CHAPTER 2

179 10 1
                                    

“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”

CHAPTER 2:

—TRISTAN POV—

Sa pagmamadaling makaalis ng babae ay naiwan niya ang wallet niya. Nahulog siguro gawa ng paghampas hampas niya sakin ng Bag niya kanina.

Agad ko nga yun pinulot saka tinignan ang laman ng wallet. Fifty pesos lang ang laman ng wallet at isang Police Clearance ID.

“Andrea De Guzman, pala ang pangalan mo ha.” nakangising pagkakasabi ko.

Nakita ko rin kung saan ang complete address siya, kaya agad ko tinawagan ang driver ko upang sunduin na ako dito at magtungo sa bahay ng Andrea na yun.

Habang nasa biyahe ay bigla nag ring ang phone ko. Si Ate Candice, tumatawag.

“Oh, ano?” agad na bungad ko ng sagutin ang tawag niya.

“Anong oh ano? Asan ka ngayon? Hinahanap ka ni Lolo.” saad ni Ate Candice.

“Busy ako, mamaya kana lang ulit tumwawag.” seryosong pagkakasabi ko.

“Anong busy? Nasaan ka ba talag----”

Bago pa man matapos ang sasabihin ni Ate Candice ay binabaan ko na siya ng phone.

—ANDREA POV—

“Anak, kanina pa aligaga d'yan sa bag mo. Ano ba hinahanap mo?” tanong ni Mama sakin habang nagtitiklop siya ng mga natuyo ng damit.

“Yung wallet ko kasi, nawawala eh.” saad ko.

“Nawawala? Eh paano ka nakauwe kong nawawala pala yung wallet mo? Teka, magkano ba laman ng wallet mo?” magkakasunod na tanong ni Mama sakin.

“Nasa bulsa ng pantalon ko yung pinangbayad ko sa pamasahe sa jeep kanina. Pero yung wallet ko ang hindi ko alam kung nasaan, may fifty pesos pang laman yun. Gagamitin kong pamasahe bukas kapag nag apply ulit ako ng trabaho.“ paliwanag ko habang patuloy na hinahalungkat ang bag ko.

Hanggang sa may maalala ako. Yung nangyari kanina, hindi kaya dahil sa panghahampas ko ng bag ko doon sa lalake ay nahulog yung wallet ko?

“Andrea anak, may naghahanap sayo.” sigaw ni Papa na nagkakape sa loob ng bakuran ng munting tahanan namin.

Agad ko naman nilagay sa tabi ang bag ko at saka lumabas ng kwarto ko.

“Sino yung naghahana-------”

Hindi ko na natapos pang sabihin ang itatanong ko sana kay papa ng makita ko ang isang lalake na nakatayo sa labas ng gate. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung lalake kanina na hinampas ko ng bag ko. Pero anong ginagawa niya dito? Hindi kaya, siya yung nakakuha ng wallet ko kaya nalaman niya kung saan ako nakatira? Kapag minamalas ka nga naman.

Agad nga ako nagtungo sa gate saka siya hinarap.

“Anong ginagawa mo dito? Saka, paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Nasayo ba yung wallet ko? Ikaw ba ang nakakuha sa wallet ko?” magkakasunod na seryosong tanong ko sakanya.

“Pwede isa isa lang yung tanong? Ok, tama ka. Nasakin nga ang wallet mo. Kaya nalaman ko kung saan ka nakatira at kung anong pangalan mo. Pati narin ang Birthday mo. Ngayon, ibabalik ko 'to sa isang kondisyon. Papayag ka sa inaalok ko sayo kanina.” seryosong pagkakasabi ng lalakeng nasa harap ko.

“Wala na akong pakialam sa wallet na yan. Kung gusto mo sayo nalang yan. Pero hindi ako papayag sa inaalok mo sakin. Humanap kana lang ng iba, wag ako.” sarcastic na pagkakasabi ko.

Paalis na ako ng hawakan niya ako sa braso.

“Sandali lang naman Andrea. Alam kong kailangan natin parehas ang isa't isa. Kailangan mo ng pera diba? At ako, kailangan ko ng babaeng magbibigay sakin ng anak na lalake.” mahinahon niyang paliwanag.

Agad naman kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya.

“Oo tama ka, kailangan ko nga ng pera. Pero hindi ako papayag sa gusto mo. Hindi ako magpapabuntis sa kung sino lang, lalo na sayo.” sarcastic na pagkakasabi ko.

Pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay dumating ang may ari ng inuupahan namin na bahay.

Naniningil na siya dahil ilang buwan narin kami hindi nakakabayad sa upa namin.

“Kung hindi kayo makakabayad sakin eh umalis nalang kayo dito sa bahay ko!” inis na sigaw ng landlady namin.

“Aling Isidro, baka naman po pwede pang makiusap sa'yo? Eh wala pa po kasi akong napapasukan na trabaho. Hindi po ako natatanggap dahil ang kailangan nila ay college graduate. Pangako po, kapag nakahanap po ako ng trabaho at naka-sweldo babayaran ka po namin agad. Wag niyo lang po kami paalisin ngayon, wala rin po kasi kaming ibang mapupuntahan.” pakiusap ko.

“Andrea, ilang buwan na yan na lagi niyong sinasabi. Kesyo wala kayong pang bayad. Aba! Hindi ko pina-upahan ang bahay ko para lang sa mga katulad niyo!” bulyaw muli ni Aling Isidro samin.

Napayuko nalang ako habang hiyang hiya dahil halos pagtinginan kami ng mga kapitbahay namin na mina-maliit din kami.

“Magkano ba ang dapat na babayaran ni Andrea sa'yo?” sabat ng lalake kaya agad ako napatingin sa kanya.

“Tatlong buwan, bali 6,000.” saad ni Aling Isidro.

Agad na binubot ng lalake ang wallet niya sa bulsa niya saka naglabas ng pera at iniabot kay Aling Isidro.

“Siguro naman sobra sobra na yan para itikum mo yang bibig mo?” sarcastic na pagkakasabi ni Tristan ng ibigay niya ang pera kay Aling Isidro.

“May boyfriend ka palang mayaman Andrea, sana sinabi mo agad sakin para nakapag usap tayo ng maayos.” nakangising pagkakasabi ni Aling Isidro.

“Hindi ko po siya boyfriend, ni hindi ko nga kilala ang lalakeng yan.” seryosong pagkakasabi ko.

“Naku, ayaw mo lang ma-chismis eh. Oh siya, mauna na ako. Pasensya na sa nasabi ko kanina.” saad ni aling isidro saka siya umalis.

—TRISTAN POV—

“Bakit mo ginawa yun?” seryosong tanong ni Andrea sakin.

“Tumulong lang ako. Masama ba yun?” seryosong sagot niya.

“Tumulong? Oh baka naman kasi may kailangan ka.” sarcastic na tanong niya.

“Buti alam mo. Ibig sabihin ba nito ay pumapayag kana?” nakangising tanong ko.

“Andrea, pumasok muna kayo dito sa loob. Dito kayo mag usap ng kaibigan mo.” sigaw ng papa ni Andrea.

Agad naman ako tinignan ng masama ni Andrea pero ngumiti lang ako sakanya, kaya lalo siya nainis sakin.

Nauna nga akong pumasok sa loob ng bahay nila Andrea saka siya sumunod.

“Iho, hindi ko alam kung paano makakapagpasalamat sayo sa ginawa mo kanina. Pero maraming salamat, wag ka mag alaala. Kapag nakaluwag-luwag, babayaran ka namin ng paunti unti.” saad ng mama ni Andrea.

“Naku, hindi na po kailangan. Kusang loob ko po yun na binigay, maliit na bagay lang po yun.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Matagal na ba kayo magkaibigan nitong apo ko? Bakit ngayon lang yata kita nakita na pumasyal dito sa bahay?” sabat naman ng Lola ni Andrea.

Agad naman kami nagkatinginan ni Andrea.

“Ah ang totoo po niyan------”

“Opo Lola, matagal na nga po kami magkaibigan. Hindi ko lang po agad nasabi sainyo kasi dami ko rin po iniisip nitong mga nakaraang araw.” nakangiting sabat ni Andrea kaya agad akong napatingin sakanya.

“Ganun ba, ano ngang pangalan nitong kaibigan mo? Anong pangalan mo iho?” tanong ng Lola ni Andrea.

“Tristan Salazar po, Lola.” nakangiting sagot ko.

To be continue...

LOVE IS A BEAUTIFUL PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon