I Will Be Here For You

338 19 11
                                    

CHAPTER SIX

Pasukan na, hindi ko na kaklase si Hannah. Madalang na kaming magkita, ung sched kase nya kabaliktaran ng sched ko, pero every Saturday nagkikita kami. Pero di na tulad ng dati, di na ko masyadong sumasama sa kanya.

Niligawan ko din ung isa nyang klasmate at wala pang isang oras, sinagot na ako. Hindi ako seryoso sa babaeng un, ni hindi ko nga hinahalikan eh. Gusto ko lang malaman ang reaksyon ni Hannah. Pag kasama namin si Hannah, dun lang ako nagiging sweet sa babaeng un.

Hindi na kami madalas mag-chat. Hindi narin updated ung FS, Multiply at MySpace nya. Sabi nya hindi na daw nya un inoopen. Dina daw kase uso, FB at twitter na daw gamit nya.

Nag sign-up ako sa FB tapos sya lang friend ko. Sa twitter naman, pinalow ko sya. Di naman nya ko pinalow. Pati ung bago nyang blog, nagkocoment ako, di naman nya ko pinapansin. Nung nakausap ko sya sabi nya busy lang daw.

August 10. Nag-usap kami ni Hannah sa park.  Pero iba na ako ngayon , hindi ko na sya kinikiss, niyayakap o hinoholding hands.

“Bez, kamusta na kayo ni Jean?” Jean, ung pangalan ng gf ko na klasmate nya.

“Ayos lang, magkakababy na. Ninang ka ha?” Nag-iba ung facial expression nya. Lihim akong natuwa, mukang nagselos. Syempre hindi naman totoo ung sinabi ko, di ko nga kinikiss ung babaeng un eh. Wala lang, trip ko lang mag gf ng estatwa. Maiba naman.

**

Isang gabi, kasama ako ng mga tropa ko, may inaabangan kami. Reresbak daw ung mga ung kalaban nila eh.

I'm lucky I'm in love with my best friend

Lucky to have been where I have been

Lucky to be coming home again

Aww! May tumatawag.

“Bry, bading na bading ah, Lucky ang ringtone? Pwee..” Sabi ng tropa ko. Inasar nila ako.

Tsk! Di ko pa pla nababago ung ringtone ko. Amp! Naalala ko tuloy si Hannah.

Tiningnan ko ung screen, si Hannah nga tumatawag!

“Hello”

“Bez?”

Ngayon ko nalang ulit sya nakausap. Iba ung boses nya, gumagaralgal, parang umiiyak.

“Bakit bez? Me problema ba?”

Di ko maiwasang mag-alala. Mahal ko pa rin ang babaeng un.

“Bez.. huhuhu” Nagsimula na syang umiyak.

“Teka lang bez, nasan ka? Pupuntahan kita dyan?”

Sinabi nya kung nasan sya, sa mini park sa loob ng subdivision nila. Nagpaalam ako sa barkada, sinubukan nila akong pigilan kase nga may laban pa kami pero mas pinili kong puntahan si Hannah. Kelangan nya ko ngayon.

“Bez..”

Lumapit sya saken nung nakita nya ako, tapos niyakap nya ko at umiyak na naman sya. Amp! Ang baho ko pa naman, amoy alak ako.

“Bez, sandali.. ahmm sorry, amoy alak ako eh.”

Hindi sya bumitaw sa pagkakayakap sakin. Pinatahan ko sya, nung medyo okay na sinabi nya saken ung dahilan.

“Bez si Vinz kase..” Ung kambal ko? Amp! Ano kayang ginawa ng gagUng un?

“Niloko ako ng kambal mo.. huhu” Umiyak na nman sya, hinayaan ko lang sya magsalita.

“Tulad ng dati, inagaw na nman sya sakin ng bestfriend ko! Ung sinasabi kong bestfriend ko nung 4th year ako. Gusto pala sya ni Vinz, kelan ko lang nalaman na kaya pala nagpanggap na bading si Vinz eh para mapalapit dun, may bf na kase un dati, kaya di sya pwedeng lumapit kaya ayun nagpakabading. Ako naman ‘tong si tanga, Pinilit kong mapansin nya ako, nilunok ko ang pride ko, kahit sinasabihan nilang bading sya, hindi ako tumigil hanggat di ko napapatunayan. Ayun, nagtagumpay nga ako, naging kami at alam kong hindi sya bakla.. ang sakit bez! Sinaktan ako ng kambal mo!! Huhu. Sya ang soulmate ko pero bakit ganito kami ngayon?”

Amp! Parang gusto kong mangbanat! Kung hindi ko lang siguro kambal si Vinz, malamang makakapatay ako ng tao ngayon. Hindi alam ni Vinz kung ga’no kahalaga sakin ang babaeng pinaiiyak nya ngayon.

Thug Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon