Chapter Fourteen

228 13 0
                                    

Nagising ako sa pakiramdam na parang may nakatitig sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ay natagpuan ko si Dominic na nakaupo sa kama at pinagmamasdan kami ng mga bata.

Nginitian niya ako nang mapansing gising na ako.

"Good morning. I prepared some breakfast. Do you want to eat here?"

Inilingan ko siya at dahan-dahang bumangon para hindi magising sila Walter at Waves. Pero kahit nag-ingat na ako ay nagising pa rin ang dalawa.

"Good morning, mom..." Malambing na sabi ng mga ito sabay yakap sa akin.

Napangiti naman ako sa sobrang sayang nararamdaman. They're my kids. My blood.

"Good morning, babies. Let's eat breakfast and then we'll go somewhere," sabi ko sa kanila.

Tiningnan ako ni Dominic na parang nagtatanong kung saan ko dadalhin ang mga bata pagkatapos. Nginitian ko lang siya at tinulungan na ang dalawa na makababa.

Sabay sabay kaming kumain. Madaldal si Waves at hindi nawawala sa kwento niya ang pang-iinis sa kapatid. Wala namang pakialam si Walter at nagpapatuloy lang sa pagkain.

Nang matapos ay pinaliguan ko si Waves. Si Walter ay kay Dominic sumama.

"Mom, why are you so pretty? When I grow up po ba, ganyan din ako ka-pretty?" Tanong ni Waves habang binibihisan ko siya.

"You'll be prettier than me. Look at you, you're so pretty even though you're still a kid. Mas maganda ka kay Mom mo."

Nginitian niya naman ako at hinintay na makaligo na rin at makabihis. Habang nasa banyo ako ay hindi ko maiwasang malungkot. Iniisip ko si Uno.

Kumain na kaya siya ng almusal? Nasa opisina na ba siya ngayon? Nakatulog ba siya nang ayos?

Nawala ako sa pag-iisip nang marinig ang pagkatok ni Waves.

"Mom, hurry up! Daddy and Walter's waiting for us downstairs na po."

Binilisan ko ang pagligo at pagbihis. Binilhan ako ni Dominic ng damit kanina. Naalala ko na naman si Uno. Siya ang kasama kong mamili ng mga damit noon.

Inilugay ko na lang ang buhok ko at binuhat na si Waves pababa. Naghihintay na nga roon ang dalawa.

"You looked so gorgeous," ani Dominic habang nakatitig sa akin.

Pero hindi gaya ng kay Uno ay wala akong naramdaman.

"Thank you," sabi ko na lang at inalalayan ang mga bata sa paglabas.

Nagpunta kami sa malapit na mall at nagpunta sa isang art shop. Creative kasi ang mga bata at hilig bumili ng mga art materials.

Habang naglilibot ay pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Pero sa tuwing lilingon naman ako ay wala akong nakikita. Guni-guni ko lang siguro.

Sa isang restaurant sa mall na rin kami nag-lunch. Pagkatapos ay nanood kami ng movie at umikot pa sa mall.

Hapon na nang napagdesisyunan naming umuwi. Pagod na ang dalawa kaya nakahiga sila sa hita ko pauwi. Nasa backseat kami habang si Dominic ang nagda-drive. Tahimik kami nang ilang minuto hanggang sa basagin niya iyon.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ka na namin. We waited for years, Celes. I waited for years. And I'm glad you're back. Kahit na sa pagbalik mo ay iba na ang pakikitungo mo," aniya sa malungkot na boses.

Tutal nasasaktan naman na ako ay nagpakuwento ako sa kaniya. Tungkol sa aming dalawa.

"Ever since I saw you, I fell in love with you. I don't believe in love at first sight pero ako mismo natamaan non. But you're taken. Taken by Unter Noah Ezxena, my brother. Walang gustong kumalaban sa kaniya kahit na ako kaya sa malayo na lang ako.

You looked so happy with him. The way you looked at him, gusto ko ganon ka rin sa akin. Pero schoolmate mo lang naman ako, bakit mo ako tutuunan pa ng pansin, hindi ba?"

Huminto ang sasakyan dahil sa red light. Tiningnan niya ako mula sa salamin at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hanggang sa mapansin mo ako isang araw. Tinanong mo kung gusto ba kitang maging girlfriend. Syempre, pumayag ako. Kasi matagal na kitang mahal. We lasted for months until Unter found us. Akala ko matatakot ka pero pinaglaban mo ako. Ayos na sa akin iyon kahit alam kong hindi mo naman talaga ako mahal."

Nagpatuloy siya sa pag-drive pagkatapos. Pansin ko na rin na nahihirapan na siyang magsalita.

"Tayo pa rin non pero hindi ka na ngumingiti kapag kasama mo ako. Palaging si Unter ang bukambibig mo. Hindi ko na lang pinansin kahit masakit. Kasi ayokong tanggapin na wala na talaga akong pag-asa," pagpapatuloy niya.

Gusto ko pang malaman ang kasunod ng kwento pero nakarating na kami sa tapat ng bahay niya. May nakaparadang isang sasakyan din sa harap non at pamilyar na pamilyar iyon sa akin.

At tama nga ako nang makitang lumabas si Uno mula sa driver's seat.

Bumuntong-hininga si Dominic at nauna ng lumabas. Hinarang niya si Uno at nagulat ako nang bigla na lang siyang sinapak nito.

Dahan-dahan akong umalis sa kinauupuan at lumabas ng sasakyan. Tumayo ako sa tapat ni Uno at tinitigan siya nang mabuti.

Lahat ng salita ay nawala sa isipan ko nang magtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Love... Let's go home now. I cooked your favorite. Hinanda ko na rin iyong paborito mong palabas." Hinalikan niya ang noo ko. "Rapunzel?" Nginitian niya ako.

Nadurog ako lalo. Gulong-gulo na ako.

"Uno, I want to be with you. I love you, you know that pero—"

"No, love... No buts... Please?"

Umiling ako at hinayaan ang pagtulo ng mga luha ko. "A-ayokong lumaki ang mga bata na hindi kumpleto ang pamilya nila. U-Uno, I-I'm a mother now. I need to think about my children."

"Pero paano ako?" His voice cracked.

"H-hindi ko a-alam..."

"Papanagutan ko naman 'yung mga bata. Ituturing ko na sa akin sila. Hindi naman sila lalaki nang kulang dahil pupunuin ko sila ng pagmamahal. Please, love. Bumalik ka na sakin. 'Wag mo ulit akong iwan..."

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Gusto kong bumigay. Gusto kong sumama na lang sa kaniya at isama ang mga anak ko. Pero hindi naman iyon pwede dahil anak din naman sila ni Dominic.

"You can't take my children away from me. Unter, tama na. Hindi nila kailangan ng pagmamahal mo kasi nandito naman ako. Sapat na iyon para sa kanila," sabi ni Dominic na ngayon ay nakabawi na mula sa pagkakasapak ni Uno.

Nilingon ni Uno ang mga bata na ngayon ay gising na at nasa labas na.

"Fine. I'll go. I won't bother you anymore. Bakit ko ba kasi ipinipilit pa ang sarili ko sa taong hindi naman ako mapanindigan? Sa taong binigay ko na ang lahat pero kulang pa rin?"

Nasaktan ako sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi ko mapanindigan ang pagmamahal ko sa kaniya? Bakit sa ikalawang pagkakataon ay sasaktan ko na naman siya?

"Kasi mahal na mahal ko siya," pagpapatuloy ni Uno. "Pero kung ayaw mo na talaga, hahayaan kita. Pero babalik ako. Babalikan kita. At sana sa ikatatlong pagkakataon, tayo na talaga."



Remember That NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon