Nang matapos kaming kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para matulog muna dahil hangover pa 'ko baka pagnag klase na kami ay makatulog pa'ko don ih.
Matutulog na sana ako ng maalala yong dalawang naghatid saken kagabi, hindi pa pala ako nakakapag pa-samalat sa paghatid nila saakin kagabi. Siguro ay pagnagkita nalang kami sa ngayon ay matutulog na muna ako dahil masakit pa ang ulo ko.
Nagising ako ng mga 1pm na din at naisipan kong bumaba para maghanap ng pwedeng meryendahin dito sa bahay namin at pagkatapos siguro ay pupunta ako sa grocery para bumili ng mga needs ko.
Pagbaba ko ay hindi lang ang parents ko ang nandito, andito din si Sean. Kausap niya sina mama at papa. Ano naman kaya ang ginagawa nya dito akala ko ba umiiwas sya sakin?
"Oh anak gising kana pala, andito si Sean" saad ni mama nang makita ako.
Napatingin naman si Sean sa'kin. Tiningnan ko lang sya at bumalik na ang tingin ko kay mama.
"Anong ginagawa ni sean dito" pagtatanong ko. Kahit naman noon ay parati na syang pumupunta dito.
"Pinadala sa kanya ni tita mo dito etong palabok" turo nya sa palabok na dala ni sean na nakapatong sa center table. Napatingin naman ako don, mukhang masarap ah.
"Ah okay po, mag go-grocery nga pala po ako ma may ipapabili po ba kayo?" Tanong ko. Siguro ay naghahanap nalang ako ng pwedeng makain don. Ayoko naman muna kainin yong dala ni Sean dahil nga nahihiya ako lalo na't hindi ko naman lahat matandaan ang mga sinabi ko sa kanya kagabi.
"Ah ganon ba, eto anak listahan konti lang naman yan ako na sana ang mamimili eh sakto papunta kanadin naman pala" saad ni mama tsaka iniabot saakin ang mga ipapabili nya.
"Sige ma magbibihis na po muna ako" pagpapaalam ko habang si papa at sean ay nag uusap naman.
Pumasok na ako sa kwarto ko at naghanap ng pwedeng masuot, nagpalit na ako at nag short, long sleeve na croptop, at white shoes. Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng kwarto ko para makaalis na.
Pagdating ko don ay nandon padin si Sean at kausap nya padin ang mga magulang ko.
"Alis na po ako" pagpapaalam ko.
"Oh anak isama mona si sean" saad bigla ni papa. Nabigla naman ako sa sinabi ni papa ganung umiiwas nga saken 'tung lalaking 'tuh. Pero kahit noon pa naman lagi akong sinasamahan ni Sean sa kung saan man ako pumunta.
"Ah..eh ano po kase-" pinutol na ni Sean ang sasabihin ko.
"Sige po tito sasamahan ko na po si Sam, wala naman po akong gagawin eh" saad naman nito kay papa. Tumingin pa ito saakin pagkasabi nya non.
Sumakay na'ko sa kotse nya yon nalang daw ang gagamitin namin, gusto ko sanang yong kotse ko nalang eh miss kona din naman sumakay sa kotse nya kaya wala na akong nagawa.
Tahimik lang kaming dalawa habang bumabyahe papuntang grocery. Nakakapanibago talaga dahil dati lagi kaming nag-aasaran at sobrang ingay lagi ng kotse nya dahil samin pero ngayon halos hindi nakami mag imikan ang last na pag-uusap namin ay kagabi kaso diko pa alam lahat ng nangyari.
Naisipan kong magpasalamat ulit sa pag-hatid nya sakin baka kasi hindi nya na basa yong chat ko kanina.
"Am-h thank you pala...sa paghatid kagabi" nauutal na nakatingin sa labas na saad ko.
"Walang anuman" saad nya, hindi ko nakita kung nakatingin ba sya saakin nung sabihin nya 'yon dahil nasa labas naman ang tingin ng mga mata ko.
Bakit pa kasi pumayag syang sumama sakin kung ganito lang din naman ang traruhan namin mukhang strangers lang ih.
YOU ARE READING
My Boybestfriends is in love with Me(Series 1)
RandomMy Boybestfriend is in love with me(Series 1) Paano kung katulad ka den ni samantha na nagtapat sakanya ang mga kaibigan nyang lalaki ng nararamdaman para sakanya,anong gagawin mo kung mangyare sayo ang bagay nato?magbabago kaya ang pagsasamahan nil...