Si Ms. Sungit

426 24 18
                                        

** CHAPTER THREE

Nasa second year na ako sa kursong BS Civil Engineering. Pag minamalas nga naman, ung prof naming isa bading. Poota!  Lahat daw ng nagiging estudyante nun na lalaking may itsura, tulad ‘ko, nagdadaan daw muna sa kanya. Ung.. Alam mo na. Ayoko ng ganun!

Cassanova King ako at never akong pumatol sa bakla. Hindi naman sa galit o nandidiri ako sa kanila. May mga kaibigan din naman kaming bakla pero malaki ang respeto ko sa kanila. Siguro kase kambal ko bakla.

Potang kambal ko un hindi na umuuwi dito. Miss na miss ko na ung gag*ng un! Pinupuntahan nalang sya nila mommy dun pag weekends. Pasko at bakasyon ko lang sya nakita eh. Masyado daw busy.

Miss ko na ung asaran at away namin. Mahal ko rin naman un eh.. naiinis lang ako kase ayokong hinahamak sya ng ibang tao. Muntik ko na nga mapatay ung tropa nila Jojo eh.. May sinabi kase syang masama tungkol sa kambal ko, kahit ganun un syempre kambal ko pa rin un!

Dahil ayokong maging prof ang bading, nagdrop ako ng isang subject. First time kong gawin un. Alam ko sasama ang transcript ko dahil dun pero okay lang. Pag graduate ko alam ko namang sa kompanya namin ako magtatrabaho.

**

Second sem. Kailangan ko ng itake ung subject na dri-nop ko last sem.

Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Kilala kase nila ako, pero sila diko kilala.

Sa I.T ko nalang kinuha ung subject na ganun. Babae ung prof tapos masungit pero okay lang, at least hindi bading.

Binigay ko ung classcard ko sa prof namin. Naghanap ako ng upuan pero mukang ukupado na ang lahat. Ayos! Mga chicks pala ‘tong mga bago kong kaklase.Nakakita ako ng upuan. Pero—

“Hey you! That’s my chair!” Maganda sana kaso parang prof namin, mukhang masungit!

“Sorry, akala ko kase walang nakaupo.”

“Mr. Dela Paz, Ms. Villafuerte, anong ingay yan? Dumating lang kayo umingay na ang klase.”

Aww.. nagalit si Ms. Tapia, ah.. este ung prof pala namin. Natahimik kami. Nagpapasok ng upuan ung prof namin. Sakto lang pala sa kanila ung upuan, ang arte ng prof namin, ayaw ng may bakante kaya pinalabas ung ibang upuan. Sinadya kung tumabi dun sa babaeng masungit.

“Okay, igu-group ko kayo for reporting.”

Amp! First day pa lang reporting agad nasa isip! Terror nga daw pala tong prof na to. By-twos daw ung grouping. Iasng babae, isang lalaki. Jackpot! Sana maganda ung mapartner sakin.

Amp! Tagal tawagin ng pangalan ko ah.

“Brian Lawrence Dela Paz” Tinaas ko ung kamay ko. Sa wakas natawag din ako.

“Mr. Dela Paz, partner mo si Ms. Villafuerte.” Ha? Sino un?

“Hannah.. Ikaw na bahala sa kanya.” Un lang at tumalikod na ung prof namin. May sinabi syang topic pero nakalimutan ko. Bahala na. May partner naman ako.

Nagkanya-kanyang usap na sila. Amp! Ung partner ko diko kilala. Ang awkward naman kong iisa-isahin ko silang tanungin kong sino sa kanila ung Hannah.

May biglang nagsalita sa likod ko.

“Hoy! Basahin mo ‘to! Next meeting tayo na daw magrereport. Gawan mo na rin ng presentation ha! Gandahan mo, kundi uupakan kita!”

Ano daw? Ang dami nyang sinabi.

Gandahan mo, kundi uupakan kita!

Hindi ba nya ko kilala? Ako pa upakan nya ha! Kaya pala si Ms. Sungit pala partner ko. Iniwan nya na ko sa classroom. Amp! Ang dami nito ah. 10 pages. Sino ba sya para utusan ako? Hinabol ko sya.

Thug Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon