CHAPTER 12

314 19 5
                                    

“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”

CHAPTER 12:

[2weeks later]

—TRISTAN POV—

Ngayon ay ang ika-29 Birthday ni Andrea. Maaga palang ay nagising na ako, tulog pa si Andrea ng mga oras na yun. Plano kasi namin ni Candice na i-surprise si Andrea sa Birthday niya. At ngayon din ay ang plano ko na pagpo-propose kay Andrea. Oo, desidido na akong makasama siya habang buhay.

“Nanette, yung cake nakaayos na ba? Saka mag order kayo ng bulaklak na african daisy dahil favorite na bulaklak yun ng Ma'am Andrea niyo.” utos ko sa kasambahay namin sa bahay.

“Ok na po yung cake Sir. Sige po, papa-deliver na po ako ng bulaklak.” saad ni Nanette.

“Mommy, what do you think? Ok na ba suot ko? Magugustuhan kaya 'to ni Andrea?” pag aalinlangan na tanong ko kay Mommy.

“Napaka-gwapo mo iho, at wag ka dapat mag alala. Sigurado naman na magugustuhan ni Andrea ang lahat ng effort mong 'to. Yung singsing, nasayo na ba?” saad ni Mommy.

“Oo mommy, siyempre yun ang hindi pwedeng mawala.” nakangiting pagkakasabi ko.

—ANDREA POV—

Nang magising ako ng alas-siyete ng umaga ay wala na si Tristan sa tabi ko. Agad ako bumangon at nagtungo sa palikuran upang makapag toothbrush at makapaligo bago ako lumabas ng silid.

Paglabas ko palang ng silid ni Tristan ay bumungad sakin ang mga petals ng bulaklak sa sahig. Patungo ito sa baba kaya sinundan ko 'to hanggang sa makarating ako sa garden.

At isang table good for two people ang nakita ko.

“Happy Birthday to you~ Happy Birthday~” rinig kong tinig na galing sa likod ko kaya agad ako napalingon at nakita ko sila mama, papa, lola, Liziel at Madam Cynthia na may hawak na mga balloons. Habang si Candice naman ay may hawak na double layer na cake.

Naluha naman ako dahil sa labis na tuwa at dahil narin sa hindi ko inaasahan na isu-surprise nila ako.

Pero kapansin pansin na wala si Tristan.

Ngunit maya maya pa ay gumilid sila Madam Cynthia saka naman nakangiting naglakad si Tristan sakin hawak ang african daisy na bulaklak.

Hindi ko naman mapigilan matawa sakanya.

Nang makalapit na siya ay kaagad niya binigay sakin ang bulaklak na hawak niya.

“Happy 29th Birthday, mahal ko. Sana napasaya ka namin ngayon.” nakangiting pagkakasabi niya habang nakatitig sakin at hawak ang kamay ko.

“Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon.” naluluhang pagkakasabi ko.

Agad naman niya pinunasan ang luha ko.

“Pero may gusto pa ako sabihin sayo.” saad ni Tristan.

“Ano yun?” pagtataka ko.

Ngumiti sakin si Tristan siya lumuhod sa harapan ko. Agad naman nagtilian ang mga kasambahay dito sa bahay. Rinig ko rin ang paghiyaw ni Candice.

“Ano bang ginagawa  mo d'yan? Tumayo ka nga.” natatawang pagkakasabi ko.

“Nang makilala kita. Hindi ko inasahan na mamahalin kita ng ganito. Nang dumating ka sa buhay ko, hindi ko inakala na ikaw yung mag bibigay ng sigla sa puso ko. Sobrang swerte ko, kasi sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinagtagpo ang landas nating dalawa. Andrea, will you be my Mrs. Salazar? Will you marry me?” speech ni Tristan.

“Oo naman. I will marry you.” nakangiting pagkakasabi ko.

Kaagad sinuot ni Tristan ang singsing sa finger ring ko pagkatapos ay kaagad niya ako hinalikan.

LOVE IS A BEAUTIFUL PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon