CHAPTER TWO
“Uy! Bry, ano na? Tagal mo nawala ah?”
Nasa Maynila na kami, at kagaya ng dati nakatambay na naman kami sa labas ng subdivision. Naghihintay ng mapagt-tripan.
Wala nman akong gang o kahit anong grupong sinalihan.. Mga barkada lang na tuwing gabi naghahanap ng mapagt-tripan.
“Tang*na pare, penge nga ng yosi! Napaka boring ng buhay ko dun.”
“Pota! Par dapat di ka na sumama dun, sayang napalaban kami nung isang araw. Sinugod sa ospital si Jojo.”
Si Jojo, marami ng napatay un, pero sobrang hina nun kumpara sakin. Itinuturing namin ung kalaban. Sya at ang mga tropa nya.
“Sayang nga! Dapat ako tumira para sa morgue na ang tuloy nya.”
“Lupet mo par!” At nakipag-apir sila saken.
“Teka di ba si Warren un?”
“Oo nga, wala syang kasama ngayon. Tara upakan na natin. Malaki atraso sakin ng k*pal na yan!”
At tulad ng inaasahan, may nabiktima na nman kami. Ang sarap sa pakiramdam, na nakasuntok na nman ako.
Pppppprrrrrrrrrrriiiiiiiiiittttttttttttttt
“Teka ano yun?”
Kahit kelan talaga boplogs ‘tong tropa ko
“Gagu! Nagtanong ka pa, malamang tanod un! Tara bilis takbo.”
Ganito ang klase ng buhay na meron ako. Mambabae, maglasing, at pumasok sa gulo na tulad nito. Malayong malayo sa buhay ng kakambal ko. Lagi sya ang napupuri, sya ang paborito kase hindi sya pasaway na tulad ko. Matalino daw sya, ako rin naman, kung magsisipag lang ako mas matalino pa ko sa kanya. Gwapo daw sya, tsk! Bading naman.
Hindi kami pinag-aral sa iisang eskwelahan. Malamang alam nila ang mangyayari pag nagsama kami.
Lagi kaming magkahiwalay pero pagdating ng gabi, iisang kwarto ang tinutulugan namin. Hindi kase pumayag sila daddy na hiwalay kami eh. Mas okay na un kase pag katabi ko sya, bawal sya magpakabading.
**
Walang pagbabago ang daily routine ko. Tanghali na ang gising ko. Tapos gala, inom, chicks sa hapon. Sa gabi uwi ng bahay pero lalabas din ng madaling araw para mangtrip.
Alam un ng pamilya ko pero hinahayaan lang nila ako. Ayaw kase nilang maulit ung nangyari dati.
Nung nagtangka akong magpakamatay. Oo. Ginawa ko un dati. Pero ng matauhan ako, binago ko ang sarili ko. Nagpabutas sa tenga, ilong, labi, dila, at kung saan-saan pa. Nagsuot ng maluluwang na damit. Natutong uminom ng alak, himithit ng Mary Jane, magsigarilyo, at mang chicks. Nakipagbarkada din ako sa mga taong sinasabi nilang walang puso kung pumatay. Oo, pumapatay sila ng mga taong pinaniniwalaan nilang malaki ang atraso sa kanila.
Ung iba nakukulong, ung iba tumatakas, ung iba nman hindi pa ganun kasama. Tulad ko, wala pa naman akong napapatay.
Ilang beses na rin akong tinubos sa barangay ng pamilya ko. Pag napapaaway kase kami minsan nahuhuli kami. Sawang sawa na nga sa pagmumukha namin ung mga tanod eh. Hindi naman kami pwede ikulong kase minor-de-edad pa.
May curfew dun sa lugar namin. Syempre hindi kami nagpapahuli.
***
“Hoy Renz! Ikaw.. wag ka ng lumabas mamaya. Matulog ka ng maaga, may pasok na bukas.” Si daddy.
Ay oo nga pala, tapos na ang Christmas Vacation.
“Balita ko napaaway na naman daw kayo kagabi?” Si mommy.
Tumingin ako sa kambal ko, nakatungo sya. Wlang ibang magsusumbong kung hindi sya. Amp!
“Ipapadala na talaga kita sa Spain pag hindi ka nagtino.”
Amp! Spain? Ayoko nga. Nga pala, sa Spain nakabase ung family ni dad. May lahi kaming Espanyol.
“Naiintindihan mo ba ang sinasabi namin Lawrence?”
Aw! Seryoso si mom pag binabanggit nya ang pangalan ko. Brian Lawrence kase ang real name ko. Mga tropa ko Bry ang tawag saken. Sila naman Renz. Pero pag nanenermon tulad nito.. Si Lawrence ako.
Sabi na nga ba, ang hapag kainan ay hapag sermon-nan din.
“Opo.” Sagot ko ng di nakatingin. Pero alam nila na di naman ako ganun kadaling patinuin.
**
Nagdaan ang maraming araw. Walang pagbabago sa routine ko. Ilang beses na rin akong pinagtangkaang ipatapon sa Espanya pero di naman nila kaya. Ayaw din naman nila akong mawala sa kanila eh.
Ung bote? Ayun nasa ‘kin parin. Ung Bwisit kong kapatid itinago un minsan. Nag-away kase kami.
Sa tuwing nag-iisa ako, hawak hawak ko ung boteng un. Pag nabubwisit ako sa takbo ng buhay ko, un ang karamay ko. Parang gustong gusto ko ng makita ung babaeng sumulat nun. Parang gusto ko na syang i-fix! Minsan narerealize ko na para akong tanga kase feeling ko naiinlove ako sa may-ari ng boteng un kahit di ko alam o hindi ko pa sya nakikita.
**
Ayun.. graduate na kami ng Highschool. 16 years old na ‘ko, 2 years nalang hindi na ko minor. Pwede na ‘kong makulong. Haha.
Gaya nung highschool, hindi rin kami pareho ng school na papasukan ng kambal ko.
Sa Baguio sya mag-aaral, Fine Arts ang kinuha nyang course. Ako naman Engineering. Matalino naman ako, tamad nga lang. Laging walang sulat ang notebook ko. Kung meron man, hindi ko sulat un. Sulat un ng mga babaeng nagkakandarapa para lang pansinin ko.
Hindi uso sakin ang back subject. Matalino nga ako di ba.
BINABASA MO ANG
Thug Love (COMPLETED)
RomanceSina Renz at Vinz, ang kambal na magkaibang magkaiba. Sa ugali, pananamit, pagsasalita, at maging sa pag-iisip. Si Renz ay isang taong lapitin ng gulo at maraming bisyo. Ibang-iba sa kanya ang kakambal nyang si Vinz. Malinis sa katawan, matalino, at...
