CHAPTER 3

143 6 0
                                    

“LOVE IS A BEAUTIFUL PAIN”

CHAPTER 3:

—ANDREA POV—

So, Tristan pala ang pangalang ng mokong na 'to.

“Yaman din lamang na nandito na po ako, may gusto po sana ako sabihin sainyo.” seryosong pagkakasabi ni Tristan kaya bigla ako kinabahan. Baka sasabihin niya na kila Mama at Papa yung ino-offer niya sakin.

“Ano yun iho?” tanong ni Mama.

“Gusto ko po sanag-------”

“Gusto daw po niyang yayain ako na kumain sa labas.” nakangising sabat ko. Agad naman napatingin sakin si Tristan at kumunot ang noo niya.

“Huh?” saad niya.

“Diba? Kanina sabi mo gusto mong kumain tayo sa labas? Game ako.” saad ko.

“Ah yun lang pala eh. Oh sige, lumabas kayo ng kaibigan mo.” nakangiting pagkakasabi ni Papa.

“Ah...opo yun nga po ang sasabihin ko. Gusto ko pong yayain si Andrea na kumain sa labas.” sarcastic na pagkakasabi ni Tristan at in-emphasize niya pa talaga ang salitang 'kumain'.

“Sige po ma, pa, lola. Alis po muna kami ng kaibigan ko.” saad ko.

—TRISTAN POV—

Agad nga akong hinila ni Andrea palabas ng gate ng bahay nila. Halos nakatingin naman ang mga kapitbahay nila samin.

Kaya naisip kong akbayan si Andrea.

“Ito talagang girlfriend ko, tinotopak na naman.” nakangising pagkakasabi ko habang nakaakbay sakanya.

Pilit naman siya kumakalas mula sa pagkakaakbay ko sakanya.

“Hoy! Ano bang pinagsasasabe mo? Baka mamaya maniwala pa yang mga yan at ma-kwento pa kila Mama. Edi lagot ako.” inis na pagkakasabi ni Andrea.

“Lagot ka? Bakit ilang taon kana ba? Eh nakita ko birth year mo sa ID mo. 1991 ka pinanganak. Mas matanda lang ako ng 2years sayo.” sarcastic na pagkakasabi ko.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Andrea, pero ngumisi lang ako sakanya.

Pagkatapos ay binuksan ko ang pintuan ng kotse ko sa backseat saka sinenyasan si Andrea na sumakay.

“At bakit ako sasakay? Eh hindi pa naman kita lubusan kilala. Malay ko bang member ka ng isang syndicate. Tapos ipa-salvage mo 'ko, tapo------”

Hindi na naituloy ni Andrea ang sasabihin niya dahil tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang kamay ko para 'di ko na marinig ang mga sasabihin niya.

“Sakay.” seryosong pagkakasabi ko.

Padabog naman na sumakay si Andrea sa kotse ko.

“Sir Tristan, saan po tayo?” tanong sakin ng driver ko.

“Sige lang manong, mag drive ka lang.” utos ko at kaagad niya nga pinaandar ang kotse.

—ANDREA POV—

“Ano, hindi mo parin ba tatanggapin ang offer ko sayo?” seryosong tanong ni Tristan sakin.

Kaagad ko naman naisip ang lahat ng gastusin namin. Idagdag pa yung wala akong mahanap na trabaho dahil High School lang naman ang natapos ko.

Kailangan ko ng pera para may pang maintenance na gamot ang lola ko, pang gastos sa araw araw at pambayad ng renta sa bahay, tubig at ilaw.

Kaya labag man sa loob ko ay pikit mata kong tinanggap ang inaalok ni Tristan sakin. Kailangan ko ng kumapit sa patalim.

“Ano naman magiging kapalit kung sakaling pumayag ako?” seryosong tanong ko.

Bahagya naman ngumisi si Tristan sakin.

“Magkano ba ang gusto mo?” tanong niya.

—TRISTAN POV—

“Kahit magkano, basta sasapat sa lahat ng gastusin ko at ng pamilya ko sa araw araw.” malumanay na sagot ni Andrea.

“Wag mo ng alalahanin yun. Sagot ko na lahat ng gastusin niyo. Ibig sabihin ba nito, pumapayag kana?” saad ko.

Agad naman napabuntong hininga si Andrea.

“Oo, pumapayag na ako.” malumanay na pagkakasabi niya.

“Salamat.” saad ko.

Ilang saglit pa ay nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata ni Andrea. Labag nga sa loob niya ang pag payag sa inaalok ko sakanya, pero parehas lang namin kailangan ang isa't isa. Kaya sana mapatawad niya 'ko.

—ANDREA POV—

“Manong, sa bahay muna tayo.” utos ni Tristan sa driver niya kaya agad ako napasulyap sa kanya.

“Opo Sir.” sagot naman ng driver.

“S-simulan na ba n-natin?” nauutal na tanong ko dahil sa labis na kaba.

Agad naman siyang natawa sa tanong ko.

“Bakit ka natatawa?” pagtataka ko.

“Masyado ka naman mabilis, darating din tayo d'yan. Pero as of now, kailangan muna kita ipakilala kay Mommy at sa kapatid ko. Isa pa, kailangan rin muna malaman ng parents mo.” nakangising saad ni Tristan.

To be continue..

LOVE IS A BEAUTIFUL PAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon