Waiting in Vain

324 15 9
                                    

CHAPTER NINE

Hannah’s POV

Four years. It’s been four years mula ng huli kong makita ang lugar na ‘to. Pinapasok ako ng caretaker ng lugar na yun. Kilala pa pala nya ako. Syempre bestfriend ko ang anak ng may-ari nun. Pumunta ako sa lugar na lagi naming pinupuntahan ng bestfriend kong si Stephen. Pero wala na sya, kinuha sakin ng tubig. Sana ako nalang nalunod at hindi sya, alam kong ako dapat ang mamamatay kung hindi nya ako binalikan, buhay pa sana sya ngayon.

Bakit ba laging nawawala sakin ang bestfriend ko? Una si Stephen, sunod ung bestfriend kong inaagaw ang first bf ko. Sunod si trixie.. Inagaw nya sakin ang soulmate kong si Vinz. At si Renz.. Inagaw sya ni Jean sakin.

Tumanaw ako sa malayo. Kitang kita ko ung mga alon na humahampas, un ung mga alon na kumuha kay Stephen. Matagal ng wala si Stephen pero nandito parin ako ngayon.

Gabi na, liwanag nalang ng buwan ang ilaw sa lugar na ‘to. Dati sobrang liwanag sa lugar na ‘to. May hinihintay ako, pero hindi ko alam kung sino. Tatlong tao ang masasabi kong sobra kung minahal. Si Stephen, si  Vinz, at si Renz.

 Sino sa kanila ang hinihintay ko ngayon? Alam kung wala ni isa man sa kanila ang darating.

Si Stephen, matagal na syang wala. Iniwan nya ako, sobrang sakit nun pero kinaya kong harapin ang sakit na yun. Alam kong namatay syang masaya dahil nailigtas nya ako.

Si Vinz, comatose pa rin sya, may heart problem pala sya. Gusto kong magalit sa kanya sa ginawa nya sakin. Pero narealize ko na kasalanan ko rin naman eh. Hanggang ngayon, patuloy parin akong naniniwala na sya ang soulmate ko. Na sya ang ibinigay ni Stephen sakin para mahalin ako.

Si Renz, nasabi sakin ng mommy nya na may problema daw si Renz nung bumisita ako sa ospital. Nagulat ako, sabi kase ng mom nya sya daw ung pumatay dun sa nambugbog kay Vinz. Mahal na mahal daw ni Renz ang kambal nya.

Matagal ko ng alam na magkambal sila, sabi ni Vinz hindi daw sya matanggap ng kambal nya. Alam ko kong gano kamahal ni Vinz ang kambal nya. Sa tuwing mag-uusap kami laging si Renz ang topic. Minsan nga nagseselos na ako. Ako ung gf pero ibang tao pinag-uusapan namin. Ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para mapatunayang mahal sya ni Renz. At nagtagumpay ako!

Kaso masakit.. sobrang sakit, sabi kase ng mom nya, gusto daw ni Renz maging heart donor ni Vinz. Bakit ganun? Hindi lang si Jean ang umagaw sa kanya. Bakit kelangan pa nyang gawin un? Bakit sya pumatay ng tao? Bakit ngayon pa? Kung kelan ko narealize na mahal ko pala sya.

Masaya akong nagbago si Renz dahil sakin. Kahit hindi ko hiniling na magbago sya, nakita kong nagbago sya. Pero a THUG is always a THUG. Bumalik parin sya sa dati.

Nung una, akala ko kaya magaan ang loob ko sa kanya, kase kamukha niya si Vinz.. Nakikita ko sa kanya ang lalaking mahal ko.. Pero nung magkita ulit kami ni Vinz, bakit parang iba? Iba ung pagmamahal ko kay Vinz, iba rin kay Renz. Nung magbreak kami ni Vinz, hindi ako masyadong nasaktan. Nasaktan ako nung nalaman kong gf na ni Renz si Jean. At as lalo akong nasaktan nung sinabi nyang magkakaanak na daw sila, at ako pa ang ninang. Ang sakit.. sobrang sakit. Matagal na kaming break ni Vinz pero hindi ko sinasabi kay Renz, at nung gabing pinuntahan nya ko sa subdivision namin. Yun ung gabing hindi ko na kinaya ang sakit.

“Bez..”

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. Hindi ko na kaya. Iyak na ko ng iyak. Bakit hindi ko kayang sabihin na mahal ko sya?

 “Bez, sandali.. ahmm sorry, amoy alak ako eh.”

 “Bez si Vinz kase..”  Nagsinungaling ako. Hindi ko kayang aminin ung nararamdaman ko. Magkakaanak na sila ni Jean!

“Niloko ako ng kambal mo.. huhu” Pagsisimula ko.

“Tulad ng dati, inagaw na nman sya sakin ng bestfriend ko! Ung sinasabi kong bestfriend ko nung 4th year ako. Gusto pala sya ni Vinz, kelan ko lang nalaman na kaya pala nagpanggap na bading si Vinz eh para mapalapit dun, may bf na kase un dati, kaya di sya pwedeng lumapit kaya ayun nagpakabading. Ako naman ‘tong si tanga, Pinilit kong mapansin nya ako, nilunok ko ang pride ko, kahit sinasabihan nilang bading sya, hindi ako tumigil hanggat di ko napapatunayan. Ayun, nagtagumpay nga ako, naging kami at alam kong hindi sya bakla.. ang sakit bez! Sinaktan ako ng kambal mo!! Huhu. Sya ang soulmate ko pero bakit ganito kami ngayon?”

 Mahal na mahal ko si Renz pero kelangan ko syang pakawalan. Masaya sya sa feeling ni Jean. Kelangan kong maging masaya para sa kanya, para sa BESTFRIEND ko.

Naiinis ako sa sarili ko.. bakit sya pa ang minahal ko? Bakit nagmahal ako ng isang THUG na tulad nya?

At ngayon, sino ang hinihintay ko? Alam kong walang darating.. paano nman sila pupunta dito eh, ang layo layo nito?

Pero umaasa parin ako. Na isa man sa kanilang tatlo, darating para pawiin ang kalungkutan ko.

**

Buo na desisyon ko, kung walang darating, ako nalang ang aalis. Umiiyak ako habang tinutungo ang dagat. Ang dagat na kumuha kay Stephen.

“Stephen, hintayin mo ko. Sandali na lang magsasama na tayo. At hinding hindi na tayo maghihiwalay pa. Sasama na ko sayo, hihintayin ko si Renz dyan.. magsama sama tayo.”

Renz’ POV

Ang bilis ng byahe. Nandito na agad ako sa resort nila Uncle. Anong oras na ba? 9:00 na.. 22 minutes na lang. Pumasok ako sa loob. Nagulat si tito nung nakita nya ako. Death Anniversary pala ngayon ng pinsan ko. Nakipagkwentuhan ako sa kanya. Napasulyap ako sa wall clock, 9:20 na. Aww! 2 minutes na lang.

Nagpaalam ako kay tito at pumunta ako sa dalampasigan, hawak hwak ko ung bote. Wala naman ako makitang tao.

Naglakad ako papunta dun sa lugar kung saan ko napulot ung bote. May nakita akong tao.

Bumilis ang tibok ng puso ko, sya ba ung babaeng malungkot dati? Nakakulay BLUE din kase sya, ayokong kumurap, baka bigla na nman syang mawala.

Dugdug. Dugdug

Ano ba nangyayari saken? Ang heartbeat ko sobrang bilis. Kinuha ko ung cp ko sa bulsa, sakto 9:22! Binalik ko un. Lumunok muna ako bago nagsalita.

“I think, hindi pa ko late. Sakto lang diba, 9:22.”

Bumilis lalo ung tibok ng puso ko, papalapit na ko dun sa babaeng nakaBLUE. Nakaharap na sya sakin,pero hindi ko makita ung mukha nya.

Sa liwanag ng buwan kitang kita ko mga luha nya, umiiyak sya. Nilapitan ko sya, at sa wakas nakita ko na ang mukha nya. Napakaganda nya kahit may mga luha sa kanyang pisngi, pinahid ko un. Hindi pa rin nagbabago, mahal na mahal ko pa rin sya. Niyakap ko sya. Pareho na kami ngayong umiiyak.

Bakit ganito? Parang gusto ko ng bawiin ung sinabi ko kina mom. Ayoko ng mamatay, ayoko ng malayo pa sa babaeng ito.

Thug Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon