Chapter Twenty Three

309 11 1
                                    

I'm waiting for Uno to come to tell him that I already remembered everything.

Every single thing.

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay agad akong tumingin doon, inaasahan na si Uno na iyon pero ang mga magulang ko ang pumasok.

Anong ginagawa nila dito? Bakit nandito sila?

"Anak, are you okay? Nabalitaan namin na naaksidente ka raw," ani ng ina ko at lumapit sa akin kasunod ang aking ama.

Oh? Bakit ang bait naman yata nila sa akin?

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa malamig na boses.

Halata namang nagulat sila.

"Binisita ka para masiguradong maayos na ang kalagayan mo," sabi ng ama ko.

Napangisi naman ako dahil sa sinabi nila. Ayokong magalit. Ayokong sagutin sila pero ayoko rin namang isipin nila na ayos lang sa akin iyong ginawa nila.

"Ngayon pa? Bakit hindi nung mga panahon na comatose ako? Bakit hindi niyo naisip na bisitahin ako at tiyakin na maayos ang kalagayan ko? Bakit noon hinayaan niyo ako? Bakit?" Sunod-sunod kong tanong habang pinipigilan ang mga luha ko.

Mas lalo silang nagulat sa sinabi ko. Siguro ay akala nila na hindi ko malalaman iyon. Siguro akala nila ay hahayaan ko lamang iyon.

Tinanong ko si Uno tungkol sa bagay na iyon. Kung bakit pagkagising ko ay wala ang mga magulang ko. Kung bakit nasabi niya sa akin na hindi ko magugustuhan ang babalikan kong pamilya.

Ayaw niyang sabihin nung una dahil ayaw niyang mag-isip pa ako ng mga bagay na ikakalungkot ko o ikagagalit pero buti ay napilit ko siya para sabihin sa akin iyon.

"Anak, I'm sorry. N-nagkamali kami. At pinagsisisihan namin na n-na hindi ka namin nabantayan noon. N-na w-wala kami sa tabi mo n-nung panahong kailangan mo k-kami... M-mahal na mahal ka namin, anak.." Naiyak na ang ina ko. Ganon rin ang ama ko na nasa likod lamang at tahimik.

"Mahal? Pero binenta niyo ang kalayaan ko noon! Hindi ako mabuhay nang malaya dahil kinulong niyo ako sa mga expectations niyo sa akin! Dahil kayo ang nagdedesisyon para sa akin! Kaya tanggap ko naman na wala kayo nung mga panahon na nasa ospital ako dahil alam kong kahit kailan ay hindi niyo ako itinuring na anak!" Bumuhos na ang mga luha ko.

Habang inaalala ko ang nangyari noon ay hindi ko na mapigilan. Punong-puno na ako. Hindi ko na kaya pang makita sila at marinig ang boses nila.

Sinong magulang ang ibebenta ang sariling anak sa isang tao para lang masalba ang kompanya nila? Sila.

Kung hindi pa nakita noon ni Uno iyon ay paniguradong miserable na ako ngayon.

Kinausap ng magulang ni Uno ang mga magulang ko para sabihin na sa kaniya na lang ako ipakasal. Mayaman ang pamilya nila. Mayaman kumpara sa ipapakasal sana sa akin.

Pumayag ang mga magulang ko. Kasi mas malaking pera ang makukuha nila. Hinayaan ko. At kay Uno na ako tumira at hindi na sila kinausap pa.

Magsasalita pa sana sila nang bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si Uno na bakas ang galit sa mukha.

Agad niya akong nilapitan at hinarangan.

"What are you doing here? Nag-usap na tayo na hindi niyo na pwedeng lapitan si Clover. Hindi niyo na siya pwedeng saktan ulit," anito at halatang nagpipigil.

Nilingon ako ng mga magulang ko na may pagsisisi sa mga mata bago tahimik na lumabas.

Umiyak ako at niyakap si Uno. Niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang ulo ko.

"Shh. I'm here. I'm sorry. Sinaktan ka ba nila? Hmm, love?"

Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. "Thank you, Uno. Y-you saved me... Mula noon hanggang ngayon. If only you arrived late, I'm probably miserable it worse, dead by now."

"What are you taking about, love?"

"Remember that time when you saw me crying in the middle of the night?" Tumango siya. "Remember when you told your parents na kausapin ang magulang ko para pigilan sila? Thank you. Thank you so much for making me free."

Hinawakan niya ang baba ko para magtagpo ang tingin namin.

"Anything for you. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa iyo noon. Unang kita ko pa lang sayo, pakiramdam ko ay magiging malaking parte ka ng buhay ko," aniya at hinalikan ako sa labi.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay tinitigan ko siya. This is it. I'm going to tell him this now.

"Uno... I already remembered everything."

"I know, love. Kinakausap ko iyong doctor mo noon. Alam kong nakakaalala ka na," aniya.

Umiling ako. "May nalagpasan pa ako na detalye noon. Ngayon, naaalala ko na lahat. Lahat-lahat, Uno," sabi ko at bumuntong-hininga para magpatuloy. "Ikaw... Ikaw ang ama nila Waves at Walter. They're yours, Uno. They're your children."

Gulat na gulat ang mukha niya at nakaawang ang labi. Nakita ko rin ang paglunok niya at hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Nilapit niya ang mukha sa akin at tinitigan ako. "I thought they're Dominic's."

"He lied. He kept this from me. From us and from the kids."

"Pero walang nangyari sa atin. P-paano?" Naguguluhan niyang sinabi.

"Walang nangyari sa amin ni Dominic pero sa atin ay meron. Please, Uno. Remember that night. That night I realized that I can't replace you. That night I gave myself to you," sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

Pilit niyang inaalala ang gabing iyon pero hindi niya maaalala.

"Sobra ka yatang lasing ng gabing iyon. Na hindi mo naaalala na ilang babae ang tinanggihan mo at nang ako na ay bumigay ka agad. Even though you're drunk, you still recognized me. Kahit na pagkagising mo ay nakalimutan mo na."

Nanlaki ang mga mata niya. "I-iyon ba iyong araw na pagkagising ko ay nasa hotel akong mag-isa?"

Tumango ako. Iniwan ko siya kinaumagahan. Gulong-gulo kasi ako noon.

"Damn it. Akala ko kung sino na ang naiuwi kong babae noon. Chineck ko pa ang CCTV para malaman ko kung sino dahil mababaliw ba ako. Natatakot ako na baka may naiuwi nga ba ako at hindi ikaw 'yon. Pero sinabi nilang nawala na ang kopya ng video nung araw na iyon," he looked at me. "Anong ginawa mo?"

Napakagat ako sa labi ko. "I stole it. Pinainom ko iyong nagbabantay ng pampatulog then I stole it."

He stared at me and smiled slowly. "My future wife and children's mother is something, huh," he chuckled. "My kids. Our kids. I need to see them."

Napangiti ako. Damn it. Everything's slowly falling in place now.

Remember That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon