“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”
CHAPTER 7:
—TRISTAN POV—
“Bakit ganyan ka makatitig sakin?” pagtataka ni Andrea.
“Bakit, masama ba?” nakangising kong tanong.
Pagkatapos ay mas lumapit pa ako sakanya, napaatras naman siya sa gilid ng kama.
“Pwede bang lumayo ka sakin ng kunti. Naiilang kasi ako.” nakayukong pagkakasabi niya kaya inangat ko ang ulo niya.
Hahalikan ko na sana si Andrea sa labi pero agad niyang iniwas ang mukha niya sakin.
“Pasensya kana.” malumanay na pagkakasabi niya.
Hanggang sa makita ko ang pagpatak ng luha niya kaya agad ko yun pinunasan gamit ang kamay ko.
“Kinakabahan ka?” malumanay na tanong ko sakanya.
Agad naman siya tumango.
Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya.
“Hindi muna kita pipilitin, naiintindihan ko. Hindi ka sanay sa ganito. Kaya sige, matulog kana ulit.” malumanay na pagkakasabi ko pero hinagkan ko siya sa noon bago ako lumabas ng silid niya.
Paglabas ko ng kwarto ni Andrea ay nakita kong nakangising nakatingin sakin si Ate Candice.
“Musta bunso kong kapatid? Success ba?” tila pang aasar ni Ate Candice.
Hindi ko siya kinibo at tumuloy ako sa paglalakad pero humarang siya daraaban ko.
“Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?” seryosong tanong ni Ate Candice.
“She's not yet ready.” saad ko.
“Oh, edi wag mo muna pilitin. Respect her decision.” saad ni Ate Candice.
“Yun na nga ang ginawa ko.” sagot ko.
—ANDREA POV—
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Para makatulong din ako sa mga gawain dito sa bahay, hindi kasi talaga ako sanay na wala akong ginagawa. Yung kain-tulog lang.
“Ate Nanette, ako na po d'yan.” nakangiting pagkakasabi ko ng makita si Ate Nanette, ang isa sa kasambahay na nag didilig ng halaman.
“Naku Ma'am Andrea wag na po. Kabilin-bilinan ni Madam Cynthia at ni Sir Tristan na wag ka daw po papagawain dito sa bahay kasi trabaho naman po namin yun.” saad ni Ate Nanette.
“Ganun ba? Oo nga pala, nasaan nga pala si Madam Cynthia? Saka yung mag ina? Sila Candice at Liezel?” magkakasunod na tanong ko.
“Maaga po sila umalis. Mga 5AM, si Sir Tristan lang po ang naiwan.” sagot ni Nanette.
“Umalis sila? Eh saan daw sila pupunta? Saka bakit hindi sumama si Tristan?” pagtataka ko.
“Yun po ang hindi ko alam Ma'am Andrea. Wala rin po kasi sinabi si Madam Cynthia kung saan sila pupunta.” sagot ni Nanette.
Pagkatapos ay naglibot-libot muna ako sa bakuran ng bahay. Kung saan nakarating ako sa swimming pool area at nakita si Tristan na nagbabasa ng libro habang naka-upo sa couch.
Agad nga akong lumapit sakanya.
“Pwede maupo?” pasimpleng tanong ko.
Agad naman siya tumango saka ako naupo isang couch.
“About kagabi, sorry.” saad ko.
Kaagd naman niya binaba ang librong binabasa niya saka tumingin sakin.
“I respect you. The way I respect my sister, my mom and my niece. Babae karin tulad nila.” seryosong pagkakasabi niya.
“May gusto lang sana ako itanong sayo.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Ano yun?” seryosong tanong niya.
—TRISTAN POV—
“Bakit hindi ka sumama kila Madam Cynthia? Sabi ni Ate Nanette, maaga daw sila umalis. Hindi ka in-inform?” tanong ni Andrea.
[Flashback]
“Aalis muna kami ng kapatid at pamangkin mo bukas ng umaga. Doon muna kami sa rest house natin sa Tagaytay for 2weeks. At sana sa pag balik namin dito ay may baby na sa sinapupunan ni Andrea.” saad ni Mommy.
“Nabanggit ko kasi kay Mommy na baka naiilang si Andrea dahil magkakasama tayo dito sa malaking bahay, kaya naisip namin na umalis muna. Para solo niyo dito, mga kasambahay lang kasama niyo.” sabat naman ni Ate Candice.
[End of Flashback]
“Ganun naman sila Mommy, minsan umaalis sila ng hindi ako kasama.” pagsisinungaling ko.
To be continue..
BINABASA MO ANG
LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN
Romance"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.