5

669 23 1
                                    

Another morning may event daw na gaganapin sa school namin, halos palagi namang ganun eh kahapon sobrang stressful hays nakinig lang ako sa prof namin tapos uwi na pagkatapos ng klase.

Ngayong umaga naisipan kong magpatanghali na ng pasok wala na naman kase kaming klase, kailangan lang ng attendance si Ash na ang bahala don chinat ko na naman sya kanina.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko tamang scroll lang sa fb at instagram. Wala namang bago sa facebook puro mga chismis or trend lang nandun sa insta naman mga post ng mga kung sino sino, tinatamad pa talaga akong bumangon kaya naisipan kong matulog nalang muna.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, it's already 11am na bumangon na ako at nag shower na. Sinuot ko na din ang aking uniform at kinuha ko na ang bag ko pati na din ang susi ng kotse ko tsaka bumaba na.

"Good morning ma" nakita ko si mama na abala sa pag liligpit ng mga gamit dito sa sofa, inaayos nya ata.

"Oh anak akala ko wala kang pasok?late kana ah" nagtatakang tanong ni mama, alam na nya kasi na kapag hindi ako bumabangon eh it means na walang pasok o hinde ako papasok.

"May pasok ma, nagpatanghali lang po ako puro event lang naman po sa umaga ang gagawin" saad ko tumango naman si mama at bumaling na uli sa ginagawa nya "ma, bat ginagawa mo pa yan? ako nalang mamaya pag uwi ang gagawa nyan magpahinga na po kayo" dagdag kong saad.

"Haynako anak, eto na nga lang ang ginagawa ko tatanggalin mopa, okay lang ako anak" nakangiting saad nya na pinapahiwatig na ayos lang talaga sya, tumango nalang din ako dahil alam ko naman na hindi ko sya mapipigilan.

"Si papa po ba ma nasan po?" tanong ko.

"Nako sinundo ng tito mo, nagpapasama ata sa papa mo at may bibilhin" saad ni mama.

"Ganun po ba, sige po ma alis na po ako magpahinga na po kayo pagkatapos nyan ha" saad ko dito tsaka humalik sa pisngi nya, tumango naman sya saakin.

Nakasakay na'ko sa kotse ko, regalo nga pala sakin ni papa 'tong kotse ko nung nag graduate ako ng senior high para daw may magamit ako lalo na't college na'ko, ayoko naman sana tanggapin kasi gusto ko sarili kong pera pagnag ka-trabaho na'ko ako ang bibili kaso binilhan nako ni papa nung graduation ko kaya tinanggap kona pero halos sila yong gumagamit nito kasi lagi akong kay sean na kotse, ngayon nalang uli ko ito nagamit.

Hindi na'ko kumain sa bahay naisipan ko nalang na dumaan sa coffee shop, umupo na'ko pagkatapos kong mag order ng coffee and bread yon nalang muna kakainin ko, diet diet din pagminsan.

Naghihintay ako ng order ko ng makita kong pumasok si sean, kinuha ko naman agad ang phone ko at abalang may tinitingnan doon para hindi nya'ko mapansin.

"Uhm... morning" saad nito, hays akala ko naman hindi nya'ko mapapansin pero eto sya ngayon nakatayo na sa harapan ko ng tingnan ko sya.

"Morning" saad konaman.

"Nag cutting ka?" tanong nya na ikinabigla ko. Anong tingin nya saken bata lang para mag-cutting.

"What? hinde noh, nalate lang ako ng gising papasok na nga ako eh umu-order lang ako ng breakfast" saad ko naman dito habang nakita ko ang pagngiti nya ng nakakaloko saken.

"Uhm okay sorry...mukha ka kasing may tinakasan" saad nya pa na mukhang nang iinis tsaka tumalikod nasakin para umorder.

Hays nakakainis talaga 'tong lalaking 'toh hindi ko alam kung gusto nya ba'ko sa lagay na yon hmp!

Dumating na yong order ko at nagsimula na 'kong kumain, habang kumakain ako biglang may nagbaba ng food sa table ko, napatingin naman ako dito oh fuck!

"Sinong nagsabi sayong pede kang umupo dito?" tanong ko dito habang nakataas ang isang kilay.

My Boybestfriends is in love with Me(Series 1)Where stories live. Discover now