Magkatabi kami sa upuan pauwi ng Pilipinas. Hindi pa sana kami uuwi pero nagkaproblema sa kompanya niya at kailangan niyang asikasuhin muna iyon.
"I'm really sorry, love. I promise pagkatapos nito ay magbabakasyon uli tayo."
Hinalikan niya ang kamay kong hawak niya.
Nginitian ko siya. "Ayos lang. Alam ko namang importante."
Nang makarating sa airport ay pinasundo niya ako sa driver niya at ipinahatid sa mansyon. Siya naman ay dumiretso na sa opisina.
Binati agad ako ni Manang at ipinaghanda ng tanghalian. Matapos kong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto para makapaglinis ng katawan.
Nahiga ako sa kama matapos makapagbihis. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang mga araw na nasa America kami.
We became close. Really close.
Hinayaan ko siyang tawagin akong love. It just feels... right.
Kahit maraming magagandang babae doon na nagpapapansin sa kaniya ay nasa akin lang ang atensyon niya at nagustuhan ko iyon. Kahit na hindi naman kami.
Kapag may nagustuhan akong gamit ay binibili niya kaagad kahit na pinipigilan ko siya.
Tiningnan ko ang suot kong bracelet at napakagat na lang sa labi.
May nakaukit doon na puso at nakasulat ang salitang 'Hanggang Wakas'. Binili namin ito doon sa naggagawa ng customized bracelets. Couple bracelet ito at suot ni Uno ang isa.
Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod.
Nagising ako na madilim na ang kalangitan sa labas. Pagkalabas ko ng kwarto ay si Manang lang ang naabutan ko.
"Manang, nasaan na po si Uno?"
Mula sa pagluluto ay nilingon niya ako. "Hindi pa siya umuuwi, hija."
Tumango ako naupo na sa upuan na naroon. Hinihintay ko si Uno para sabay na kaming maghapunan. Baka hindi kumain iyon ng tanghalian dahil sa sobrang busy.
Pero natapos na magluto si Manang at wala pa siya doon. Alas-otso na. Kanina pa dapat siya nakauwi.
Napansin siguro ni Manang ang pagkabalisa ko kaya nagsalita siya.
"Kung gusto mo, hija, tawagan mo siya gamit ang telepono," aniya at tinuro ang telepono sa sala.
"Pero baka po kasi maistorbo ko siya," sabi ko kahit na gustong-gusto ko na siyang tawagan.
"Kahit kailan naman ay hindi ka naging istorbo sa batang iyon."
Namula ang pisngi ko dahil doon. Napangiti si Manang nang mapansin iyon.
Iniba ko ang usapan dahil nahihiya talaga ako. Tamang-tama rin na may pumasok na ideya sa isip ko.
"Nandiyan pa po ba si Mang Karlo?" Si Mang Karlo ay isa sa driver dito.
Tumango siya at tinawag ito. Ako naman ay kumuha ng lalagyan at nilagyan iyon ng ulam at kanin. Nilagay ko iyon sa isang bag nang maiayos.
"San ho tayo, ma'am?" Tanong ni Mang Karlo nang sumakay ako sa sasakyan.
"Sa opisina po ni Uno."
Agad naman siyang nag-drive at hindi rin nagtagal ay nakarating na kami roon. Pinauna ko na siya at sinabing sasabay na lang kay Uno.
Wala ng masyadong tao sa kompanya niya. Ang mga natitira na lang ay ang mga guard na hindi ako hinarang at ang ibang mga empleyado na nag-o-overtime.
Nagtungo na ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang opisina ni Uno.
Nang makalabas ako ay naabutan ko ang secretary niya na sobrang busy at natataranta na dahil sa dami ng papel sa mesa niya.
"Good evening," bati ko rito.
Tumingala naman siya at nginitian ako. "Good evening, ma'am. Nasa loob po si sir," aniya at tatayo pa para sana pagbuksan ako ng pinto.
Inilingan ko naman siya. "Hindi na. Ako na. Salamat."
Binuksan ko na ang pinto at naabutan si Uno na minamasahe ang sentido at may hawak na papel sa isang kamay.
Naupo ako sa upuan sa harapan ng mesa at tsaka niya pa lang ako napansin.
"Love? What are you doing here?" Sabi niya sabay tayo at yakap sa akin.
Itinaas ko ang kamay na may hawak na pagkain. "I brought some dinner. Hinintay kita tapos hindi ka naman dumating kaya napagdesisyunan kong pumunta na lang dito."
Napangiti siya. "Thank you. I'm sorry I'm just busy."
Tumango naman ako habang pinapalibot ang tingin sa mga papel sa mesa niya.
"You should eat first. Kumain ka ba ng lunch kanina?" Tanong ko.
Tumango naman siya. "Yes, a little."
Nilabas ko ang mga pagkain at inihanda iyon sa mesa niya. Inusod niya naman ang mga papel at tinulungan akong mag-ayos.
"Just a minute," sabi ko at kinuha ang extra tupperware na may lamang kanin at ulam.
Lumabas ako sa office at inabot iyon sa secretary niya. Nagulat pa nga ito at tumanggi pero tinanggap din sa huli.
Sabay kaming kumain ni Uno at halatang gutom talaga siya. Naubos niya iyong kanin niya at pati iyong ulam.
"Thank you, love. I really need these," aniya sabay lingon sa mga lalagyan ng pagkain.
"Welcome," sabi ko at inayos na ito pabalik sa bag.
Matapos itong maayos ay nilingon ko ang orasan. "It's already 9:30 pm. Hindi ka pa ba uuwi?"
Inayos niya ang mga papel at kinuha na ang ibang gamit niya.
"Uuwi na. I don't want you to sleep alone," aniya sabay hawak sa kamay ko.
"E mag-isa lang naman ako natutulog ha."
He pouted. "Well, pwede mo naman akong tawagin kung ayaw mong matulog mag-isa. I'm a good boy," sabi niya at proud pa akong nilingon.
Napailing na lang ako at sabay na kaming sumakay sa sasakyan niya. Ang secretary niya ay nauna ng umuwi.
Nang makarating sa bahay ay hinatid niya na ako sa kwarto ko.
"Good night, love. Thank you for today," sabi niya at hinalikan ako sa noo.
"That's nothing compared to what you've done for me," sabay halik ko sa pisngi niya.
"Para na kitang asawa," aniya at iniwas ang tingin. "Asawa na dapat kita kung naayos lang natin 'to noon."
![](https://img.wattpad.com/cover/240352602-288-k492074.jpg)
BINABASA MO ANG
Remember That Night
Teen FictionCelestine Clover Davis woke up without remembering anything. She's been at that hospital for years now and this guy keeps on coming back to take care of her. Who is he? Why does he make her heart beat like crazy? Why is he treating her that way? She...