“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”
CHAPTER 4:
—ANDREA POV—
Sobrang laki pala ng bahay nila Tristan, may swimming pool din sila. Para ngang Mansion sa sobrang laki. Sa totoo lang, sa buong buhay ko ay ngayon palang ako nakapasok o nakapunta sa ganitong kalaking bahay.
“Nasaan si Mommy?” tanong ni Tristan ng salabungin kami ng kasambahay nila.
“Nasa sala po Sir Tristan, kanina pa nga po kayo iniintay ni Madam Cynthia.” saad ng kasambahay.
“Wag kang kabahan. Mabait si Mommy, mukha lang siyang mataray kung tumingin. Perfectionist kasi si Mommy.” nakangiting pagkakasabi ni Tristan sakin.
Agad naman ako tumango, saka kami pumasok sa loob.
Nadatnan namin ang mommy ni Tristan na naka upo sa sofa habang umiinom ng red wine.
Agad na lumapit si Tristan sa mommy niya upang bumati.
“Siya na ba yun?” nakataas na kilay na tanong ng mommy ni Tristan ng tignan niya ako.
Ramdam ko naman ang kaba sa dibdib ko ng mga sandaling yun.
“Opo mommy, siya na nga po. Si Andrea.” saad ni Tristan.
“Magandang hapon po Madam.” magalang na pagbati ko.
Kaagad naman tumayo mula sa pagkakaupo ang mommy ni Tristan saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
“Ilang taon kana iha?” seryosong tanong niya sakin.
“Ah, 29 po.” magalang na sagot ko.
“Bago ka nakilala nitong anak ko, anong trabaho mo?” seryosong tanong niya.
“Ah ang totoo po niyan, wala po akong trabaho. Nahihirapan nga po ako maghanap dahil hindi po ako nakapag tapos ng kolehiyo.” saad ko.
“Ganun ba? Nagkaroon kana ba ng boyfriend? May experience kana ba?” seryosong tanong ni Madam Cynthia kaya nanlake ang mga mata ko.
“No boyfriend since birth po ako. Walang time para makipag relasyon dahil mas priority ko po ang family ko.” sagot ko.
“Magaling, so magkanong halaga ang napag usapan niyo ng anak ko?” tanong niya muli sakin.
“Hindi po siya nagbigay ng presyo mommy, ang gusto lang niya ay masigurado na mayroon magiging pang gastos sa araw-araw ang pamilya niya. Pati narin ang pang maintenance medicine ng Lola niya.” sabat ni Tristan.
“10 Million ok na ba yun sayo? Basta dapat, lalake ang magiging anak ni Tristan sayo.” seryosong pagkakasabi ni Madam Cynthia.
Agad naman ako tumango.
Maya maya pa ay umalis narin ang mommy ni Tristan.
—TRISTAN POV—
“Oh, Tristan. Nandito kana pala. Kanina ka pa iniintay ni Mommy.” saad ni Ate Candice.
“Nakausap ko na siya.” sagot ko.
“Mabuti naman kung ganun. Oh sino siya? Ay teka? Siya na ba yun?” magkakasunod tanong ni Ate Candice.
“Oo, siya na nga yun. Si Andrea” sagot ko.
“Andrea, older sister ko. Si Ate Candice.” pagpapakilala ko naman sa kapatid ko.
“Magandang hapon po.” magalang na pagbati ni Andrea.
“Ay grabe naman 'to. Masyadong formal bumati. You can call me Candice nalang. Wag kana mag 'po' sakin. Nakakatanda masyado.” nakangising pagkakasabi ni Ate Candice kay Andrea.
“Ah ok, Candice.” saad ni Andrea.
“Sige Ate, mauna na kami. Ihahatid ko pa kasi si Andrea sa kanila, kakausapin ko pa rin kasi yung mga magulang niya.” paalam ko.
“Aalis na kayo agad? Saka ipagpapaalam? Bakit? Hindi pa ba alam ng mga magulang nitong si Andrea?” pagtataka ni Ate Candice.
“Hindi pa, inuna ko muna sabihin kay Mommy.” saad ko.
“Okie.” tipid na saad ni Ate Candice.
Pagkatapos ay agad narin kami umalis ni Andrea upang magpunta sa bahay nila. Nang masabi narin namin ang totoo.
To be continue..
BINABASA MO ANG
LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN
Romance"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.