CHAPTER 11

133 7 0
                                    

“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”

CHAPTER 11:

—ANDREA POV—

Pag sapit nga ng hapon ay nagkaroon ng baby-shower party sa bahay na dinaluhan ng mga kaibigan at kasamahan sa kompanya ng Family Salazar. Isa nga doon ay ang Lolo ni Tristan na CEO ng Risestar Group of Company.

Hindi ko rin inaasahan ang pagdating nila Mama at Papa, pati ng Lola ko.

Nang makita ko nga sila Mama ay agad ko sila sinalubong at masayang niyakap.

“Kamusta kana anak? Maayos ba pakikitungo nila sayo dito?” agad na tanong ni Mama sakin.

“Opo ma, wala po kayong dapat na ipag alala ni Papa. Hindi po nila ako pinapabayaan dito. Eh kayo po? Kamusta naman po?” nakangiting pagkakasabi ko.

“Ayon, malapit na matapos ang dream house na pinapagawa mo para samin ng papa mo. 'Nak, maraming salamat. At sorry din, kasi humantong sa ganito ang buhay mo para lang maiahon kami sa kahirapan.” saad ni Mama.

Agad naman ako ngumiti saka ako nagsalita.

“Wala po kayong dapat na ikahingi ng tawad sakin. Dahil desisyon ko rin naman po 'to. Isa pa, plano narin ako pakasalanan ni Tristan. Isa na po kaming pamilya ngayon ma.“ naluluhang pagkakasabi ko.

“Masaya ako para sayo anak.” nakangiting pagkakasabi ni Mama saka niya ako niyakap.

“Sige po, kain lang po kayo d'yan. Puntahan ko lang po si Tristan para makapag usap din po kayo.” saad ko saka ako umalis upang hanapin si Tristan.

Sa paglalakad lakad ko kakahanap kay Tristan ay nakarating ako sa swimming pool area. At nakita kong may kausap siyang babae, seryoso silang nag uusap.

Maya maya pa ay hinalikan ng babae si Tristan sa pisngi na kinagulat ko.

—TRISTAN POV—

“So, si Andrea. Yun ba yung mommy ng magiging anak mo? Siya ba yung nakuha mo na maging baby maker?” malumanay na tanong ni Diane sakin.

Hindi ko naman in-invite si Diane, nagulat nalang din ako na makita ang ex ko dito sa baby-shower ng anak namin ni Andrea.

“Oo, at sana wag mo na siyang tawagin na baby maker. Dahil hindi siya basta baby maker lang kayo. Mommy siya ng magiging anak ko, at future wife ko narin.” seryosong pagkakasabi ko.

“Future wife? Magpapakasal kayo ng Andrea na yun?” pagtataka ni Diane.

“Oo, yun naman ang tama diba? Iniintay ko lang na makapanganak si Andrea bago naman namin asikasuhin ang kasal.” seryosong pagkakasabi ko.

“Ibig sabihin, imposible na palang magkabalikan tayo.” nakangiting pagkakasabi ni Diane kahit na nanggigilid na ang luha sa mata niya.

“Tulad ng sinabi mo sakin noong tinanggihan mo ang proposal ko sayo, makakahanap karin ng para sayo. Yung mamahalin ka ng totoo.” saad ko.

“Hindi pa kasi ako handa noon, hindi pa ako handa na matali sa isang relasyon na panghabang-buhay.” saad ni Andrea.

“At ngayon handa kana? But it's too late. Si Andrea, sakanya ko naramdaman yung totoong pagmamahal na hindi ko nahanap sa kahit na sinong babaeng naka-relasyon ko noon. Iba siya sa lahat, sakanya lang ako naging masaya. Sakanya lang ako natutong ngumiti at tumawa kahit may problema ako. Kaya pasensya kana Diane. Pero malabo na ang gusto mong mangyari na magkabalikan pa tayo.” paliwanag ko.

Hindi naman kumibo si Diane ngunit kaagad ng pumatak ang luha sa mata niya.

“I understand. Siguro kung maibabalik ko lang ang oras na inalok mo 'ko ng kasal, sana pumayag na 'ko. Hindi na sana ako nagdalawang isip pa. Hiling ko na sana, lagi kayong masaya ni Andrea. Makita lang kitang masaya kahit hindi na ako yung dahilan, ok na ako. Sana nga tulad mo ay maging masaya na rin ako sa piling ng lalakeng magmamahal sakin. Masaya ako na nakita kita ulit. Congratulations dahil magiging daddy kana.” nakangiting pagkakasabi ni Diane habang patuloy ang pag agos ng luha sa mata niya.

Kaagad naman siya lumapit sakin at saka ako hinalikan sa pisngi.

Pagkatapos ay nagpaalam narin siya na aalis na siya. Agad naman ako tumango.

Pabalik narin sana ako sa hardin kung saan nandoon ang venue ng party ng masalubong ko si Andrea.

—ANDREA POV—

“Yun ba yung ex mo? Si Diane?” agad na tanong ko.

“Kanina ka pa ba d'yan?” agad naman na tanong ni Tristan sakin.

“Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko? Siya ba si Diane?” seryosong tanong ko.

“Oo, siya nga si Diane.” sagot ni Tristan.

“Maganda siya.” saad ko.

Agad naman lumapit sakin Tristan saka hinawakan ang kamay ko.

“Wala ka dapat ipagselos. Nagpunta lang siya dito para kausapin ako. Babalik narin siya sa America.” mahinahon na pagkakasabi ni Tristan sakin.

“Hindi naman ako nagseselos.” pagde-deny ko.

“Talaga?” nakangising tanong niya.

“Oo, promise.” saad ko.

Agad naman ngumiti si Tristan sakin saka ako niyakap.

“Mahal na mahal kita, Andrea. Lagi mo tatandaan yan.” saad ni Tristan habang nakayakap sakin.

“Mahal na mahal din kita.” saad ko naman.

To be continue..

LOVE IS A BEAUTIFUL PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon