CHAPTER ONE
Message in the Bottle: “Fix me, I’m broken.”
“Tsk! Ang baduy ng isang ito ah.. Halatang teenager na broken-hearted ang nagsulat.”
Itatapon ko na sana ang sulat na napulot ko kanina sa may seashore ng bigla kong mapansing may nakasulat pa pla sa likod.
“Sa sinumang makakapulot nito. Alam kong magkikita rin tayo. December 6, 2009.. 9:22 pm. Hihintayin kita, dito sa lugar kung saan mo napulot ang boteng ito.”
Hihintayin kita,dito sa lugar kung saan mo napulot ang boteng ito.
Hihintayin kita,dito sa lugar kung saan mo napulot ang boteng ito.
“Parang umi-echo sa utak ko ung nakasulat dito. Ang baduy talaga! Tsk.”
Tange, bat ko ba kinakausap ang sarili ko?
“Renz.. Renz..”
“Yes mommy? Nandito po ako sa labas.”
“Halika na anak.. ayusin mo na ung mga gamit mo at babalik na tayo sa Maynila.”
“Opo.”
Nandito kami ngayon sa probinsya. Nasa isang resort kami ngayon na pagmamayari ng uncle ko. Wala silang anak. Ay meron pala kaso namatay na 2 years ago. Close kami nun at ung pagkamatay nya ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.
Boring. Sobrang boring. Wala akong makausap na matino. I mean, lahat pala sila matino. Ako lang hindi.
Namimiss ko na ang alak at sigarilyo. Oppss.. nagyosi nga pala ako kanina kaso konti lang. Epal kase ung tindera, ayaw ako pagbilhan, menor daw ako. Amp!
Taglamig ngayon kaya malamang konti ang tao dito sa resort. Wala na nga yosi wala pang chicks.
Teka may nakita pala ako kanina, ung babaeng nakakulay blue. Mukha syang malungkot tapos nung lalapitan ko na biglang nawala. Multo ba ang babaeng un? Tsk. Kelan pa ko natakot sa multo?
Nangangati na yong kamay ko. Isang linggo na kaming nandito, hindi na ako nakakasuntok ng tao. Miss ko na makipag-away.
Hay naku, napakaBORING ng buhay dito. Buti nalang at aalis na kami mamaya.
“Renz!!” Boses na naman ni mommy un.
“Andyan na po”
“Asan na ba yang kapatid mo? Vinz... Vinz?”
“Hay naku mommy, baka nanlalalaki pa un.”
Tiningnan ako ni mommy ng masama. Alam kase nya kung saan na naman mapupunta ang usapan namin.
Ako ang number 1 na kontra sa pagiging bakla ng kapatid ko. Hindi naman sya ganun pag kami kaharap nya pero pag kasama nya barkada nya, lumalabas ang kabadingan ng poota!
Naiirita ako pag nakikita ko ang kabadingan nya. Kamukha ko sya.. Malamang kambal kami eh. Sabi ng iba gay version ko daw si Vinz.. Amp!
“Hanapin mo nga ung kapatid mo. Aalis na tayo maya maya.”
“Pabayaan nyo un, uuwi din un. Pag hindi umuwi, iwanan nalang natin.”
“Hindi tayo aalis hanggat wala si V—“
“Mommy, nandito na po ako!”
Ampootah! Dumating din.
“Ayusin nyo na ung mga gamit nyo. Bilisan nyo na at darating na ung van.”
Kahit nasa kabilang kwarto rinig na rinig ko pa rin ang boses ni mommy.
“Hoy Renz! Ano yan? Bat may dala kang bote?”
“Huh? Ah.. eh.. wala napulot ko lang kanina.”
“Napulot da--- Ay Palakang nahulog!!!“ Napatalon sya, may nahulog na butiki mula sa kisame.
Mangiyak-ngiyak sya habang pinapaalis sa damit nya. Tawa lang ako ng tawa.
“Ano bang kaingayan yan? Kayong dalawa, lumabas na kayo andyan na ung sasakyan.”
Nagmadali akong lumabas at dumiretso sa Van. Inistart na ni dad ung sasakyan.
Ipinikit ko na ang mata ko, mahaba habang byahe na nman ‘to.
Hihintayin kita,dito sa lugar kung saan mo napulot ang boteng ito.
Ayt! Ung bote! Nakalimutan ko.
“Dad, sandali lang may nakalimutan ako.”
“Ano ba yan, sabi na kaseng ayusin na kanina, tawa kase ng tawa. Buti nga sayo. Bleh :p”
Hindi ko na lang pinansin ang kakambal ko. Kinuha ko ung bote, itinago ko sa damit ko para di nila makita. Buti nalang maluwang mga damit ko.
BINABASA MO ANG
Thug Love (COMPLETED)
Roman d'amourSina Renz at Vinz, ang kambal na magkaibang magkaiba. Sa ugali, pananamit, pagsasalita, at maging sa pag-iisip. Si Renz ay isang taong lapitin ng gulo at maraming bisyo. Ibang-iba sa kanya ang kakambal nyang si Vinz. Malinis sa katawan, matalino, at...
