3

817 26 5
                                    

Another morning, hindi ko na ni-replyan si sean sa tanong nya. Ano nalang ang sasabihin ko na pumunta dito si josh kaya hindi pa agad ako natulog, ayoko namang yon ang sabihin sakanya baka kung ano pa ang isipin nya saaming dalawa ni Josh.

"Anak sam" pagkatok ni mama sa pinto ng kwarto ko.

"Yes po ma?" tanong ko.

"Kakain na anak halika na" saad ni mama.

"Sige ma sunod na lang po ako"

Naghilamos muna ako at nag toothbrush bago lumabas na.

Kumakain na kaming 3 nila mama at papa, 2 lang kaming anak nila si kuya nasa dorm nya. Minsan lang yon umuuwi dito samin ih.

Habang kumakain kami biglang nagtanong si papa sa nangyari kahapon.

"Kamusta ang pagsiswimming nyo anak?" tanong nito.

"Okay lang po pa magkakasama po kami ng mga kaibigan ko don" gusto ko sanang ikwento sakanila na nagtapat sakin yong dalawa kong kaibigan na lalaki.

"Ngapala anak, birthday ng tita mo sa friday pero saturday nalang daw gaganapin, kelangan natin pumunta ha" saad naman ni mama.

"Ah ganon po ba, bahalana ako ma" sagot konaman.

Tumango nalang sya at natapos nadin naman kaming kumain. Naligo na'ko at ako na ang pupunta sa dorm ni ash antagal nya kase ih sabi nya kagabi pupunta sya dito tapos hanggang ngayon wala padin.

Nakasakay na ako sa kotse ko ng makita kong may kotse sa labas ng gate namin. Kotse yon ni Josh at andito na uli sya sa labas ng bahay namin. Binuksan ko naman ang bintana ng kotse ko.

"Josh? anong ginagawa mo dito?" kanina paba sya dito bakit hinde sya nagdo-doorbell para makapasok sa loob.

"Aayain sana kitang lumabas kaso mukhang may pupuntahan ka naman" saad nya.

"Ah oo eh, pasensya kana hindi ko alam na pupunta ka" hindi ko alam kung bakit ba nya ginagawa ito.

"Okay lang, san punta mo?" tanong nya.

"Ah kay ash may pupuntahan kase kame e" sagot konaman dito.

"Ganon ba san punta nyo?" tanong nya ulit.

"Hinde kopa alam basta may pupuntahan daw kame eh" saad ko dito kahit wala naman talaga kaming usapan na pupuntahan ni ash.

Nagpaalam na ako sakanya at pinaandar na ang kotse ko baka kase magtanong pa sya.

Nakarating naman din agad ako sa dorm ni ash. Rinig ko naman agad ang parang maingay kahit nandito palang ako sa labas. Kumatok na ako at laking gulat ko ng si sean ang nagbukas non! Anong ginagawa nya dito.

"Oy sam bat andito ka" nakita agad ako ni ash. Piste tong babae na'to sabi pupunta sa bahay kaya eto ako ang pumunta dito dahil antagal nya.

"Ikaw babae ka, sabi mo pupunta ka sa bahay kaya ako nalang pumunta dito antagal tagal mo" saad ko naman nilampasan ko na si sean. Nang makapasok na'ko sa loob ng dorm nya ay nandito din sila sazh at shai tsaka si ian at mark.

"Ay oongapala sorry nakalimutan ko sis" nakahawak sa buhok nyang saad.

"Bat andito kayo?anong meron?" tanong ko sakanila.

"Dorm ko 'to malamang" sagot ni ash.

"Kausap ba kita ha"

"Eh ewan ko sa mga yan namiss ata ako" sagot nya pa.

"Tsk assuming ka naman ash nagpunta kami dito para tumambay lang" si sazh ang nagsalita naman.

"Arat gala tayo sa sm? may pasok na sa monday eh" bumuntong hininga pang saad ni Shai.

My Boybestfriends is in love with Me(Series 1)Where stories live. Discover now