1 week later.
Nandito padin kami kasama ko ang mga kaibigan namin at mga ilang pinsan ni sean dumadalaw kasi sila, kami naman nila tita at tito ay laging nandito para bantayan sya sa hospital araw araw, hindi padin sya gumigising pero kahit ganon nandito ako para alaagan sya at umaasang gigising na sya.
Nakatulog na ako sa pagbabantay sakanya pero ng may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko agad kong minulat ang mga mata ko at sobrang kinakabahan ako.
"Sean" saad ko ng makitang gising na sya.
Natulala pa ako sakanya tsaka unti unting pumapatak ang mga luha ko, agad ko syang yinakap ng mahigpit naiiyak na din ako sa pagyakap ko sakanya sana hindi ko sya masaktan sa yakap ko dahil miss na miss ko lang talaga sya.
"Love gising kana!" naiiyak kong saad ng makawala sya sa yakap ko.
Andito sa tabihan ang mga kaibigan namin at pinsan na tuwang tuwa dahil gising na sya.
Napahawak sya sa ulo nya at agad naman naman syang nilapitan nila tita.
"Anak masakit ba? tawagin nyo yong doctor" saad ni tita na tuwang-tuwa ng makitang gising na si Sean.
Tumango naman si sean.
Tiningnan nya ang bawat isa na nandidito sa loob at kinakabisado ang lahat ng mga mukha nila, nang biglang sa akin na sya nakatingin. Pinagkatitigan nya ako at dahang dahan ang pagkunot noo.
"Who are you?"
Hindi ako nakapagsalita ng sinabi nya yon. Nagkunotan naman ang mga noo ng mga kaibigan namin at pinsan ng sinabi nya yon, anong sino ako? Bakit nya tinatanong kung sino ako, Sean. Wag ka namang magbiro ng ganyan oh.
"Sean, bakit? sya si Sam, right? sam is your girlfriend" paliwang ni tita.
Nang marinig nya yon ay nakita ko ang gulo sa isip nya, lalo syang napakunot. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko, gustong gusto ko na syang yakapin. Lumapit naman agad saakin si ash para yakapin ako dahil nakikita nya siguro na pinipigilan ko lang ang luha ko.
"I don't have girlfriend!"
Nagulat kaming lahat sa sinabi nya, totoo ba yong naririnig ko? totoo ba 'to? kasi kung hindi potek pakigising naman ako oh! pakisabi na hindi ito totoo! kasi ang totoo nasasaktan ako!bakit ganito!
Agad akong lumapit sakanya ng dahan dahan habang nanginginig dahil sa pagkakabigla, umiiyak ako ng hawakan ko ang mga kamay nya habang nakatingin lang sya sa akin at halatang hindi alam ang nangyayari.
"Lo-v-e" umiiyak na saad ko sakanya.
Agad nyang hinawi ang kamay ko sa kamay nya.
"Hindi kita kilala" he looks mad now. "Get out of here!" sigaw nya sa akin ng mainis dahil pilit kong hinahawakan ang mga kamay nya.
"Sean ano ka ba?! Sam is your girlfriend stop doing that!" Rinig kong saad ng mga tropa. Nilapitan na nila ako para awatin na sa ginagawa ko, mangiyak ngiyak na ako at hindi ko alam kung paano ko pa nakakayang tumayo.
Hindi nya nga talaga ako nakikila, ansakit sobrang sakit na yong taong nagmamahal sayo ng lubos ay hindi kana kilala ngayon.
"Sean girlfriend mo sya ano ka ba!" saad ni tito
"Anak please remember, you love her so much" si tita.
Napahawak lang si sean sa ulo nya agad naman ng tinawag nung isa nyang pinsan yong doctor na nagtitingin sakanya.
"What's happening?" tanong ng doctor ng makapasok sya.
"Doc bakit ganun hindi nya naaalala ang lahat?" tanong ni tita agad.
YOU ARE READING
My Boybestfriends is in love with Me(Series 1)
RandomMy Boybestfriend is in love with me(Series 1) Paano kung katulad ka den ni samantha na nagtapat sakanya ang mga kaibigan nyang lalaki ng nararamdaman para sakanya,anong gagawin mo kung mangyare sayo ang bagay nato?magbabago kaya ang pagsasamahan nil...