Tahimik ang naging byahe namin pag-uwi. Hindi ko alam pero parang nawala siya sa mood dahil sa babaeng nakita namin kanina.
Gusto ko sanang magtanong kaso baka magalit siya sa akin at baka naiinvade ko na ang privacy niya kaya nanahimik na lang ako.
Nang dumating sa bahay ay nauna siyang pumasok. Dumiretso siya sa kwarto ko at inilagay doon ang mga damit.
"Don't go to my room or anything. Kung may kailangan ka ay bilhin mo. Here's the money." Aniya at iniwan sa bedside table ang pera.
Bago pa ako makapagsalita ay umalis na siya. Malakas na isinarado niya ang pintuan kaya nabigla ako.
Ano bang problema ng lalaking iyon?
Binuksan ko na lang ang mga paper bags at sinampay ang mga damit sa closet.
Naligo ako pagkatapos at nahiga na sa kama. Ipipikit ko na sana ang mata ko pero biglang sumakit ang ulo ko.
Kaya naman sa una pero habang tumatagal ay sumasakit.
Nagpunta ako sa kwarto ni Uno at kumatok. Nanghihina na ako. Naiyak na lang ako sa sobrang sakit. Parang mamamatay ako.
"Uno..." Tawag ko at binigay lahat ng natitirang lakas sa paghampas ng pinto niya.
Napasandal na lang ako sa panghihina. Bumukas ang pintuan kaya nahulog ako.
"What? I told you not to come here!" Sigaw nito.
Pero nang makita ang kalagayan ko ay agad agad niya akong binuhat.
"Uno..."
"What's wrong? Are you okay? May masakit ba sayo? Tell me. Come on." Natatarantang sabi nito.
Sasagutin ko na sana siya pero may nag-flash na image sa isip ko. Hindi ko iyon maintindihan at sasabihin na sana kay Uno nang bigla na lamang nandilim ang paningin ko.
Nagising akong nasa malambot akong kama. Kulay peach ang mga pader at may paintings na nakasabit doon.
Nang maimulat kong mabuti ang mga mata ko ay napagtanto kong nasa kwarto ko pala ako.
May naramdaman akong hinga sa kamay ko at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Uno na nakahalik sa kamay ko habang natutulog nang nakaupo.
Sinuklay ko gamit ng aking mga daliri ang buhok niyang magulo. Nagising naman siya at agad inilapit ang mukha sa akin.
"Damn, you're finally awake. Are you okay? I was so damn scared."
"I'm feeling good now. Pero dapat ba ay nakalapit ang mukha mo sa akin?"
Kinagat niya ang kaniyang labi at inilayo ang mukha sa akin.
"Sorry."
Tinanguan ko siya. "What happened?"
"You passed out yesterday. Hindi ka na gumising. Pumunta dito si Doctora at sinabing side effect iyon ng amnesia mo. And she told me that... It's possible that you remember something."
Bigla ay bumalik sa akin ang mga imahe na nasa isip ko kahapon.
"I remembered something."
Napatuwid siya sa pagkakaupo. "Tell me."
"May isang babae at lalaki na nasa isang dinner. Their faces was blurred. They were on a date. I don't know pero parang ang awkward ng atmosphere nila." Tinitigan ko siya. "That's it. Do you have any idea kung sino iyon?"
Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. "Hindi ko alam. It's good that you're starting to remember things. Baka nga hindi mo na kailanganin ang tulong ko kasi makakaalala ka na." He looked at me and smiled.
Ngumiti naman ako pabalik sa kaniya kahit pakiramdam ko ay may itinatago siya sa kabila ng ngiti niya. Ayokong pilitin siya. Baka magalit na naman.
Nang sinubukan kong tumayo ay inalalayan niya ako.
"Mahiga ka na lang kaya? Dadalhan na lang kita ng pagkain." Nag-aalalang usal nito.
Inilingan ko naman siya. Ayaw kong magtagal na ganito lang.
"Hindi na. Sa baba na ako kakain."
Pababa kami ng hagdan ay inalalayan niya ako. Para akong isang babasagin na bagay na bigla na lamang mababasag kapag binitiwan niya.
Nang maiupo ako sa upuan na naroon ay siya na ang naghanda ng mga gagamitin. May nakalagay sa isang bowl na kagaya nung niluto ni Manang.
"Sinigang na hipon?"
Tumango siya. "Yeah. Nasabi sa akin ni Manang na nagustuhan mo daw to. That's what I cooked it." Aniya at pinaglagyan ako ng kanin.
Manghang napatingin ako sa kaniya. "You cooked this?"
He nodded.
Nang makaupo siya sa tabi ko ay nagsimula na akong kumain. Sarap na sarap ako at umulit pa ako uli ng kanin.
"You really liked it, huh?" Nakangiting tanong ni Uno habang sumusubo ng pagkain.
Tinanguan ko na lang siya dahil puno ng pagkain ang bibig ko.
Nang matapos kumain ay siya na rin ang nagligpit. Gusto ko sanang tumulong pero ayaw niya akong payagan.
Masyado niya akong inaalagaan. Binuhat niya ako paupo sa sofa at binuksan ang tv para makapanood ako habang nagliligpit siya.
Napili kong panooring ang Rapunzel. Alam na alam ko ang mga susunod na mangyayari. Naalala iyon ng isip ko.
"If she's here, it's crystal clear
I'm where I meant to be~"I really love this movie. Lalo na ngayon at may amnesia ako.
Rapunzel doesn't know anything about outside world because she's been trapped in 18 years.
I'm trapped too but not in a high stone castle.
Just like Rapunzel, I want to see the outside.
Gusto ko iyong makita at may maramdaman. Gusto kong maramdaman ang naramdaman ko noon nang nakaalala pa ako.
Gusto ko ng bumalik sa dati. Gusto ko ng makaalala. Dahil para na akong si Rapunzel na unang beses pa lamang makikita ang tunay na mundo.
"Hey, here's some snacks for you."
Inabot niya sa akin ang potato chips at juice. Umupo siya sa tabi ko pagkatapos at sabay kaming nanood.
Naramdaman ko ang kamay niya na nasa may beywang ko na. Humahaplos iyon doon, pero hindi naman nakakabastos. Parang.... Parang pinaparamdam niya sa akin ang nararamdaman niya sa pamamagitan noon.
Nang matapos ang palabas ay humarap ko siya. I want to know something. I have to know something.
"Uno, tell me, ano ba ako sayo? Sino ka ba talaga? Anong pakay mo?" Sunod sunod na tanong ko.
Umiling na naman siya at iniwas ang tingin.
"Uno!" I shouted.
Kinagat niya ang labi at nilingon ako. "Not now, Clover. Ayokong malaman mo kung ano ba ako sayo. O kung sayo ba ako."
BINABASA MO ANG
Remember That Night
Ficțiune adolescențiCelestine Clover Davis woke up without remembering anything. She's been at that hospital for years now and this guy keeps on coming back to take care of her. Who is he? Why does he make her heart beat like crazy? Why is he treating her that way? She...