Epilogue

542 13 25
                                    

Just like what most of the people said, if it's meant to be, it will be. Kahit anong hirap ay malalagpasan niyo at babalik at babalik kayo sa isa't-isa.

I know I made mistakes. Hinanap ko sa iba ang pagkukulang ni Uno sa akin noon na naging dahilan bakit kami nagkagulo. I cheated on him because I want attention. Gusto ko ng pagmamahal na bihira kung maiparamdam niya sa akin noon.

And it was wrong. Kaya nga dalawa ang bumubuo sa relasyon ay para punan ng isa ang kulang sa kasintahan niya.

But what happened made us realized something.

If you really love someone, you'll do anything just to have them back.

It's been a year since that incident happened. I'm happy now with him and our kids. Everything's finally in place now.

"Mom, I want to be a good sister for him. How?" Tanong ni Waves habang nakatingin sa tiyan ko.

I'm 3 months pregnant and finally married.

"Well, you should take care of him and love him as much as you love Walter and us," sabi ko habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.

Tumango siya sa akin at lumapit kay Walter para magpaturo kung paano maging mabuting kapatid.

Tumayo naman ako at nagpunta sa kusina para maghanda ng meryenda ng mga bata.

Pero bago ko pa mailabas ang lulutuin ay may yumakap na sa akin mula sa likod at hinalikan ang likod ng tainga ko.

"I told you not to move. Baka mapagod ka niyan e," aniya habang hinahalikan pa rin ako.

"Uno, it's fine. Kaya ko naman."

Hinarap ko siya at tinitigan ang gwapo niyang mukha.

He pouted and kissed my lips. "No. My wife needs to rest. Ako na ang bahala rito."

Hinalikan niya uli ako at lumuhod para mahalikan ang tiyan ko.

Bumalik na lamang ulit ako sa sofa at pinanood ang mga bata. Sa akin kaya magmamana ang bunso namin?

Paano naman kasi ay kulay asul ang mata ng mga bata at brown ang kulay ng buhok. Wala man lang minana sa akin dahil masyadong malakas ang dugo ni Uno.

Pero hindi ko naman maitatanggi na maganda ang lahi ni Uno. Buti na lang ay namana ng mga anak namin.

Ang gulo ko.

Hinanda niya ang meryenda sa dining room at nagtungo naman kami roon.

"Mamaya ay pupunta sila grandma and grandpa niyo. And they're asking kung may gusto daw kayong ipabili," ani Uno na tinutukoy ang mga magulang niya.

Umiling si Walter at tumango naman si Waves.

"I want teddy bear po. Color blue. I'll give it to our baby brother once he's out in mom's womb."

Napangiti naman kami ni Uno dahil sa sinabi ni Waves. Nagsasasama siya kay Walter this past few days kaya ayan at nagiging maalaga mabuti. Medyo binabawasan niya ang pang-iinis dahil she's a big sister na raw.

Kinagabihan ay dumating nga ang mga magulang ni Uno. Binati nila ako at nagluto sila ng hapunan habang ako ay nakaupo sa isang tabi habang nakatingin sa cellphone.

Nilalaro ng magulang ni Uno ang mga bata at dinalhan pa sila ng mga laruan at snacks. Spoiled na spoiled ang mga ito.

Napansin ni Uno ang pagtingin ko sa cellphone kaya nilapitan niya ako at hinalikan sa pisngi at niyakap.

"Anything wrong?" He asked while hugging me.

I sighed. "Dominic called."

Pagkabanggit ko pa lang non ay nag-igting ang panga niya.

"Why?" Medyo galit na sabi nito.

"He's saying sorry again. Sana raw ay mapatawad na natin siya," I said and looked in his blue eyes.

Galit na galit si Uno kay Dominic nang malaman na itinago nito ang mga anak niya sa kaniya. Na inangkin nito ang hindi naman pala sa kaniya.

Sorry nang sorry si Dominic at sinabing nagawa niya lang iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin.

Pero dapat bang maging selfish siya? Na itatago niya ang mga anak ko sa tunay na ama nito?

Agad natanggap ng mga bata si Uno. Dahil noon pa lang ay may nararamdaman na silang connection dito.

"I don't know if I can. How dare he hide my kids from me? Wala siyang karapatan. Sayo at sa mga anak natin," galit na sabi nito.

I understand him. Kahit ako ay galit na galit kay Dominic.

"But what good will it do? Anong maidudulot ng pagtatanim natin ng galit? I think we should just forget it and just be happy with our kids. Lalo na at madadagdagan na sila," I smiled at him and kissed his cheeks.

Bumuntong-hininga naman siya. "Maybe someday I'll forgive him. For taking care of our kids. But not now. Not now."

Tinawag kami nila mommy, his mom para kumain na. Nagpunta kami sa dining area at tumunog ang tiyan ko dahil sa mga pagkain na nakahanda roon.

"Oh, gutom na ang manugang ko. Tara na at kumain. Ayokong nagugutom ka," ani mommy at pinaghandaan pa ako.

Nasa tabi ko si Uno at nasa tabi naman ng mga grandparents nila ang mga bata.

Natapos ang dining area na sobra kaming nabusog dahil sa sarap ng pagkain.

Ang mga bata ay nagtungo na sa kabilang kwarto para matulog samantalang si Uno at ang mga magulang niya ay nasa sala at balak uminom. Wine lang ang kay mommy.

"I won't get drunk. I promise," ani Uno nang makita akong nakatingin sa kaniya.

Pinanliitan ko siya ng mata. "But I want to sleep now. Gusto ko katabi ka."

Kaya wala na siyang nagawa kung hindi samahan ako sa pagtulog. Nakayakap siya sa akin at hinahalikan ako.

"I love you so much..." Bulong niya.

"I love you too..."

I'm glad that I finally got him. That this time, the pain was all worth it. Kahit anong sakit basta siya ang kahahantungan ay kakayanin ko.

By the way, Cynthia's in jail now. Siya iyong sumagasa sa akin. She hated me because Dominic rejected her a lot of times.

Ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa at minsan ay tinatawagan ako pero bihira kong sagutin.

Mapapatawad ko sila pero siguro ay hindi muna sa ngayon. But someday, I will.

Masaya na ako. Masaya na ako sa piling ng pamilya ko.

With Uno and the kids by my side, I will live happily. I will live full of love.

Kahit anong hirap basta para sa pamilya ko. Kakayanin ko.



Remember That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon