“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”
CHAPTER 6:
—ANDREA POV—
Naging maayos naman ang pakikisama sakin ng mommy ni Tristan maging ang ate niya na si Candice. Sa katunayan nga ay nakasundo ko agad ang Ate niya, pero hindi ko madalas makausap ang mommy nila kasi nag aalangan parin ako.
Single mom ang ate ni Tristan na si Candice, hiwalay sila ng tatay ng anak niya. At simula nga ng manganak siya sa baby girl niya ay siya na ang tumayong ama at ina dito.
Nasa edad siyam palang ang anak ni Candice pero ang matured na mag isip nito, kaya kapag nakakausap ko siya ay parang nakikipag usap narin ako sa teenager.
“Ate Andrea.” rinig kong tawag ni Liezel sa pangalan ko kaya agad ako napalingon sa likod ko.
“Ikaw pala yan Liezel.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Ate, bakit ikaw gumagawa niyan? May mga maids naman dito sa bahay eh. Sila nalang po ang palinisin mo niyan.” saad ni Liezel.
Ngumiti naman ako sakanya saka ko ibinaba ang pang map ng floor na hawak ko.
“Hindi naman pwede umasa ako sa mga kasambahay dito Liezel. Bisita lang naman ako dito, isa pa. Ayaw kong may masabi si Madam Cynthia sakin.” paliwanag ko.
“Mabait naman po si Mamita eh, saka hindi ka naman po bisita or ibang tao dito sa bahay. Hindi ba, girlfriend ka po ni Uncle Tristan?” saad ni Liezel.
Bahagya naman ako natahimik sa huling sinabi ni Liezel. Girlfriend? Eh wala ngang kahit anong relasyong namamagitan samin ni Tristan.
Lilinawin ko sana ang sinabi ni Liezel na girlfriend ako ng uncle niya pero biglang dumating si Tristan.
“Andrea, bakit ikaw gumagawa niyan? Liezel, pakitawag si Thanya sabihin mo siya ang mag map dito.” sabat ni Tristan.
“Wag na Tristan, patapos narin naman ako eh. Isa pa, wala naman ako ibang ginagawa.” malumanay na pagkakasabi ko.
“Andrea, hindi naman kita dinala dito sa bahay para maging kasambahay lang. Siya nga pala naayos na ni Nanette yung magiging kwarto mo.” saad ni Tristan.
“By the way, I have to go. Pinapatawag kasi ako ni Lolo sa kompanya, para sa urgent meeting.” dagdag niya pa.
“Ok, ingat.” saad ko.
“Yun lang yun? Uncle Tristan? Hindi mo man lang ba iki-kiss si Ate Andrea? Diba ganun naman yung mga ginagawa ng mga lalake sa asawa or girlfriend nila? Magki-kiss sila bago umalis yung isa.” sabat ni Liezel at agad kami nagtinginan ni Tristan.
“Naku Liezel, hindi na kailangan. Nagmamadali kasi ang uncle Tristan mo.” palusot ko.
Pero agad na lumapit sakin si Tristan saka niya tinitigan sa mata.
“Ayieeee” kinikilig na saad ni Liezel.
“Mag iingat ka dito, doon kana lang muna sa kwarto mo ng makapagpahinga ka.” malambing na pagkakasabi ni Tristan sakin saka niya ako hinagkan sa noo pagkatapos ay umalis na siya.
Ako naman ay nanatiling nakatayo, habang tinatanaw siyang maglakad palayo.
Bakit parang bumibilis yung tibok ng puso ko. Anong nangyayari sakin?
“Hala Ate Andrea, nagba-blush ka. Ayieee kinikilig si Ate Andrea.” tuwang tuwang pagkakasabi ni Liezel.
Agad ko naman hinawakan ang pisngi ko.
“Hindi 'no.” pagde-deny ko.
Agad naman siya tumawa.
Paakyat na sana ako sa silid ko ng masalubong ko si Madam Cynthia sa hagdan.
“Magandang hapon po, Madam Cynthia.” magalang na bati ko sakanya at kaagad niya ako tinignan.
“Nandito kana nakatira sa bahay pero bakit ganyan parin ang tawag mo sakin?” seryosong tanong sakin ni Madam Cynthia.
“Ano po bang dapat itawag ko sainyo?” mahinahon na tanong ko.
“Mommy, dahil parang manugang na hilaw narin naman kita.” seryosong pagkakasabi ni Madam Cynthia.
“Ok po, Mommy.” saad ko.
“Isa pa, nakita kong naglilinis ka kanina. Hindi mo dapat ginagawa yun Andrea, dahil maraming kasambahay dito. Sila ang dapat gumagawa non, bibigyan mo ng anak ang unico ijo ko kaya dapat hindi mo ginagawa ang trabaho ng mga kasambahay dito.” saad ni Madam---este ni Mommy.
“Pasensya na po kung nakialam ako sa gawain ng mga kasambahay. Nahihiya naman po kasi ako na dito ako nakatira tapos wala man lang akong ginagawa. Marunong naman po ako makisama, kahit na mula ako sa mahirap na pamilya.” malumanay na pagkakasabi ko.
“To be honest, I like your attitude. Gusto kong paano mo pakibagayan ang mga tao sa paligid mo. Mukhang hindi nga yata nagkamali si Tristan na ikaw ang napili niyang magbigay sakanya ng anak.” nakangiting pagkakasabi ni Mommy.
“Maraming salamat po.” magalang na pagkakasabi ko.
Tinapik lang ni Mommy ang balikat ko saka siya umalis.
Pagkatapos ay agad na ako dumiretso sa magiging kwarto ko. May isang malambot na kama ito, personal cabinet na may nakapatong na lampshade, may sariling comfort room na sa loob at may bathtub at shower din saka may closet.
Agad ko nilapat ang katawan ko sa malambot na kama, first time kong makaka-experience na matulog sa ganitong klaseng kwarto tapos may aircon pa.
—TRISTAN POV—
Around 8:40PM ng makauwe ako sa bahay. Hindi na ako kumain ng hapunan at agad na umakyat sa taas. Papasok na sana ako sa kwarto ko masalubong ko ang isa sa kasambahay namin na si Nanette.
“Nasaan ang Ma'am Andrea mo?” agad na tanong ko.
“Nasa kwarto na po niya Sir Tristan.” sagot ni Nanette.
“Ah ok, salamat.” sagot ko at agad narin umalis si Nanette.
Agad ko nga tinungo ang silid ni Andrea. Tatlong beses ako kumatok sa pintuan ng kwarto niya pero walang sumasagot. Hindi naman naka-lock ang kwarto kaya pumasok na ako.
Nakita ko siyang nakabaluktot na nakahiga sa kama. Kaagad ako lumapit saka siya kinumutan pero agad siyang nagising at napabalikwas.
“Paano ka nakapasok? Saka anong ginagawa mo dito? May sariling kwarto ka diba?” magkakasunod na tanong ni Andrea sakin.
Naupo muna ako sa gilid ng kama niya bago ko sinagot ang tanong niya.
“Hindi naka-lock ang kwarto mo kaya nakapasok ako. Nandito ako kasi gusto lang kita bisitahin kung tulog kana. At oo, may sariling kwarto nga ako.” paliwanag ko.
Hindi ko alam pero bigla nalang ako natulala sa mukha niya, ngayon ko lang kasi siya napagmasdan ng ganito kalapit. Sobrang ganda pala talaga ni Andrea, higit pa siya isang anghel o diyosa.
To be continue..
BINABASA MO ANG
LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN
Romance"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.