“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”
CHAPTER 1:
—ANDREA POV—
Kasalukuyan ako naka-upo sa isang upuan dito sa paradahan ng Jeep. Kagagaling ko lang sa pag a-apply ng trabaho, pero dahil High School Graduate lang ako ay sobrang mahirap para sakin na makahanap ng maayos na trabaho na may maayos din na sweldo.
Labandera lang ang mama ko habang ang tatay ko naman ay pa sideline sideline lang sa constraction. Bayarin sa bahay, tubig, kuryente ang sabay sabay na kailangan namin bayaran buwan buwan. Idagdag pa ang pang araw araw na gastusin sa bahay at ang maintenance na gamot ng Lola ko na may sakit na Diabetes.
Gasino lang ba ang kinikita ni Mama at Papa sa paglalabada at sa pagco-contraction. Hindi sasapat, kaya kailangan ko narin talaga makahanap ng trabaho.
—TRISTAN POV—
“Anak, kailangan mo na makagawa ng paraan na magkaroon kana ng legitimate son. Hindi pwedeng pa-chill chill ka lang, dahil ano man oras ay ipapamana ng Papa ang kompanya at ibang property sa apo niya na mayroong anak na lalake. Hindi ka pwede maunahan ng mga pinsan mo, kailangan sayo mapunta ang kompanya. Ikaw dapat maging Presidente ng Risestar Group of Company.” pahayag ni Mommy sakin matapos ang meeting na pinamunuan ng aking Lolo.
“Mommy, paano naman mangyayaring magkakaroon ng instant anak na lalake 'tong si Tristan eh wala nga 'tong pinapakilalang babae satin. Minsan nga ay iniisip ko kung bakla ba 'tong nakababata kong kapatid eh.” pang aasar na sabat ng ate kong si Candice.
Kaagad ko naman siya tinignan ng masama.
“Wala lang talaga ako panahon na pumasok sa isang serious relationship. Alam mo naman na since college ay puro pag aaral na ang inaatupag ko para sa pagdating ng tamang pagkakataon ay sakin ipamana ni Lolo ang kompanyang ito.” seryosong pagkakasabi ko.
“Eh paano nga mapupunta 'to sayo kung hindi ka pa nagkakaanak na lalake, na siyang susunod na mamamahala nitong kompanya.” paliwanag ni Ate Candice.
Bahagya naman ako natahimik.
“Tristan, gawan mo 'to ng paraan. You need to do something. Ayaw kong sa mga pinsan mo mapunta ang kompanyang matagal na inalagaan ng Papa.” seryosong pagkakasabi ni Mommy.
“May naisip ako. What if mag hire ka ng baby maker?” nakangising suggest ni Ate Candice.
“Ate!” saway ko dahil tila hindi ko nagugustuhan ang suggestion niya.
“Ito naman makareact wagas. Hindi naman porket magha-hire ka ng baby maker ay may mangyayari na talaga sainyo. It's depends parin naman sayo at sa pag uusap niyo, kung papayag ba siya na mag make love kayo or through other procedures nalang. Duh, technologies Tristan. Pwede naman na injectionan nalang siya ng sperm cell mo then mabubuo na sa sinapupunan ng kung sino man babae ang mahahanap mo ang magiging baby.” saad ni Ate Candice.
“Candice naman, ano ba naman yang itinuturo mo sa kapatid mo? Hindi ka nakakatulong. Mas lalo mo lang pinagulo ang sitwasyon. Dahil una sa lahat, paano kung hindi lalake ang mabuo sa sinapupunan ng babae mahahanap ng kapatid mo?” sabat ni Mommy.
“Mommy, wala ng choice si Tristan kundi yun nalang. Pero siyempre, dapat magandang babae ang kukunin niya na magiging nanay ng anak niya. Para naman kahit lalake ang kailangan na maging pamangkin ko kay Tristan ay mamana niya 'to sa magiging ina ng bata. And the most important, ay dapat disenteng babae ang kukunin mo. Hindi yung kung sino sino nalang.” paliwanag ni Ate Candice.
Bahagya ako napaisip sa sinabing yun ni Candice, wala naman sigurong masama kung susubukan ko eh. Alang alang sa kompanya.
[The next day]
—ANDREA POV—
Tila lutang ako nag aabang ng jeep na masasakyan pauwe. Naglalakbay kasi ang isip ko kung saan kami kukuha ng pera na ipangbabayad sa renta sa bahay, bayad sa tubig, ilaw at iba pang gastusin.
Wala parin ako mahanap na trabaho. May nadaanan nga akong isang night club kanina, inaalok ako na mag work doon dahil siguradong magiging mabenta ako sa mga costumer dahil maganda, maputi, sexy at makinis ang balat ko. Pero ayoko ko, kahit naghihirap kami ay hindi ko pinangarap na magtrabaho sa isang night club o ibenta ang sarili ko sa kung sino sinong lalake kapalit ng salaping ibabayad sakin. Ang nais ko ay isang disenteng trabaho.
Ilang saglit pa ay isang kotse ang tumigil sa harapan ko kaya agad napaatras.
Bumaba ang driver ng kotse saka binuksan ang pintuan sa backseat at isang matangkad na lalake ang bumaba, may matikas na pangagatawan, maputi at gwapo medyo hawig kay Ji Chang Wook.
Nagtama ang paningin namin pero agad ko rin binaling sa iba ang tingin ko.
“Iwanan mo muna ako dito.” utos niya sa driver niya at kaagad nga umalis ang driver niya sakay ng isang kotse.
Maya maya pa ay nag ring ang cellphone ko. Nakita ko na si Papa ang tumatawag kaya agad ko 'tong sinagot.
“Hi Pa.” agad na saad ko.
“Oh Andrea, pauwe kana ba? Kamusta ang lakad mo?” magkasunod na tanong sakin ni Papa.
Kaagad naman ako napabuntong hininga.
—TRISTAN POV—
“Ok lang ako pa. Opo, pauwe na po ako. Nag aabang na po ako ng Jeep na masasakyan. Yun nga lang pa, hindi na naman po ako natanggap sa trabaho. Dahil nga sa hindi ako college graduate.” rinig kong saad ng isang babae kaya agad ako napatingin sakanya.
“Opo pa, mag iingat po ako pauwe. Bye po.” saad niya muli saka binaba ang cellphone niya ngunit nakatingin parin ako sakanya.
“Bakit ka nakatingin sakin?” seryosong tanong niya ng mapansin niyang kanina pa ako tumitingin sakanya.
Eh sino ba naman hindi mapapatingin sa isang babaeng mukhang anghel na bumaba mula sa langit.
Habang nakatingin ako sakanya ay bigla ko naalala ang sinabi ni Ate Candice sakin.
—ANDREA POV—
“Pasensya kana kung nakinig ako sa sinabi mo sa Papa mo. Pero, naghahanap ka pala ng work?” malumanay na pagkakasabi ng lalake na nasa harapan ko.
“Oo, bakit?” seryosong tanong ko.
“Kung ok lang sayo, may i o-offer sana akong work sayo.” nakangiting pagkakasabi niya.
Agad ko naman siya tinignan mula ulo hanggang paa. Mukhang mayaman naman at disente rin manamit, hindi naman siguro scammer 'to.
“Anong work ba yan?” tanong ko.
Napakamot pa siya sa ulo niya at parang hindi niya kayang bigkasakin ang isang salita. Kinakabahan ba siya?
“Ah ano...pwede...pwede ka bang maging baby maker?” nakangising tanong niya.
Tila nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.
“Eh bastos ka pala eh.” saad ko at agad ko siya hinampas ng bag kong hawak.
Agad naman niyang sinalag ang kamay niya.
“Sandali, let me explaine first.” saad niya kaya agad din akong tumigil sa paghampas sa kanya.
“First of all, hindi ako bastos. Ok? Hindi ako nananamantala, at pangalawa. Babayaran kita, name your prize. 1 Million? 10 Million? Ang kailangan ko lang ay magkaroon ako ng anak na lalake. Yun lang.” paliwanag niya.
“Anong tingin mo sakin? Kaladkaring babae? Na papayag magpabuntis sa kahit na sino nalang kapalit ng 10 Million mo? Hoy, nagkakamali ka yata ng babaeng kinausap. Doon sa mga night club ka maghanap.” mataray na pagkakasabi ko saka ako agad na umalis, sakto naman ang pagdaan ng jeep na papunta samin kaya agad ko 'tong pinara at sumakay.
To be continue..
BINABASA MO ANG
LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN
Romance"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.