CHAPTER FIVE
Bakasyon na, sabi ni Hannah may family reunion daw sila kaya ‘eto ako sa kanila, tumutulong sa paghahanda. Pinagtatawanan nga ako ng tropa eh, sa halip daw na makipagbanatan ako eto ako nagbubuhat ng kung anu-ano. Kelangan ko na ring umuwi maya maya. Parating na kase kambal ko. Namiss ko ung gag*ng un!
May inaayos akong kung ano ng narinig ko si Hannah. May pinapakilala sya dun sa mga kamag-anak nya. Di ko sya tiningnan, busy ako. Sabi nga pala nya, darating daw si boyfriend nya. Awts! Nalungkot ako bigla sa balita nya, pero sya halatang excited nung sinabi nya un.
“Bezzzzz!” Ayan na sya palapit sakin, may kasama sya pero di ko tiningnan ung guy. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
“Bez, met Kyle Vincent! My boyfriend.”
Amp! Ano bang dapat kung gawin? Dapat di nya mahalata na nagseselos ako. Poota! Parang maiiyak ako. Ang sakit! Tapos hindi ko na sya pwedeng makasama araw-araw.
Bez, met Kyle Vincent! My boyfriend
Bez, met Kyle Vincent! My boyfriend
Wait.. Kyle Vincent daw? Diba un ang pangalan ng kambal kong si Vinz? Baka kapangalan lang, pano magkakagf un eh bading ang hay*p na un! Tsaka nasabi ni Hannah sakin minsan na 2 years na daw sila kaya imposible. Tumingin ako sa kanila.
“Hello bro! Long time no see”
Amp! Totoo ba ito? Si Vinz ba ang nakikita ko? Ang lalaking kaagaw ko sa puso ni Hannah, ang lalaking pinagseselosan ko ay walang iba kundi ang kapatid kong bading! Poota! Natatawa ako sa sarili ko!
“Oh.. Bez, gulat ka noh? Haha. Hindi ka ba masaya sa surprise ko? Ayan oh.. para kayong nananalamin.”
Magkamukhang magkamukha kase kami ni Vinz. Lalo na ngayon, medyo tan na rin ung kulay nya parang yung sakin.
“Ah.. Oo eh.. sorry. Haha” Tumawa nalang ako.
“Gulat ka noh? Akala mo bading talaga ako? Hindi noh! Mas lalaki pa nga yata ako sayo bro!” Sabi ni Vinz habang tumatawa.
Amp! Kahit kakambal ko sya di ko maiwasang magselos, ang sweet kase nila. Parang kami ni Hannah. Naisip ko tuloy, baka kaya lang si Hannah ganun kasweet sakin kase nakikita nya sakin ung kambal ko?
Umalis ako dun kase hindi ko na kaya. Close ako sa family nya pero feeling ko OP ako dun ngayon.
Pumunta ako sa barkada. Trip kong mangbanat ngayon! Amp!
Pagdating ko dun sa tambayan, may hinihithit silang kung ano, ung iba kumakain. Basta, alam ko na kung ano un.
Parang sasabog ang dibdib ko. Kung hindi ko lang kapatid si Vinz baka ginulpi ko na un, tulad ng mga lalaking aali-aligid sa mga chicks ko dati.
Kelangan ko magrelax. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa kambal ko at sa bestfriend ko.
Hiningi ko ung hawak ng tropa ko. Feeling ko lumulutang ako. Nakita ko nalang ang sarili kong nakikipagtawanan sa mga tropa ko habang kumakanta kami ng..
Lumilipad nanaman ang isip ko
Na para bang akoy nasa kalangitan
Sa tuwing si momay ay aking Matitikman
Ang simoy ng hangin sa akin
Ay lumalamig na
Shotgun shotgun ganja ganja
Budah budah
Shotgun shotgun ganja ganja
Budah budah
Shotgun shotgun ganja ganja
Budah budah
**
Matagal tagal ko na ring hindi nakikita si bestfriend, sabi ni Vinz nagbakasyon daw sa probinsya. Lagi din akong wala sa bahay kaya nung bumalik sya at pumunta sa bahay, hindi nya ako naabutan.
Bumalik ako sa dati. Araw-araw inom, yosi, gulo, babae, heaven.Nagpadagdag pa ako ng butas sa tenga at meron narin ako ngayon sa kilay. Isinuot ko na ulit ang maluluwang kung damit at sumabay sa mga kantang pang gangstah.

BINABASA MO ANG
Thug Love (COMPLETED)
RomanceSina Renz at Vinz, ang kambal na magkaibang magkaiba. Sa ugali, pananamit, pagsasalita, at maging sa pag-iisip. Si Renz ay isang taong lapitin ng gulo at maraming bisyo. Ibang-iba sa kanya ang kakambal nyang si Vinz. Malinis sa katawan, matalino, at...