CHAPTER EIGHT
Nagtago ako sa bahay, walang nakakaalam ng nagyari. Walang ebidensya na magdidin sakin. Malinis ang pagpatay ko sa kanya.
Binalitaan pa ko ng mga tropa ko, patay na daw si Jojo. Wala silang kaalam-alam na ako pumatay.
Ayokong makulong. Ayokong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman nina mom. Hindi ko tinawagan si Hannah, ayokong mag-alala sya. Pumunta na daw sya sa ospital, hindi naman kami nagkita.
Ilang araw ng nasa ospital ang kambal ko pero wala paring pagbabago. Hinihintay na lang ung doktor na galing pang Spain.. Family doktor namin un, sya ung dahilan kung bakit nabuhay pa ang kambal ko sa kabila ng pagiging blue baby. Sabi nung mga doktor na nandun, maghanap na daw kami ng heart donor kase may posibilidad daw na palitan ung puso nya.
May nasagap akong balita, alam na daw kung sino ang may kakagawan ng pagpatay kay Jojo. Kinabahan ako, ayokong makulong.
“Mom..”
“Bakit anak?”
“Nakahanap na po ba kayo ng heart donor?” Biglang nalungkot si mom.. pati na rin si dad.
“Hindi pa rin eh, walang compatible sa kanya dun sa mga donor eh.”
“Dad, may kilala po akong compatible sa kanya”
“Talaga anak?” Biglang lumiwanag ung mukha nila.
“Opo”
“Sino? Papayag ba ang pamilya nya? Kilala ba namin sya?”
“Opo..”
“Sino sya anak? Gusto kong makilala ang pamilya nya.”
“AKO po.”
Nakita kung biglang lumungkot ang mukha nila. Umiyak si mom.
Nakwento ko sa kanila ung ginawa kong pagpatay kay Jojo. Awang awa ako sa kanila. Alam kong nahihirapan sila. Ayaw nilang pumayag sa gusto kong mangyari.
“Mom.. Dad.. Ayokong makulong, wala ng saysay ang buhay ko. Kahit anong gawin ko nakapatay parin ako ng tao. Please pumayag na kayo. Kung mawawala ang kambal ko, mas gugustuhin ko pang mauna. Hindi ko kaya mom. Isipin ko pa lang na kukunin sya satin parang mamamatay na rin ako.” Umiiyak na rin ako, pati si dad.
Napilit ko silang pumayag sa gusto ko. Alam kong labag sa kalooban nila pero wala silang magawa. Mawawala rin ako sa kanila kase makukulong ako. Mas ok kung mamatay na lang ako, para mabuhay ang kambal ko.
**
December 9, 2009. Hawak hawak ko ung bote na may lamang sulat. Ngayon ang araw na magkikita kami ng babaeng un. Paano kong pag nakita ko na sya, magbago ang desisyon ko? Pano ang kambal ko?
Nagpaalam ako kina mom.. For the last time, uuwi ako sa probinsya, hindi upang magbakasyon kundi upang magpaalam. At makipagkita sa babaeng matagal ng laman ng puso ko.
Si Hannah, ayoko syang kausapin. Ayokong magpaalam sa kanya. Baka magbago pa ang isip ko.
Alam kong darating din ung time na magkikita kami – sa kabilang buhay.
BINABASA MO ANG
Thug Love (COMPLETED)
RomanceSina Renz at Vinz, ang kambal na magkaibang magkaiba. Sa ugali, pananamit, pagsasalita, at maging sa pag-iisip. Si Renz ay isang taong lapitin ng gulo at maraming bisyo. Ibang-iba sa kanya ang kakambal nyang si Vinz. Malinis sa katawan, matalino, at...
