Chapter Twelve

217 13 0
                                    

"Para na kitang asawa," aniya at iniwas ang tingin. "Asawa naman na dapat kita kung naayos lang natin 'to noon."

"What? U-Uno..."

Umiling lang siya. "Don't mind me, I'm just tired. Good night."

Isinara niya ang pinto at ilang minuto pa bago ako nakagalaw.

Gusto ko ng malaman ang totoo. Bakit ganito? Bakit nagkaganito?

Kinaumagahan ay agad kong hinanap si Uno pero sabi ni Manang ay maaga daw itong umalis. Nagbilin lang na sabihin sa akin na gagabihin siya ng uwi dahil nga sa problema sa kompanya.

Naiintindihan ko naman iyon.

Kaya nang matapos akong mag-almusal ay nanonood lang ako sa sala. Naaliw naman ako sa pinanood ko kahit papaano pero pagkatapos non ay bored na bored na ako.

Paikot-ikot ako sa bahay. Naglinis na ako at inayos ang ibang mga gamit pero bored pa rin ako kaya matapos kong mag-lunch ay naligo ako at nagbihis at nagpahatid sa mall.

May pocket money naman ako na binigay ni Uno.

Nagpunta ako sa isang department store at naghanap ng mabibili. Naagaw ng pansin ko ang isang shirt na itim na may nakasulat na Uno. Agad kong naalala si Uno kaya binili ko iyon para sa kaniya.

Pagkatapos kong mabayaran ay nag-ikot pa ako pero wala na akong nabili. Nagpunta na lang ako sa malapit na coffee shop at umorder ng meryenda.

Nakaupo ako at iniinom ang iced coffee ko nang may pumasok na isang lalaki at dalawang bata. Pamilyar ang mga batang iyon pero hindi ko matandaan kung saan ko sila nakita.

Naupo sila sa katapat kong upuan.

"Walter, where's your other shoes?" Sabi ng lalaki. Gwapo siya. Matangkad at mukhang mas matanda lang sa akin ng ilang taon.

Napasimangot ang batang lalaki at tinuro ang batang babae.

"Kinuha ni Waves, daddy."

Humagikgik ang batang babae at nilabas ang sapatos mula sa bag nito.

"Charan! Haha, sorry."

Sinuot ng lalaki ang sapatos ng bata at binilinan ito ng 'wag aalis at oorder lang siya.

Tumango ang mga bata at nagkwentuhan lang pagkaalis ng daddy nila.

Ang cute nilang dalawa. They remind me of the kids I saw at mcdo last time.

Wait. It's them! Kaya pala parang nakita ko na sila doon.

Nakita ng batang babae ang pagtingin ko sa kanila kaya naman kinawayan niya ako. Ganun din ang ginawa ng batang lalaki nang makita ako.

Sobrang cute nila. Gusto ko silang iuwi.

Tumayo ang batang babae at nagpunta sa pwesto ko. Naupo siya sa tabi ko habang nakangiti pa rin.

"Hi, miss. Why are you looking at us po?" Tanong nito.

I smiled at her. "Nothing, baby. Ang cute niyo kasi ng kapatid mo."

"No po, miss. Ako lang po ang cute," sabi ng batang lalaki na nakaupo na rin sa tabi ng batang babae.

Umirap naman ito at nilingon uli ako. "I'm Waves Avery po, 3 years old. Nice to meet you po."

"And I'm Walter Alas po, 3 years old. We're twins po. Nice to meet you."

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa dalawang batang ito. Ang cute talaga nila!

"And I'm Celestine Clover Davis. You two are so smart. 3 years old pa lang kayo pero ang linaw niyo ng magsalita."

Ngumiti ang dalawa at tinuro ang daddy nila na papunta na sa mesa nila dala ang order nila.

Remember That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon