sila, Celestine. Kaya mo ba? Pwede namang sa akin na lang," ani Dominic at nginuso pa si Waves.

Sumimangot naman si Waves. "You know I love you, daddy but I'm not mabigat! I'm sexy like mom kaya. Si Walter ang fat," anito.

Tumawa naman kami dahil doon. Gustong-gusto niya talagang sexy siya.

Pinaupo ko sila sa magkabilang hita ko. Sakto lang naman ang bigat nila sa edad nila.

Ni-play ni Dominic ang movie at nakayakap ako sa mga bata. Hinayaan ko siya nang ipulupot niya ang braso sa aking balikat.

"HAHAHAHAHA that's so funny!" Tawa ni Walter dahil sa palabas.

"Uhm, duh? Do you need to laugh like that?" Sumimangot si Walter dahil sa sinabi ng kapatid. Ngumiti naman sa kaniya si Waves. "Just kidding! HAHAHAHA that's funny kaya," anito at nagpatuloy na sila sa panonood.

Mukha kaming isang masayang pamilya.

Pero masaya nga ba talaga kami?

Siguro ang mga bata, oo. Pero kami ni Dominic? Hindi sigurado.

Tumunog ang door bell at tumayo si Dominic para pagbuksan kung sino man iyon.

Nagpatuloy kami sa panonood at napansin kong medyo matagal na hindi bumalik si Dominic. Hinahanap na rin siya ng mga bata kaya pinuntahan ko na.

"Masaya na kami kasama ang mga bata. Bakit ba nanggugulo ka pa? Ibigay mo naman sa amin itong oras na 'to, Unter," inis na sabi ni Dominic sa kausap.

Natigil ako sa paglapit nang marinig ang pangalan ng kausap niya.

Si Uno...

Rinig ko ang frustrated na boses ni Uno nang sumagot siya. "Binibigay ko naman na. Hindi na ko nanggugulo. I just need to explain something to her. Ayokong magalit siya sa akin," anito.

Babalik na sana ako sa mga bata nang bumukas nang malaki ang pinto at nakapasok si Uno. Agad nagtama ang paningin namin.

Kitang-kita ko ang sakit, pag-aalala, pagmamahal at pangungulila sa mga mata niya.

Iniwas ko ang tingin ko. Hindi pwede. Hindi na dapat kami magkita pa.

"Love..." aniya sa napapaos na boses.

Tumalikod na ako pero hinawakan niya ang mga braso ko.

"Unter, she doesn't want to talk to you. Leave her alone," ani Dominic na pumapagitna na sa aming dalawa.

Pero hindi siya pinansin ni Uno at nagpatuloy lang sa pagkausap sa akin.

"Kahit ilang minuto lang, love. Please... Kahit sandali lang. Ayoko lang isipin mo na hindi na kita mahal. Na pinagpalit kita. Please, love... K-kahit n-ngayon lang. Kahit ngayon n-na lang..."

Sa aming dalawa, alam kong mas nasasaktan siya.

Kaya hinayaan ko siyang dalhin ako sa labas para makapagusap. Para mapagbayaran ko lahat ng sakit na idinulot ko sa kaniya.

Remember That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon