Chapter Eighteen

232 13 0
                                    

Pagkauwi sa Pilipinas ay agad na nakatulog ang mga bata. Gising na gising kasi ang mga ito sa byahe pauwi.

Nag-stay kami sa Hong Kong for a week at talagang nag-enjoy kami roon. Marami ring mga damit at gamit ang nabili namin doon.

Nang masiguradong tulog na ang mga bata ay hinanap ko si Dominic para makapagpaalam. Naabutan ko naman siya sa sala na may kausap sa cellphone.

Nagpaalam siya rito nang makita ako.

"Aalis ka na?"

Tumango ako. "Yep. Sandali lang naman ako. Baka nandito na rin ako bago pa magising ang mga bata."

"Okay. Can I drive you there? I need to make sure you're fine," anito na bakas sa boses ang pag-aalala.

Inilingan ko naman siya. "Don't worry, I'll be fine. Dito ka na lang para kung sakaling maalimpungatan ang mga bata ay makita ka nila."

Nakita kong gusto niyo pang ipilit pero tumango na lang din pagkalipas ng ilang minuto.

Sumakay ako sa taxi at nagpahatid sa ospital kung nasaan ang doctora ko.

Ang doctora na ibinigay sa akin ni Uno noon ay siyang doctora ko pa rin ngayon. Kahit hindi kami nakakapag-usap ni Uno ay may contact pa rin naman ako sa doctora.

Nang makarating sa ospital na pinagtatrabahuan nito ay lumabas na ako ng taxi at nagtungo sa front desk.

Tinanong ko kung nasaan ito at sinabing may inaasikaso lang daw at babalik din naman. Kaya sinabi nilang pwede akong maghintay sa opisina nito.

Sumakay ako sa elevator patungo sa opisina na tinuro sa akin ng nurse kanina. Nahihiya naman akong pumasok sa loob kaya doon na lamang ako sa upuan sa labas naghintay.

Kinuha ko ang magazine sa isang maliit na mesa na nandoon at nagbasa muna habang naghihintay.

Hindi nagtagal ay may narinig akong pamilyar na boses sa hindi kalayuan.

Boses ng isang taong ang tagal ko ng gustong makita nang harapan.

Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses at napakagat ako sa labi ko nang makitang siya nga iyon.

Nakasuot siya ng puting long-sleeves na nakatupi hanggang sikot. Ang buhok niya ay medyo magulo na mas lalong nakapagpagwapo sa kaniya. Mas nadepina rin ang kaniyang panga at perpekto pa rin ang ilong at labi niya. Ang mata niya ay nakakapang-akit pa rin hanggang ngayon.

Ilang buwan lang naman ang lumipas pero parang ilang taon ko na siyang hindi nakita.

Hindi niya pa rin ako napapansin dahil busy siya sa pakikipag-usap sa doctor. Hindi ko naman mapigilang hindi makinig dahil malapit lang naman sila sa amin.

"Is she okay? Is the baby okay?" Rinig kong tanong ni Uno.

Sino... Sino ang tinutukoy niya?

"Yes, she is. For now. I suggest that you watch her and not leave her alone. Dapat ay iwas muna siya sa stress dahil mahina ang kapit ng bata," sabi ng doctor.

Tumango-tango si Uno at napamasahe ang isang kamay sa sintido.

"Do I really need to stay with her the whole day?"

Tumango ang doctor. "Yes. Pwede naman ang ibang kamag-anak niya o kamag-anak mo pero mas mabuti kung ikaw dahil ikaw ang hinahanap niya palagi."

Nagpaalam na ang doctor na may ichecheck munang pasyente at tinanguan naman siya ni Uno.

Naupo siya sa upuan tatlong upuan lang ang layo sa akin. Rinig na rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa nang mag-ring ito.

"Hello— Yes, Tanya and the baby are okay. Nakausap ko na ang doctor— She'll stay at my house for a while..." Matagal siyang natahimik dahil sa sinasabi ng nasa kabilang linya. "Okay, bye."

Nang maibaba niya ang tawag ay napalingon siya sa gawi ko. Agad ko namang hinarang ang newspaper sa mukha ko para hindi niya ako makita. Lalo pa ngayon na basa na ng luha ang mukha ko.

So, he got Tanya pregnant.

Magkaka-anak na rin pala siya.

I'm waiting for him to leave or enter Tanya's room but it didn't happen. Nakaupo lang siya roon habang nakayuko at nakatakip ang mga kamay sa mukha.

"I messed up. Damn it. What the heck," aniya habang ginugulo ang buhok.

Yes, he messed up and so am I.

Ang gusto ko sanang pagkikita namin ay iyong babawiin niya na ako. Hindi 'yung ganito. Hindi sana 'yung ganito.

Tatayo na sana ako para umalis nang biglang dumating ang doctor.

"Ms. Celestine Clover Davis, I'm sorry for making you wait," ani doctora at pinagbuksan ako ng pinto ng opisina niya.

Tumayo ako kahit nanghihina dahil sa nalaman pero bago ako pumasok ay nilingon ko si Uno na ngayon ay nakatingala na at nakatingin sa akin gamit ang mata niyang punong-puno ng emosyon.

"Clover..."

Pumasok na ako sa opisina at ako na mismo ang nagsara non. Sana ay umalis na siya at hindi ko na maabutan pa pagkalabas ko.

Agad nagsabi ang doctor ng mga kailangan kong gawin at gamot na ayos lang kahit hindi ko na inumin. Natuwa pa siya dahil ang bilis ko raw makaalala at hindi na ako umabot pa ng ilang taon.

"Call me if you have questions, okay?" Anito at nagpaalam na ako sa kaniya.

Huminga muna ako nang malalim bago buksan ang pinto pero bago ko pa ito tuluyang buksan ay nagsalita uli ang doctora.

"I know this doesn't concern me but I just wanted to tell you that he really cares for you. Lagi niya akong tinatawagan at nagpapa-update sa tuwing check up mo. Sana ay maayos niyo ang problema niyo," nginitian niya ako.

Tumango ako at lumunok kahit na pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko.

Pinipigilan ko ang luha ko na maglandas sa mukha ko. Bumuntong-hininga ako bago tuluyang buksan ang pinto.

Naabutan ko si Uno na nag-aabang sa labas. Tumayo siya at agad akong nilapitan.

"Love... I-I miss y—"

Hindi ko siya pinatapos at nilagpasan na lamang. Pero hinarangan niya ang dinadaanan ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang huminto sa harapan niya.

"L-let's talk, please. I-Ilang buwan k-kong hinintay 'to. Please, love. P-please..." Nabasag ang boses niya at namumula na ang mga mata, pinipigilan ang mga luha niya.

Inilingan ko siya. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, U-Uno... Tapos na tayo, hindi ba?" Tiningnan ko siya sa mga mata niya at mali ang ginawa kong iyon dahil nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya. "Excuse me, I need to go home now."

Hindi na siya nagpumilit. Hinayaan niya ako. At mabibigat ang hakbang ko papalayo sa kaniya.

Mahal na mahal ko siya pero dahil sa nalaman ko ngayon ay mas napatunayan ko na hindi talaga pwede. Na kahit mahal niyo ang isa't-isa, may mga bagay talaga na hindi mangyayari kung hindi naman dapat.

Remember That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon