CHAPTER SEVEN
November 27. Hawak hawak ko ang boteng may lamang sulat. Padating na ang kambal ko ngayon, long weekend kase, wala din kaming pasok bukas.
Break na kami ni Jean, last month pa. Nagalit kase sya kase parang di daw gf ang turing ko sa kanya. Hindi un alam ni Hannah,di ko pa naku-kwento sa kanya, busy kase sya. Secretary sya ng isang org sa campus. Wala na syang love life ngayon.
9 days na lang makikita ko na si Ms. Bottle. Ano kayang itsura nya? Maganda kaya sya? Okay lang kahit di sya maganda. Sawa na ko sa magaganda eh. Eto na naman ako, para akong tanga! Alam ko kaseng may nararamdaman ako para sa babaeng nagmamay-ari ng bote. Teka? Babae nga ba? Pano kong bading o lalaki pala sya? Hindi naman siguro kase hindi naman yata ako makakaramdam ng ganito kong hindi sya babae.
Si Hannah? Masakit man, pero kelangan kong tanggapin na hanggang bestfriend lang kami. Patuloy pa kase syang naniniwala na ung kambal ko ang soulmate nya. Marami nagtatangkang manligaw sa kanya pero basted agad! Alam kong hindi ako papasa sa standards nya at saka, ung kambal ko ang mahal nya at hindi ako. Ayokong isipin na mamahalin nya ko dahil kamukha ko si Vinz.
**
Dumating na ang kambal ko, pero umalis din ewan kung san pupunta. Ako eto, nasa kwarto nag-eemote habang nakikinig sa mga rap songs. Wala ung iba kung tropa, may liga daw sa school nila. Magkakaiba kami ng eskwelahan eh.
Nagising ako sa lakas ng ingay mula sa living room. Umiiyak si mommy. Nakatulog pala ako yakap yakap ung bote. Lumabas ako, nakita ko si mom, umiiyak habang yakap sya ni dad.
“Mom? Bakit po?” Lumapit sila sakin at niyakap ako.
“Anak, ang kambal mo.. huhu” Iyak ulit si mom.
“Bakit po? Ano pong nangyari sa kanya?”
“Nasa ospital sya, comatose.” Si dad.
“Po? Pano nangyari un?”
Naiiyak na rin ako. Pero pinipigalan ko. Hindi nila ko sinagot.
Pumunta kami sa ospital, nakita kong maraming aparatong nakakabit sa kanya tapos puro sugat ang mukha nya. Amp! Nakikita ko sa kanya ung mga binubugbog namin. May nakita akong babae dun sa kwarto ni Vinz, Trixie daw ang name nun, gf ng kambal ko. Amp! Sya ung bestfriend ni Hannah..
Gusto kong magalit sa kanila pero di ko magawa. Mahal na mahal ko ang kambal ko at nahihirapan akong makita syang ganito. Parang pati ako mamamatay din. Alam ko kaseng may sakit sya, blue baby sya dati nung ipanganak kami. Kaya nung lumaki, mas paborito sya kesa sakin. Okay lang, atleast buhay ang kambal ko. Ang hindi ko matanggap ay kung bakit nangyari pa to sa kanya. Parang may gumulpi sa kanya. Umiiyak ako habang hawak ko ang kamay nya. Yakap naman ako nina mom at dad.
Nung kumalma ako, lumabas ako ng ospital at nagyosi. May lumapit saking dalawang lalaki. Kilala ko sila, mga kaibigan sila ng kambal ko. Nagpunta na sila minsan sa bahay.
“Tol, kamusta na si Vinz?”
Napabuntung hininga muna ako bago nagsalita.
“Ayun tol, hindi mabuti.”
Ung mga sugat nya okay lang daw sabi ng doktor pero ung puso nya ang problema, kaya pala sya umuwi kase ilang linggo na syang di nakakapasok.
“Tol, kilala mo ba ung Jojo?” Jojo? Ung kaya ung kalaban namin?
“Bakit tol?”
“Kami ang nagdala dito kay Vinz, okay pa sya kanina.. Puro sugat lang nakakausap pa. Sabi nya napagtripan daw sya nung grupo nung Jojo. Sabi pa nya--”
“Ano pa sabi nya?”
“Tol, wag na, baka ayaw mong marinig.”
“Okay lang tol, go ahead.. gusto kong malaman.”
(Sigh)“Sabi nya, kaya daw sya ang ginulpi nung Jojo kase hindi ka daw nila kaya. Sabi pa nya proud daw sya kase alam nyang malakas ung kambal nya kahit mahina sya.”
“Tang’na!!!” Tinapon ko ung yosi at nagpaalam sa kanila.
“Sabi pa nya tol, mahal na mahal daw nya ung kambal nya, kahit daw lagi kayong magkaaway naiintindihan ka daw nya kase alam daw nyang mahal mo rin sya. Yun ung huli nyang sinabi bago sya atakihin nung sakit nya.”
Ampoota! Humanda sakin ang Jojo na un!!! Nagpaalam ulit ako sa kanila.
Habang naglalakad ako papunta sa kung saan, nararamdaman ko na tumutulo ung luha ko. Napaluhod ako sa daan. Madilim dun, buwan lang ung nagsisilbing liwanag. Sumigaw ako ng sumigaw habang umiiyak.
Si Jojo, sya ang may kasalanan! Kung hindi dahil sa kanya hindi aatakihin sa puso ang kambal ko! Wala sana sya sa ospital ngayon! At hindi sana sya nahihirapan ng ganun!
Naglakad ulit ako, patuloy parin sa pagdaloy ang mga luha ko. Nakarating ako sa isang lugar, walang tao dun pero alam ko may darating.
Naghintay pa ko ng kalahating oras, nakita ko may parating – si Jojo. Mag-isa nalang sya, umuwi na mga tropa nya. Kinuha ko ung armas ko. Maliit lamang un pero makakapatay din ng tao, tinago ko un ulit. Sayang at hindi pa ung baril ang nadala ko. Sinalubong ko sya, nagulat pa sya akala yata ako Vinz.
“Hay*p kang gag* ka!!!! Dapat ako nalang ginupi mo at hindi ang kambal ko!”
Pinagsusuntok ko sya, tinamaan sya sa mukha, sa dibdib, sa tyan.. Hindi ko sya binigyan ng pagkakataong gumanti, at hindi rin sya makapagsalita.
“Tang*na mo Jojo! Alam mo ba ang ginawa mo? Mamamatay na ang kambal ko dahil sayo alam mo ba un? “
Umiiyak na nman ako pero di parin ako tumitigil sa pagsuntok at pagtadyak sa kanya.
Mahina na sya. Inilabas ko lahat ng galit ko sa kanya. Kinuha ko ung armas kong lagi kong dala, ung matagal ko ng gustong gamitin pero hindi ko kaya. Ngayon, kayang kaya ko na.
Hindi ko maintindihan kong bakit parang may kung anong sumanib sakin. Pinagsasaksak ko sya. Hindi ko alam kung ilan un. Natauhan lang ako nung mapansin kong hindi na sya lumalaban. Napatay ko sya? Napatay ko sya!
Nagtatakbo ako sa kung saan. Nakapatay ako ng tao! Isa na kung kriminal! Isang tunay na THUG!
![](https://img.wattpad.com/cover/3294467-288-k709235.jpg)
BINABASA MO ANG
Thug Love (COMPLETED)
RomanceSina Renz at Vinz, ang kambal na magkaibang magkaiba. Sa ugali, pananamit, pagsasalita, at maging sa pag-iisip. Si Renz ay isang taong lapitin ng gulo at maraming bisyo. Ibang-iba sa kanya ang kakambal nyang si Vinz. Malinis sa katawan, matalino, at...