“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”
CHAPTER 5:
—ANDREA POV—
Pagdating sa bahay, kinakabahan na talaga ako. Hindi ko kasi alam ang magiging reaction nila Mama at Papa kapag nalaman nilang pumayag ako maging baby maker ng lalakeng ngayon ko palang nakikilala. At higit sa lahat, nagsinungaling din ako sa kanila. Sinabi kong magkaibigan kami ni Tristan kahit hindi naman talaga.
Halos tumagal din ng isang oras ang paliwanagan, tinulungan ako ni Tristan na makapag paliwanag ng maayos sa mga magulang ko. Nangako din si Tristan na hindi naman siya magpapabaya sa gastusin na pinangako niya.
Nahirapan din ako na papayagin sila mama at papa dahil ayaw talaga nila na maging baby maker ko. Kahit na may kapalit itong malaking halaga.
Ngunit sa huli, naluluhang pumayag din si mama.
Nang matapos ang usapin na yun at magkapirmahan ay binigay agad ni Tristan ang down payment na 5 Million, ibibigay daw niya ang kalahati ng 5 Million sa oras na masigurong lalake nga ang magiging anak niya sakin.
—TRISTAN POV—
Pasado alas-otso na ng gabi ng makauwe ako sa bahay. Bukas ko pa nakatakdang sunduin si Andrea sa kanila upang dito sa bahay pansamantalang manatili.
Agad ako dumiretso sa bar area na malapit lang sa kitchen saka uminom ng isang glass ng alak.
“Kamusta? Nakausap mo na ba ang magulang ni Andrea? Ano naman ang sabi? Pumayag na ba?” magkakasunod na tanong ni Ate Candice.
“Oo, pumayag na sila. Pero nahirapan din kami ni Andrea na papayagin ang mga magulang niya. Sa totoo lang Ate, nako-konsensya ako. Masyado kong sinamantala na walang ibang malalapitan o mahihingian ng tulong si Andrea ng alokin ko siya na maging baby maker. Siyempre yung tao, nangangailangan din ng pera kaya pumayag siya.” saad ko sabay inum ng alak.
Agad naman naupo si Ate Candice sa tabi ko.
“Wag mo nalang isipin yun. Kasi kung hindi mo naman gagawin yun, saan ka kukuha o hahanap na magiging baby maker? Yung katulad ni Andrea na no kiss, no touch pa. Ang gawin mo, be responsible nalang. At wag mo siyang tignan bilang baby maker lang, i-respeto mo siya bilang babae. Dahil hindi porket pumayag si Andrea na maging baby maker ay mababang babae na siya.” malumanay na paliwanag ni Ate Candice.
“Salamat Ate, wag ka mag alala. Tatandaan ko lahat ng yan.” nakangiting saad ko.
“Mabuti kung ganun. Oh siya, panhik na ako sa kwarto ko. At ikaw, matulog kana rin. Maaga mo pa susunduin si Andrea sa kanila bukas.” saad ni Ate Candice saka ako tumango sakanya.
—ANDREA POV—
Kinabukasan, alas-sais palang ng umaga ay dumating na si Tristan upang sunduin ako.
“Tristan, wag mo sana papabayaan ang anak namin. Nag iisang anak lang namin si Andrea, hindi ko nanaisin na may mangyaring masama sa kanya.” seryosong pagkakasabi ni Papa ng pagbilinan niya si Tristan.
“Wag po kayo mag alala. Nasa mabuting kamay po ang anak ninyo.” nakangiting pagkakasabi ni Tristan.
Pagkatapos ay inutusan na niya ang driver niya na kunin na ang maleta kung saan nandoon ang mga importanteng gamit ko tulad ng mga damit ko at sapatos.
Bago ako umalis ay mahigpit ko pang niyakap sila Mama at Papa maging si Lola.
Saka ako inilalayan ni Tristan na sumakay sa kotse.
Habang nasa biyahe ay natingin lang ako sa bintana. Naglalakbay ang utak ko. Hindi ko sakat akalain na magagawa kong ibenta ang dangal ko kapalit ng sampong milyon.
—TRISTAN POV—
May ilang minuto na kaming nagbi-biyahe pero hindi parin kumikibo si Andrea.
“May gusto ka bang kainin pagdating natin sa bahay? Favorite mong pagkain. Para maipahanda ko na sa kasambahay.” malumanay na tanong ko.
Agad naman tumingin sakin si Andrea.
“Hindi ako nagugutom.” seryosong sagot niya saka bumalik sa pagdungaw sa bintana ng kotse.
“Andrea sorry, alam kong labag 'to sa kalooban mo. Pero salamat kasi pumayag ka parin.” malumanay na pagkakasabi ko.
Mula pagdungaw ni Andrea sa bintana ng kotse ay inayos niya ang upo niya saka siya tumingin sakin.
“Ito siguro talaga yung kapalaran ko. Ang maging baby maker, kaya siguro kahit ilang beses na ako mag apply ng trabaho kung saan ay hindi parin ako natatanggap.” malumanay na pagkakasabi niya.
“Pero, paano kapag naipanganak ko na ang bata? May karapatan ba ako na maging isang ina sakanya?” seryosong tanong niya.
“Oo naman. Dahil anak mo parin naman yun.” nakangiting pagkakasabi ko sakanya.
Tumingin lang naman siya sakin at hindi na ulit nagsalita pa.
To be continue..
BINABASA MO ANG
LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN
Romance"Loving you is the best decision I ever made, though it gives me so much pain." Tristan.