CHAPTER ELEVEN
Hannah’s POV
Isang taon na pala ang nakalipas, narito na naman ako sa resort. Nakikinig sa song namin ni bestfriend.
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
Parang panaginip lang ang lahat. Totoo nga bang si Renz ang soulmate ko? Bakit wala sya ngayon dito?
I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Ooh ooh ooh
“Hay.. I miss you so much Brian Lawrence.”
“Someday, someone will walk into your life and make you realize why it never worked out with anyone else.”
Hindi ko alam kung kanino galing ang quotation na yan. Kinopya ko lang at nilagay sa blog ko.Tama ang quotes na yan, I realize na kaya kinuha sakin ng dagat si Stephen at kaya inagaw ng dalawa kung bestfriend ang mga boyfriends ko, kase makikilala ko ang isang thug na tulad ni Lawrence.
Isang thug na nagpabago ng buhay ko at masaya ako ngayong alam ko na sobrang mahal nya ako. Ang bestfriend ko na palaging nariyan para sakin ay walang iba kundi ang lalaking laging laman ng aking panaginip. Panaginip na hindi ko akalaing magiging totoo.
“Nasan ka na ba Lawrence? Maghihintay ako, kahit gano pa katagal. Alam kong babalik ka.”
Renz’ POV
Isang taon na pala, ang bilis.. Isang taon na mula ng makilala ko ang soulmate ko. Isang taon na rin mula ng mawala ang kambal ko. Hindi donor ang problema, kase maraming pumila para maging donor ng isang Dela Paz. Hindi na lang talaga kinaya ng kambal ko, sabi ng doktor kahit na magpa transplant hindi narin pwede. 18 years old na kase kami ng time na yun at un ang critical age ng taong may sakit ng tulad nung kay kambal. Although he wokes up from coma. Hindi nagtagal at kinuha rin sya samin.
**
“Mom..dad.. I love you” Tuwang tuwa ako, sa wakas gising na ang kambal ko.
“Hannah, sorry ulit ha? Nga pala, alagaan mo ung kambal ko ha? Wag mong paiyakin, baka magpakamatay ulit! Haha joke” Umiiyak din si Hannah.
“Trixie..I’m sorry, diko natutupad ang pangako ko.” Hinalikan sya ng gf nya.
“Kambal, halika nga dito. Yakapin mo naman ako.. for the last time.” Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Umiiyak ako.
“Sabi ko na nga ba, mas bading ka pa sakin!” Sabay gulo sa buhok ko.
“Sorry kambal ha, at salamat rin.. kase may kakambal akong tulad mo.”
“Sorry ka dyan! Lul! Magpagaling ka na para mabugbog na kita!” Biro ko.
“Sorry kambal ha? Di ko na kase kaya eh.. Ikaw na bahala kina mom ha? Tsaka, dalawin mo si lolo sa Spain, miss na miss ka na nung mga un.”
“Kambal, ano ka ba, sabay tayo pupunta dun!” Umiiyak ulit ako.
“Sige na kambal, hindi ko na kaya.. a.y. .l.a.b.y.o.u k.a.m.b.a.l...” Un ang huli nyang sinabi.
“kambal, kaya mo yan, mahal kita! Alam mo yan! I love you kambal, wag mo kaming iwan please.” Umiling lang sya. Tapos dahan dahang pumikit.
Wala na sya, iniwan na ako ng kambal ko. Ang kambal ko na buong akala ko ay kamumuhian ko dahil sa kanyang kasarian un pala ay mas lalo ko pang mamahalin, ang kambal ko na minsan kong kinainggitan dahil sya ang mahal ng babaeng mahal ko, at ang kambal ko na alam kong nandito palage sa tabi ko. Hindi ko man sya nakikita, alam kong hinding hindi ako iiwan ng kambal ko.
**
“Brian Dela Paz, laya kana!!”
BINABASA MO ANG
Thug Love (COMPLETED)
RomantizmSina Renz at Vinz, ang kambal na magkaibang magkaiba. Sa ugali, pananamit, pagsasalita, at maging sa pag-iisip. Si Renz ay isang taong lapitin ng gulo at maraming bisyo. Ibang-iba sa kanya ang kakambal nyang si Vinz. Malinis sa katawan, matalino, at...
