CHAPTER FOUR
Nabago na rin sa wakas ang routine ko. Lagi ako excited pag Tuesday & Thursday kase un ang araw na kaklase ko sya. Naiinis na nga sakin ang barkada, pag kase wala akong klase, sa halip na tumambay kasama nila si Hannah kasama ko.. Take note: sa Library pa!
Hindi ko namamalayan, unti unti na pala akong nagbabago. Dahil sa babaeng un. Nakalimutan ko na rin ang mambabae. Pag may nagpapacute na chicks.. dedma lang. Pati si Ms. Bottle nakalimutan ko na rin.
Oo nga pala, matagal na panahon na nga plang hindi ko naaalala un. Almost 11 months pa nman bago mag December.
January 13, 2009. Nasa park kami. Malungkot daw sya eh, kaya dinala ko sya dito. Nung bata kase kami pag nagpupunta kami sa park kahit magkaaway kami ng kambal ko, nagiging magkabati kami.
“Hoy! Ang tahimik mo.”
Sabi ko habang tinitiigan sya. Tulala kase sya. Parang ang lalim ng iniisip.
“Renz, sinubukan mo na bang magmahal? Ung seryoso?”
Aww.. Napaisip ako dun ah.
Renz, sinubukan mo na bang magmahal? Ung seryoso?
Kelan ba ko nagseryoso? Renz? Yun kase ang sabi kong itawag nya sakin. Special sya eh, parang pamilya ko.
“Oo dati.”
“Kelan?”
“ahmm.. matagal na, ung 3rd gf ko. Seryoso un kaso—“
“Kaso ano?”
Tumingin sya sakin. Very expressive ang mga mata nya. Nakikita ko dun ang kalungkutan.
“Kaso hindi sya seryoso eh. Sya ang naging dahilan kung bakit naging ganito ako. Bestfriend ko kase sya dati tapos naging kami. Oo.. Hindi ko itatanggi may nangyari samin, nagkababy nga kami eh.. Kaso pinalaglag nya. Sya din ang dahilan kung bakit tinangka kung magpakamatay dati at kung bakit ako naging ganito.”
Ako naman ang malungkot ngayon. Magaan ang loob kong magkwento sa kanya. Bumuntong hininga sya bago nagsalita.
“Talaga nagpakamatay ka dati?” Tumango lang ako.
“Sorry, dapat pala di na lang ako nagtanong”
“Okay lang.. matagal naman na un eh.”
“Bestfriend, hay.. ganyan din ako dati..”
“huh? Ano? Di nga?”
“Hoy! Stop being greeny!!!.. Hindi ung iniisip mo ang ibig kong sabihin.”
“Oh eh ano?”
“May bestfriend din ako, magkababata kami pero di naging kami. Nung kaseng inamin namin na gusto namin ang isa’t-isa, un din ung time na nawala sya saken.”
“Ha? Panong nawala?”
“Nagsu-swimming kase kami tapos biglang may malaking wave na dumating, nasa malalalim na bahagi kami nung dagat. Ayun nalunod kami pareho. Swerte ko kase nakaligtas ako, pero sya hindi.”
Nalungkot na nman sya. Pero nagpatuloy parin magsalita.
“Tapos, nagbestfriend ulit ako kaso gurl naman. Pero ung first bf ko, pinagpalit ako sa bestfriend ko. Hindi ko matanggap un. Kaya hanggang ngayon, hindi ako masyadong lumalapit sa mga babae. Although nung highschool may bestfriend akong girl.”
“Huh? Ang gulo ng kwento mo. Sabi mo inagaw ng bestfriend mo ung bf mo tapos may bestfriend ka ulit? Ilang beses ka ba naghighschool? Siguro matanda ka na noh? Kunwari ka lang na 17?”
BINABASA MO ANG
Thug Love (COMPLETED)
Storie d'amoreSina Renz at Vinz, ang kambal na magkaibang magkaiba. Sa ugali, pananamit, pagsasalita, at maging sa pag-iisip. Si Renz ay isang taong lapitin ng gulo at maraming bisyo. Ibang-iba sa kanya ang kakambal nyang si Vinz. Malinis sa katawan, matalino, at...
