CHAPTER 9

125 7 0
                                    

“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”

CHAPTER 9:

—ANDREA POV—

Ilang linggo pa nga ang lumipas at nakakaramdam na ako ng maraming pagbabago sa sarili ko. Mabilis ako mainis kahit sa simpleng bagay lang, pero tuwang tuwa ako pag nakakakita ako ng mga paru-paro. Hindi ko ma-explaine kung bakit pero iba yung sigla na nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng paru-paro sa hardin. Ang takaw ko rin sa pag kain ng fresh buko at singkamas.

Sabi ni Ate Nanette ay baka yun daw ang napaglililihan ko. Normal lang daw yun sa mga buntis tulad ko lalo na't nasa 2months na akong buntis.

Minsan pa ang ay dumating si Tristan na may dalang garapon at naglalaman ng makulay na paru-paro para sakin. Pero agad din naman namin pinakawalan kasi baka mamatay sa loob ng garapon kawawa naman.

Hindi narin pala dito nakatira si Candice, may nabili na kasi siyang condo unit sa Makati kaya doon na sila ni Liezel. Paminsan-minsan nalang siya kung bumisita dito sa bahay.

“Andrea, aalis muna ako. May a-attenand kasi akong reunion namin ng mga dati kong batch mates. Kayo muna ni Tristan dito sa bahay. Nandyan naman ang mga maids natin, kapag may kailangan ka mag sabi ka lang ok? Wag ka masyado magkiki-kilos. Masama yun sa buntis.” saad ni Madam Cynthia.

“Ok po mommy, ingat po kayo.” nakangiting pagkakasabi ko at agad narin nga umalis si Madam Cynthia.

Nagtatakaw na naman ako sa pagkain, gusto ko kumain ng graham pero parang mas gusto ko ng fruit salad. Pagdating ko sa Kitchen agad ako nagbukas ng fridge pero wala naman doon ang gusto ko.

Nahihiya naman ako mang istorbo sa mga maids o kahit kay Tristan.

Kaya nagtungo nalang ako sa sala at naupo sa sofa. Hanggang sa makita ko ang cellphone ni Tristan na nakapatong sa lamesita.

Agad ko yun kinuha saka nag decide na dalhin sakanya kasi may apat na missed calls na.

Pagdating ko sa kwarto ni Tristan ay medyo naka-awang na ang pintuan kaya hindi na ako kumatok at pumasok nalang pero.

Laking gulat ko ng makitang naka boxer lang si Tristan, kitang kita ko ang mga abs niya kaya agad ko tinakpan at mata ko at iniwas ang tingin sakanya.

“Oh, bakit nakaganyan ka?” saad niya.

“Pwede ba magbihis ka muna? Nagpunta lang ako dito para dalhin 'tong cellphone mo. Naiwan mo sa sala, nakita kong may missed calls kaya nag decide ako dalhin dito sayo. Hindi ko naman alam na naka-boxer ka lang.” paliwanag ko habang nakatakip parin ang mata ko.

Naramdaman ko naman ang yabag ng paa ni Tristan na papalapit sakin.

“Alisin mo na nga yang pagtatakip mo sa mata mo. Eh higit pa nga dito ang nakita mo, nakakalimutan mo na ba?” sarcastic na pagkakasabi ni Tristan.

“Alam ko, pero kasi. Eh basta mag damit ka muna pwede?” utos ko.

—TRISTAN POV—

“Oo na ito na po, mag bibihis na po mahal ko.” mahinang pagkakasabi ko habang sinusuot ang T-shirt at pants ko.

“Anong sabi mo?” pag uulit niya.

“Wala, ang sabi ko magbibihis na ako. Naiilang ka pa kasi d'yan, para namang walang nangyari satin.” palusot ko.

“Ang pangyayaring yun ay hindi na dapat maulit.” seryosong pagkakasabi niya.

“Yan ok na, pwede kana tumingin.” saad ko.

At dahan dahan naman niya inalis ang pagkakatakip ng kamay niya sa mata niya.

“Oh, cellphone mo.” seryosong pagkakasabi niya saka niya inabot ang cellphone sakin.

Agad ako lumapit sakanya hindi para kunin ang cellphone kundi para yakapin siya.

“Anong nangyayari sayo? Bitawan mo na nga 'ko.” saad niya.

“Pwede payakap muna. Kahit saglit lang.” malumanay na pagkakasabi ko.

“O-Okie.” saad ni Andrea.

“May problema ka ba?” malumanay na tanong sakin ni Andrea.

Kaagad naman ako napabuntong hininga saka kumalas mula sa pagkakayakap sakanya.

“Oo ok lang ako. Makita lang kita, gumagaan bigla yung pakiramdam ko.” nakangiting pagkakasabi ko habang nakatitig ako sa mga mata ni Andrea.

“So may problema ka nga? Alam kong wala akong karapatan na tanungin ka sa personal mong buhay pero pwede ka mag kwento sakin, pwede mo sabihin sakin kung akong pinagdaraanan mo.” saad ni Andrea.

—ANDREA POV—

“Yung ex ko, si Diane. Yung kini-kwento ko sayo noong nakaraan. Nandito na ulit siya sa pilipinas. Nag divorce na kasi sila ng dati niyang asawa. Tapos tinatanong niya ako kung pwede pa daw ba na maging kami ulit.” pagki-kwento ni Tristan.

“Anong sabi mo?” malumanay na tanong ko.

“Siyempre sinabi kong hindi na pwede. Kasi magkaka-anak na ako.” sagot niya.

“Bakit mo naman sinabi yun? Tristan magkakaroon ka lang ng anak. Wala ka pang asawa, wala karin girlfriend. Kaya bakit hindi mo siya binigyan ng pangalawang pagkakataon. Malay mo this time, mag work na ang relasyon niyo. Baka kaya nag divorce din sila ng dati niyang asawa ay may dahilan din. Dahil baka kayo talaga para sa isa't isa ni Diane.” salaysay ko.

“Isa pa, alam kong minahal mo si Diane. At mahal mo parin siya hanggang ngayon.” dagdag ko pa.

“Oo minahal ko siya, noon yun. Nang hindi pa kayo ni baby dumarating sa buhay ko. Pero nagbago yun ng makilala na kita ng lubusan. Nakita ko sayo yung pag uugaling matagal ko ng hinahanap sa isang babae.” seryosong pagkakasabi ni Tristan.

“Anong ibig mong sabihin?” pagtataka ko.

“Andrea, mahal na kita. At gusto ko sanang maging isang buong pamilya nalang tayo. Ako, Ikaw at ang magiging anak natin.” sagot ni Tristan na labis kong kinagulat.

Hindi ko inaasahan na maririnig ko yun kay Tristan.

To be continue..

LOVE IS A BEAUTIFUL PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon