CHAPTER 8

115 5 0
                                    

“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”

CHAPTER 8:

—ANDREA POV—

“Tell me about yourself.” saad ni Tristan.

“B-bakit?” pagtataka ko.

“Wala lang, gusto ko lang malaman yung mga likes and dislikes mo sa tao man yan, hayop, pagkain o kung ano pa man.” paliwanag niya.

“Ano naman mapapala ko kapag sinabi ko sayo?” sarcastic kong tanong.

“Siguro ikaw wala, pero ako meron. Dahil malalaman ko kung ano yung gusto't ayaw mo. At wag ka mag alala. Sasabihin ko rin naman kung ano yung sakin.” nakangising pagkakasabi ni Tristan.

“Ahm, sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba talaga yung mga ayaw at gusto ko. Kasi lumaki ako sa isang mahirap na pamilya, kaya hindi pwedeng may pamimilian ako. Tulad nito, ayaw ko ng ganito. Pero dahil sa perang alam kong malaki ang maitutulong sa pamilya ko ay ginusto ko narin. Eh ikaw? Ano na yung mga gusto't ayaw mo?” paliwanag ko.

“Parehas lang pala tayo. Alam mo kahit naman nagmula ako sa mayamang pamilya may bagay parin akong gustong gawin sa buhay ko. Alam mo, lalake ako pero pangarap ko rin na maikasal sa simbahan kasama ng babaeng mamahalin ko at mamahalin ako habang buhay.” pagki-kwento ni Tristan.

“Pwede mo pa naman magawa yun eh. Kapag natagpuan mo na yung babaeng alam mong para sayo edi yayain mo siyang pakasalan ka. Ganun lang ka-simple yun.” nakangiti kong pagkakasabi.

“Natagpuan ko na siya noon, pero hindi pa siyang handang pakasalan ako. Dahil mas importante sakanya ang career niya kaysa sakin.” saad ni Tristan habang nakatingin sa malayo.

“Eh nasaan na yung ex mo na yun?” tanong ko.

“Last year lang ng ikasal siya sa isang mayamang negosyante na sampong taon ang tanda sakanya.” nakangising pagkakasabi ni Tristan.

“Bakit parang masaya ka pa?” pagtataka ko.

Agad naman siyang tumingin sakin.

“Siguro kasi, ngayon alam ko na kung bakit hindi rin kami nagkatuluyan.” nakangiting pagkakasabi niya.

“Bakit?” tanong ko.

“Darating ang araw, malalaman mo rin.” nakangiting pagkakasabi niya saka bumalik sa pagbabasa ng libro.

—TRISTAN POV—

“Sige, pasok na muna ako sa loob.” paalam ni Andrea agad naman ako tumango.

Makalipas ang isang oras ay tinawag ako ng isang kasambahay dahil nakahanda na daw ang lunch.

Pagdating ko sa dinning area ay wala pa doon si Andrea.

“Si Ma'am Andrea niyo, tinawag niyo na?” tanong ko.

“Opo sir Tristan. Kanina pa po ako kumakatok sa silid niya pero hindi siya sumasagot eh.” saad ni Hellen.

“Ah sige, ako nalang ang tatawag sakanya.” saad ko at agad na tinungo ang silid ni Andrea.

Hindi na naman naka-lock ang pintuan kaya dumiretso na akong pumasok.

Nakita ko siyang busy na busy sa sinusulat niya habang nakaupo sa kama.

Kaya pasimple akong lumapit sakanya at tinignan kung anong sinusulat niya.

Nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad niyang sinara ang notebook niya.

“Bakit ka nandito? Hindi ka man lang kumakatok?” saad ni Andrea.

“Kung yung pagkatok nga ng kasambahay hindi mo narinig, eh yung katok ko pa kaya?” sarcastic na pagkakasabi ko.

Agad naman ako tinaasan ng kilay ni Andrea.

“Lumabas kana, may ginagawa ako.” seryosong pagkakasabi niya.

“Nakahanda na ang pagkain sa baba, sabay na tayong mag-lunch.” saad ko.

“Mauna kana, susunod nalang ako. Tatapusin ko lang 'to.” saad ni Andrea.

“Ano ba kasi yang sinusulat mo? Nagda-diary ka parin ba?” pang aasar ko.

“Hindi 'no!” depensa ni Andrea.

“Eh bakit ayaw mo ipakita sakin?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Basta.” tipid na sagot niya.

Pero agad ko inagaw sakanya ang notebook na hawak niya.

—ANDREA POV—

Nahirapan ako makipag agawan ng notebook kay Tristan dahil mas matangkad siya sakin.

At sa pag aagawan nga namin ay sabay kami natumba sa kama. At halos mag dikit ang mga labi namin dalawa.

Halos tumagal din ng ilang segundo ang eye-to-eye contact namin ni Tristan.

Hanggang sa hinalikan niya na nga ako sa labi. Yun ang unang beses na nahalikan ng lalake ang labi ko, in short yun ang first kiss ko.

—SOMEONE POV—

“Oh nasaan Sir Tristan?” agad na tanong ko ng dumating ako sa dinning area pero wala ang amo ko.

“Sinundo si Ma'am Andrea sa kwarto.” sagot ni Helen.

“Sinundo? Ngayon ngayon lang ba?” tanong ko.

“Hindi, ang totoo nga niyan mag da-dalawang oras na si Sir Tristan sa kwarto ni Ma'am Andrea.” sabat ni Jena.

“Naku baka naman nagmi-make love na yung dalawa.” kinikilig na pagkakasabi ko.

[2weeks later]

—ANDREA POV—

Halos two weeks na ang nakakalipas mula ng may mangyari samin ni Tristan, at last day lang ng mapag alaman na buntis na nga ako matapos ako mag positive ng tatlong beses sa PT at ipa-check up sa kilala nilang doctor.

Tuwang tuwa nga ang mommy ni Tristan maging si Candice ng malaman na buntis na nga ako. Nalaman narin ng parents ko at maging sila ay masaya rin.

Pero parang hindi pa yata nag si-sink in sa utak ko na may namu-muong bata na sa tiyan ko.

To be continue...

LOVE IS A BEAUTIFUL PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon