11

448 13 3
                                    

Ngayon kami pupunta sa resort na sinabi ni sean nakapagpaalam na kami sa mga magulang namin at pumayag naman sila, mas excited pa nga sila samin eh.

Nakasakay na kami sa kotse nya habang hawak naman nya ang kamay ko, pinagmamasdan kolang sya habang nagda-drive napaka gwapo talaga nito.

"Baka matunaw na 'ko nan" saad nya bigla.

Nagbaling naman agad ako ng tingin sa harap tsaka nahihiyang tumawa.

"Ang gwapo mo po kasi sir" saad ko naman dito.

"Ako lang 'to love" pang aasar nya, napailing nalang ako sakanya.

Nakatulog na ako sa byahe namin,  nagising nalang ako ng may gumigising na sa akin.

"Love sorry kung nagising kita, andito na tayo" saad nya ng minulat ko ang mga mata ko.

"Am-h okay lang, sorry nakatulog pala ako" saad ko sakanya.

Bumaba na kami ng sasakyan at nakita ko agad ang isang resort na napaka ganda at maraming staff. Kinuha na nila yong mga gamit namin para dalhin siguro sa kwarto naming dalawa, wait sa isang kwarto lang ba kami parehas?

"Ang ganda naman dito" nakangiting saad ko naman.

"That's why i choose this place" he said while looking at my happy face "dahil alam kong magugustuhan mo 'to" he added.

Ngumiti naman ako sakanya at naglakad na kami papunta sa kwarto namin, seryoso ba sa isang kwarto lang kaming dalawa?

"Mukha kang kinakabahan" natatawang saad nya ng mapansin siguro ang itshura ko. "Don't worry love dalawa yong kamang kinuha ko" he added.

Nawala naman ang kaba ko kahit papano, may tiwala naman ako sakanya. Okay na din yon na magkasama kami para alam kong safe ako kasi nandyan sya sa tabi ko.

"Ang ganda love" saad ko ng makapasok na kami at kitang kita ang beach dito napaka gandang tanawin naman.

"Super" saad nya pero ng nilingon ko ito ay saakin naman sya nakatingin, hays lalaking 'to pinapakilig naman ako.

"Heh, yon kasi love" saad ko.

Tumingin din sya don, pumunta kami sa terrace para umupo magkatabi kami at ang isang kamay nya ay nasa likod ng upuan ko habang tinitingnan namin ang kagandahan ng beach na ito.

"You know love" panimula nya bigla.

Tumingin naman ako sakanya habang nag iintay ng mga sasabihin nya.

"Hindi ko akalaing magiging malakas ang loob kong sabihin sayo lahat ng nararamdaman ko" saad nya tsaka hinawakan ang mga kamay ko, napaka gwapo nya talaga lalo na kapag pinagtitigan mo talaga.

"Ngayon palang sobra na'kong natutuwa kapag tinatawag natin ang isa't isa na love, kahit wala pa tayong label ayos lang sakin mag hihintay ako kahit gaano pa 'yan katagal" seryosong saad nya kasabay ang pagtingin saakin tsaka ngumiti.

"Hindi ko din lahat ng ito akalain love, hindi ko akalain na magiging malakas din ako para harapin yong totoong nararamdaman ko sayo" saad ko tsaka ngumiti sakanya.

Niyakap nya naman ako tsaka bumaling ng tingin sa mga kamay naming magkahawak at pinaglalaruan ang bawat daliri ko.

"Love kain na tayo" saad nya.

Tumango naman ako.

"Am-h love magpapalit muna ako" saad ko naman sakanya.

Tumango naman sya, hindi kasi bagay yong suot ko na naka t-shirt at pantalon pa 'ko.

Makalipas ang ilang minuto ay suot ko na ang aking white dress na fitted sa akin, nakita ko din paglabas ng cr si sean na hinihintay na ako naka white polo beach sya at magka color pa kami ng suot.

My Boybestfriends is in love with Me(Series 1)Where stories live. Discover now