THUG's Happy Ending

496 26 40
                                        

CHAPTER THIRTEEN

Kinasal kami ni Hannah. Pero tulad ng napag-usapan namin, hindi muna kami nagkababy.. Kelangan muna ni Hannah grumaduate. Palagi naming dinadalaw si kambal. Alam kong masaya sya para samin.

Graduate na si Hannah at kasalukuyang nagtatrabaho sa kompanya namin. May sarili na kaming kompanya na pamana sakin ng lolo ko. Ako naman ay 5th year na.. 3 months nalang gagraduate na ko.

**

 December 6, 2012, nagdadrive ako pauwi, kasama si Hannah. Saglit kong itinabi ung sasakyan. Hinawakan ko ung kamay nya at hinalikan ko un. Tapos hinawakan ko ung tyan nya.

“Bez.. gumagalaw sya, naramdaman yata nya ang daddy nya.” Ngumiti sya, hinawakan din nya ung tyan nya.

“Baby.. bilisan mong magpalaki dyan ha? Excited na daddy mo.”

“Wag ka maniwala dyan sa mommy mo, if I know, gusto na nya ulit makakita ng kamukha ng daddy mo.”

Nagtawanan kami. 6 weeks pregnant palang si Hannah pero kung kausapin namin ung baby parang malapit ng lumabas.

“I love you Bestfriend” Sabay naming sinabi at hinalikan ko sya.

Nagpatuloy ako sa pagmamaneho ng biglang tumirik ung sasakyan. Nasa liblib na lugar kami.

“Bez, wag kang bababa, ako nalang.. Gulong lang naman ung nasira.” Bilin ko sa kanya bago ako lumabas ng sasakyan. Hinalikan ko muna sya.

“Bryan!” Lumingon ako. No! Wag ngayon. Nagbagong buhay na ‘ko.

“Ano? Tingnan natin ngayon kong may laban ka pa!” Mga kagrupo ni Jojo un. Bago pa ko nakasagot, nasuntok na ko nung isa. Lumaban ako. Nakita kong lumabas ng kotse si Hannah.

“Bez wag kang bumaba. Lock mo ung pinto bilis!” Sinunod naman nya ung utos ko. Nakita kong may nagpipilit magbukas ng pinto ng kotse.

“Hoy! Gago! Tang*na mo! Wag yan! Ako nalang bugbugin nyo!”

Umalis nga sya dun at ako ang pinuntahan. Napabagsak ko din sya. Halos napabagsak ko na silang lahat. Ang dami nila pero nakaya ko, para kay Hannah gagawin ko ang lahat.

Baaaaaaannnnnnng!!!!!!!!

Naramdaman kong tumutulo ung dulo ko. Napalingon ako at nakita ko ung isang myembro nila may hawak na baril.

“Ampoootah! Mga traydor! Hindi kayo marunong lumaban ng patas.” Sigaw ko habang bumabagsak ako sa lupa. Nakita kong babarilin ulit ako. Mukhang  hindi ako bubuhayin ng mga ito.

Tinakpan ko ng kamay ko ung puso ko. Wlang pwedeng manakit dun kundi si Hannah lang. Ang puso kong minsan ko ng inalay para sa kapatid ko. “Paalam mom & dad.. Paaalam Hannah at baby.. Alam ko magkikita pa tayo, dun sa lugar na wala ng makapaghihiwalay satin.”  Yun lang at pumikit na ko.

Baaaanggggggg!!!!

Pumutok  pero wala akong naramdamang tama sa katawan ko. Narinig ko silang nagsalita.

“Pare.. babae, napatay mo yata.”

“Tara na pare! Bilis!

Dumilat ako, nakita ko si Hannah, nakabulagta.

“Bez.. bakit ka lumabas?”

Hirap na hirap ako sa paggapang palapit sa kanya.

“Alam mo naman di ba? Wag mo ng itanong.”

Naghihingalo na nga kami pareho nakukuha pang magsungit. Amp! Buntis nga pala sya, naglilihi.. Hindi pwede ‘to. Kinuha ko ung ulo nya at ipinatong sa kandungan ko.

“Sabi ko naman sayo wag kang lalabas, pati tuloy kayo ni baby nadamay.”

“Pagod na kase akong magmakaawa para lang wag kang umalis. Di ba sabi ko, sisiguraduhin kong di mangyayari un? Alam kong hindi ka na mabubuhay kaya ‘eto.. Naisip ko na kong di ko kayang pigilan, sasama nalang ako sayo.”

Watch-out Miss! Baka isang araw, magmakaawa ka sakin para wag kitang iwan!

At sisiguraduhin ko sayong di darating ang araw na yun!

Umiyak kami pareho.. Hinang hina na ako, Magkahalo na ang dugo at luha namin. Hinawakan ni Hannah ang kamay ko at dinala un sa tyan nya.

“Baby, hinding hindi na tayo iiwan ni daddy, sasama na tayo sa kanya ha. Dun sa lugar na malayong malayo. Hinding hindi na tayo sasaktan ng kahit na sino. Hindi na nila ilalayo satin si daddy.”

Napahiga na rin ako sa tabi ni Hannah.. Mahina na kami pareho.. pinilit namin magsalita..

“I.. l..o..v..e y..o..u.. best...frie..nd.. 1..2..3...forever!”

Sabay naming sinabi, tapos nilapit ko ung mukha ko sa mukha nya. Hinalikan ko sya, for the last time. Kahit hirap na kami okay lang. Sabay kaming pumikit.. Alam kong hindi na kami magkakahiwalay pa. Ako.. Si Hannah at ang baby namin..

Wala ng hahadlang, wala ng mananakit.. Mabubuhay kami ng masaya.. forever..

Nigga we doin this shit from Cleveland to LA

nigga whatever you niggas want we bringing it

Thug Luv nigga what time is it yo

I don't give a fuck where you lay at nigga

it's time to slay these bitch made niggas

Narinig kong tumutunog ang phone ko.. Hindi ko kayang hanapin kong nasan un..

At hindi ko na hahanapin pa.. Sa ngayon, masaya ako.. kase kasama ko na si Hannah..

Unti unti ng naghiwalay ang mga labi namin at naramdaman ko nalang na magkahawak kami ni Hannah ng kamay..

Tumingin ako sa wrist watch ko, nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha.. pero nakita ko parin ang oras. 9:22 na!

Mula sa kinahihigaan namin ni Hannah, tanaw ko ang buwan. Hindi na un kasing liwanag ng dati..

Hindi na sya buo. Kalahati nalang.

Naisip ko, oo nga pala, last quarter ngaun.. 

Pumikit ako at ganun din si Hannah.

Alam ko, hinding hindi na kami maghihiwalay pa..

Pac Pac run wit us run wit us run wit us

Pac Pac run wit us Pac and r.i.p with Thug Luv

I love you so much my bestfriend..

Sincerely yours,

Mr. Thug

************************ T H E     E N D ************************ 

                                       Copyright © 2012

                                    All Rights Reserved

                  Date Published: December 06, 2012 21:22

[Hindi ko po alam kung pano magpapasalamat seniu, sa pagbabasa nyo ng story ko..

Hindi po ako magsasawang magpasalamat seniu.. Kahit konti lang ang readers nito, ok lang saken basta mga reader na kagaya nyo ang magbabasa ng story ko..

Maraming salamat po sa inyong mga comments, votes, at suggestions.. Sana po patuloy nyong suportahan ang mga storyang ginawa, ginagawa, at gagawin ko.

Salamat sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa lang nito.

Pinublished ko po ito noong December 06, 2012.. 9:22 PM

Yan din ang araw at oras na kung kelan nagtapos ang kwento nina Hannah at Renz. Sana po nagustuhan nyo ang kanilang kwento.]

- dinney

Thug Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon